Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
2008 Filipino Image Magazine
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Click to read the
2008 FILIM
Magazine
PRO-admin Representative, binawian si Sen. Roxas
 
BINAWIAN ng mga administration Congressmen si  Sen.  Manuel  Roxas sa pagtawag nito ng  “union of
trapos, “ ang bagong tatag ng administration party.

Mariin sinabi nina Marikina City Rep.  Marcelino Teodoro at Manila Rep.  Bienvenido Abante, na ginagamit
lamang umano ni Roxas ang pagbanat sa administrasyon para pabanguhin ang kanyang imahe na laging na
huhuli sa survey.

Nanawagan pa ang dalawang stalwarts  ng  Lakas-Kampi-CMD kay Roxas, na tutukan na lamang nito ang
magiging plataporma sa gobyerno bilang kandidato sa pangpanguluhang halalan.

“If he is going to run for president, he should have the decency and stop-name calling. In his attempt to make
a mass-based appeal, the sense and true calling of his position as senator of the country is lost,”  ani
Teodoro.

Sakabila ng mga kritisismo ni Roxaz, naniniwala si Teodoro na ang bagong partido  ng administrasyon ang
pinakamalakas na lapian sa bansa.

Naniniwala si Teodoro na malakas lamang umano ang inggit ni Roxas sa pagkakaisa ng Administrasyon
party, lalo na ‘t hindi matiyak ang suporta ng kapwa nito oposisyon.

“It is sad that the insecurities of the opposition are translating into malicious attacks and ridicules. This is
probably their way of downplaying, at least in their minds, the formidability of the Lakas-Kampi CMD party.  
Despite their criticisms, the fact remains that the merger is the strongest party there is in terms of machinery
and manpower,” dagdag nito.
 
Sen. Chiz Escudero pambato ng Lakas-Kampi-CMD?
 
MALAKI ang  posibilidad na sina Sen. Francs “chiz” Escudero  ang piliin ng pinagsanib ng Lakas-Kampi-CMD
party,  na pinagpipilian din ng pro-administration Nationalist People’s Coalition (NPC) ni  business tycoon
Eduardo “Danding” Cojuangco.

Batay sa naging sagot ni  Speaker Prospero “Boy” Nograles Jr. na kung  kanino kila presidentiables Vice
President Noli de Castro at Defense Sec.  Gilberto Teodoro ang pipiliin ng Lakas-Kampi-CMD party.

Mariing sinagot ni Nograles na magmumula sa allied party ang kanilang magiging standard-bearer at  
nangunguna sa survey.

Matatandaan na si Escudero ang isa sa pinakamatunog na pangalan na posibleng pilian ni Cojuangco, kaya
ng tanungin si Nograles kung ang Senador ang piliin ng NPC?

“We in the House have a very good alliance with NPC, which can be duplicated nationally,” sagot ni  Nograles,

Nilinaw naman ni House Majority Leader and Iloilo Rep.  Arthur Defensor na kahit dumalo si De Castro sa
kasal ng Lakas at Kampi, hindi pa rin umano ito miyembro ng pinagsanib na partido.

“He is not a member of administration party and I don’t know his political plans,” ani Defensor.

Hanggang ngayon hindi pa rin pormal na sinasabi ni De Castro ang pagnanais nito na lumahok sa
pangpanguluhang halalan.
 
CHACHA palulusutin na sa KAMARA
 
NAKATAKDA ng palusutin ngayon gabi sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House
Resolution (HR) No.  1109  na nagtutulak sa Constituent assembly (Con-Ass) kahit walang pangsang-ayon  
ang Senado.

Kanina napagkasunduan ng  mayorya sa ginawang majority caucus na aprubahan na ang HR 1109 ni
Camarines Sur Rep.  Luis Villafuerte kahit walang partisipasyon ang Mataas na Kapulungan.

“I do not know if we can convene immediately even if the resolution is approved today (Tuesday),” dagdag pa
ni Nograles. “But definitely, we would tackle the resolution at the plenary (Tuesday) and hopefully approve it.”

Pinayuhan naman ni Nograles ang mga mamahayag na manatili hanggang 11 ng gabi dahil pipilitin
umanong palusutin ng Kongreso ang HR 1109 na kinakailangan ng 211 na boto mula sa 265 members.

“I advise you (reporters) to stay until 11 p.m. It’s 1109 all the way,” sabi ni  Nograles.

Nauna ng pinasa ng House committee on constitutional amendments sa botong 22-10 na pumapabor sa
motion ni Maguindanao Rep.  Didagen Dilangalen na dalhin na ang usapin ng HR No.  1109 sa plenaryo.

Matatandaan na binawi na ni Camarines Sur Rep.  Luis Villafuerte ang kanyang suporta sa  HR No.  1109
matapos na akusahan ng Mambabatas  si Nograles na pinatatagal ang pagpasa ng ConAss, upang
mabigyan daan ang HR 737 ni NOgrales.

