Jocjok for Capiz Governor, no joke!
|
| |
Si former Agriculture undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante, nagbabalak na sumabak sa politika, kahit hindi pa nareresulba ang maanomalyang P728 fertilizer fund scam.
Dahil dito, inalmahan ng ilang mambabatas ang naging pagnanais ni Bolante na tumakbo sa lokal na halalan sa 2010, nanawagan pa ang mga ito kay Jocjoc na hayaan na lamang sa mga masnakakaalam ng politika sa Capiz.
Ganun paman, aminado sina Isabela Rep. Giorgidi Aggabao at Aurora Rep. Juan Edgardo “Sonny” Angara, na karapatan pa rin ni Jocjoc Bolante na tumakbso sa anomang elective post na naisin nito.
“But let’s leave his fate to the political maturity of the people from Capiz. They should know what is best for them,” ani Aggabao.
Pero ayon kay Citizens Battle Against Corruption Rep. Joel Villanueva, mahiya naman umano si Bolante bago ito pumasok sa politika.
“He (Bolante) should spare the residents of Capiz from further embarrassments.” Ani Villanueva.
Naniniwala naman si Aggabao, na malaking banta si Bolante sa mga politiko sa Capiz, lalo na’t umano kung pagbabasihan ang kayamanan ni Jocjoc.
“He has not been convicted of any crime so he can run. Will he win? With all the money he has, it’s probable,” saad ni Aggabao
Binalaan naman ni Angara ang mga botante ng Capiz kung sakaling sumabak sa politika si Bolante, “good luck to them (Capiz voters). At least they have been forewarned by the happenings in the fertilizer scam, and know what to expect.”
Sa local public affairs program, tiniyak umano ni Bolante maaari siyang makilahok sa politika sa Capiz sa 2010 elections.
Ganun pa man, aminado si Bolante na hindi lahat ng mga taga-Capiz ay natutuwa sa kanyang posibleng pagtakbo bilang governor ng lalawigan ng Capiz. (JoMa)
|
| |
| |
| |
| |
| |
| |
| |
| |
| |
| |
|