Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
2008 Filipino Image Magazine
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Click to read the
2008 FILIM
Magazine
HACIENDA LUISITA AT MAGSASAKA
 
Kinuwestiyon ng dalawang mambabatas ang babala ng pamunuan ng Hacienda Luisita Incorporated (HLI) na
nag-utos sa 1,500 magsasaka na hintuan ang pagbubungkal at pagtatanim sa 2,000 ektaryang lupain na
pinaniniwalaang pag-aari ng mga magsasaka dito. Dahil dito naghain ng House Resolusyon sina
Anakpawis partylist Reps. Rafael Mariano at Joel Maglunsod na humihiling sa House committee on agrarian
reform na imbestigahan ang ginawang hakbang ng pamunuan ng HLI laban sa mga magsasaka.

Ayon kay Maglunsod noong Nobyembre 16, 2004 tinanggal sa trabaho ng pamunuan ng HLI ang mga
magsasaka na sumama sa welga at nagbulgar sa naglahong “stock distribution option” (SDO) upang
mapabuti ang pamumuhay ng mga magsasaka.

Ayon kina Mariano at Maglunsod hiniling nilang imbestigahan ito ng komite upang malaman ang karapatan
ng mga magsasaka na nagmamay-ari ng lupain bago ang pagbuwag sa SDO.

Matapos ang 14 na taong pagpapatupad nito, sa rekomendasyon ng Presidential Agrarian Reform Council
(PARC), pinawalang-bisa ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang SDO ng HLI noong 2005, ayon sa
dalawang mambabatas.

“Nagbungkal ng kanilang bukirin ang mga magsasaka para lamang mabuhay dahil nabigo ang HLI na ibigay
ang katumbas na salapi na dapat para sa kanila,” pahayag ni Mariano.

Nakakuha ng Temporary Restraining Order (TRO) ang HLI laban sa PARC at DAR sapagkat nagkukuwestiyon
ang dalawang ahensiya kung bakit binuwag nila ang SDO, ayon kay Maglunsod.

Gamit ang TRO bilang ligal na batayan, nakatanggap ng babala ang mga magsasaka mula kay Hernan
Gregorio na nagpakilalang Assistant Estate Manager ng HLI na hintuan ng mga magsasaka ang
pagbubungkal at pagtatanim sa lupain bago dumating ang buwan ng Oktubre 30, 2009.
 
Senado huwag ubusin ang oras sa pagpapasikat-solon
 
Humihiling ang isang mambabatas sa mga Senador na wagmasyadong ubusin ang panahon, sa pagtutok
sa imbestigasyon sa C-5 road controversy at sa Dr. Hayden kho at Katrina Halili sex Video.

Dapat din umanong bigyan pansin ani Quezon Rep.  Danilo Suarez, chairman ng House  oversight comiittee,  
ang academic crisis na nakinakaharap ng bansa.

Umaasa pa ang mambabatas na mabibigyan sulyap ng mga Senador  ang kanyang prosal na humihiling  sa
mga telecommunication company ng maayos na serbisyo sa kanilang mga subscribers at mabigyan ang
gobyerno ng masmainan na bayad sa buwis.

“Baka naman masyado tayong naaaliw sa awayan sa C-5 at investigation sa sex video.  Sana mabigyan ng
pansin ang aking proposal sa Senate kasi ang bansa ay dumaranas na ng academic crisis,” ani  Suarez,
pinabulaan naman nito ang mga sinasabi ng mga telecoms na  tungkol sa buwis ang kanyang proposal.

Pormal ng sisimulan sa lunes ng  Senate committee of the whole ang imbestigasyon laban kay  Sen.  Manuel
Villar sa  umanoý anomalya sa C-5 extension project, na inuugnay naman sa paggamit  ng mga
presidentiables na miyembro ng komite sa isyu bilang paghahanda sa  2010 elections.

Habang kasabay naman nito ang imbestigasyon ng  Senate committee on youth, women and family relations
na pinamumunuan ni Sen.  Jamby Madrigal sa sex video scandals ng mga celebrities.

Sa proposal ni Suarez, hinihiling nito na isangtabi ang five-centavo mula sa text fee upang ilagak sa
pagpapatupad ng metering system sa industriya ng telekominkasyon, at mabigyan pondo ang
computerization program sa lahat ng public elementary at secondary schools.

Mataandaan na pinangako ni Suarez na pabubuksan ang libro ng  telecommunication companies kung hindi
nila ibaba sa 50-centavo ang bayad sa kada short messaging system (SMS), at kung hindi magpapatupad
ng  five-centavo broad spectrum fee para sa pambili ng  $30 million metering device na magbibigay ng mas
kapanipaniwalang ulat ng benta ng mga telecoms.

Pinaalala pa ng Mambabats ang naging reklamo ni  Senate President Juan Ponce Enrile na na-expired ang
P1,000 halaga ng kanyang  E-Load o Auto-Load kahit na hindi niya ito ginagamit, na  maaari umano itong
makadagdag  upang mapabigat pa ang kanyang proposal.

“Iyun na nga ang problema diyan, 95 percent pa of our subscribers are using pre-paid.  Ilan na lamang ang
post paid,” dagdag pa ni  Suarez.
 
Spratlys Island, gamitin na lang keysa pag-agawan-Solon
 
Gusto ng  House committee on foreign affairs na magkaroon ng  joint exploration sa likas na yaman ng  
Spratlys group of islands sa  South China Sea ang mga bansang umaangkin nito,  habang hinihintay ang
magiging resulta sa kung kaninong bansa nasasakop ang isla.

Naniniwala si Cebu Rep.  Antonio Cuenco, chairman ng committee na kung hindi magkakaisa ang China ,
Philippines , Vietnam , Malaysia at  Taiwan maari umanong matapos ang usapin pagkatapos ng mahigit 100
taong.

“The matter will be resolved after 100 years or more, the question on when the dispute will be resolved, we
don’t know.   While waiting for the resolution, we might well sit down with our neighbors and undertake a
common use of the islands,” ani  Cuenco na tumutukoy sa mahabang panahong pag-aaral ng United
Nations Convention on Laws of the Sea (UNCLOS) at International Court of Justice (ICJ) upang maresolba
ang conflict sa pagitan ng mga bansa.

Ang  Spratlys ay binubuo ng  shoals, islets, cays at reefs sa bahagi ng  South China Sea , na sinasabing
mayaman sa minerals at maraming nakaimbak na langis.

Matatandaan na pinagtibay ng Pilipinas sa pagpira ng Pangulong Gloria Arroyo sa Republic Act 9522 o mas
kilala sa Philippine Archipelagic Baseline Law na ginigiit na ang  Kalayaan Island Groups (KIG) at
Scarborough bilang  “regime of islands" ay nasasakop ng “Republika ng Pilipinas," na katibayan na
pinatutupad pa rin ng bansa ang kasarinlan at nasasakupan nito.    

“I am happy to announce after a dialogue with Chinese Ambassador and officials, they now understand the
action of Philippine government regarding our Baselines Law and they are willing to work with us.   They are
now more objective the way we drew our Baselines,”  dagdag pa ni Cuenco.
 
 
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us