Ang HR No.  737 ni Nograles ay humihiling na payagan ang mga dayuhan na magmay-ari ng 100 percent ng
lupain sa bansa.

Ang HR No.  1109 ay humihiling naman na mag-convening ang Kongreso sa pamamagitan ng Con-ass
upang amyendahan ang saligang batas, na kinakailangan naman ng three-fourths votes ng miyembro ng
Kongreso.
 
Miyembro ng bagong kasal na Lakas at Kampi, nagtatalunan sa LP
 
Manila,Philippines-Nagsisimula ng magtalunan ang mga miyembro ng bagong kasal na Lakas-Kampi-CMD
sa lapian ni Presidential aspirants Sen. Manuel Roxas sa Liberal Party(LP).

ito ay kinumpirma ni  Batangas Rep.  Hermilando Mandanas na 10 umano na dating miyembro ng Liberal
Party Environment Sec.  Lito Atienza-wing na lima dito ay miyembro ng Lakas-Kampi-CMD, na nagpahiwatig
ng pagnanais na lumipat sa partido ni Roxas.

“May ganoong information that former members are going to join the LP again,”  ani  Mandanas.

Si Roxas ang standard bearer ng LP na nagkaroon ng five-percent na pag-angat sa latest Pulse Asia survey
na mula sa  eight ng  February umakyat ng 13 percent ng  May.

Kinumpirma naman ni Quezon Rep.  Lorenzo “Erin” Tañada III, head ng  LP’s House bloc at  party’s
spokesman ang paglipat ng 10 miyembro ng administration party sa kanilang partido.

“Yes, ten former LP members indicated their intention to rejoin the LP.  Another five to ten Lakas-Kampi
members are having exploratory talks with the leadership with the intention to also join LP,”  saad ni
Tañada.          

Hindi naman nagulat na dito si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, dahil hindi naman umano lahat ng sumali sa
Lakas-Kampi-CMD party ay naging masaya sa pagsasanib na dati ng magkaalyadong lapian.

Naniniwala pa ang Mambabatas na hindi rin magtatagal ang kasal ng Lakas at Kampi at agad din umanong
hihiling ng divorce ang karamihan ng miyembro nito.

"the merger of Lakas-Kampi is expected to have a fallout, since not everyone is happy about it. transfer to
other parties by disgruntled members is also expected, considering that there are other parties to choose  
from," ani Biazon.

Binalaan naman ni Biazon ang mga nagnanais na lumipat sa LP,  na kailangan siguraduhin ng mga ito na
susundin ang mga patakaran at paniniwala  ng partido.

"The LP is an attractive option for those seeking a party to join, but before someone is accepted , the applicant
would have accept the certain condistions." pahayag ni Biazon.

Matatatandaan na nahati ang LP matapus hindi magkasundo sina Atienza at former Sen.  Franklin Drilon na
nauwi pa ang usapin sa Supreme Court (SC) na pumabor naman sa Drilon’s wing ang tunay na may
karapatan sa lapian.
 
Sen. Jamby Madrigal is lying-Rep. Cynthia Villar
 
IPINAGTANGGOL ni Las Pinas Rep. Cynthia Villar  ang kanyang asawa na si Sen. Manny Villar sa umano'y
anomalya sa C-5 Road extension project.

Naniniwala si Rep. Villar na politika lamang  ang dahilan kung bakit nais pabagsakin sa pamamagitan
umano ng mga walang basehang alegasyon ang Senador.

“That is politics. When they see you are strong, your opponents will do everything to pull you down. We are
used to it and we expect it,”  ani Rep. Villar said.

Inilarawan pa ng kongresista ang pagsusumikap nilang mag-asawa upang maabot ang tinatamasa nilang
buhay ngayon, na siya umano niyang babalikan pagkatapos ng kanyang termino sa susunod na taon.

“We are a hardworking couple. We started working when we were still young and have saved enough before
we entered public service,” dagdag pa nito, "there was no need to accuse my  family of making some P400
million from the project,"

Tinawag naman nitong sinungaling si Sen. Jamby Madrigal sa pag-aakusa sa kanyang asawa na
nakinabang sa C5 project  kahit walang matibay na ebidensya.

“She (Madrigal) is lying. She cannot prove anything. It is a fact a congressman or senator only identifies a
particular project and the money will go to a particular agency that will implement the project. We have no right
to receive money from the government,”  giit ni Mrs Villar.

Malaki naman ang paniniwala ng may bahay ni Sen. Villar na kayang ipagtanggol ng kanyang sarili laban sa
mga akusasyon ng mga kalaban nito sa politika.

Pero Mas-inam na umano na tumutok na lamang sa problemang kinakaharap ng bansa ang kanyang asawa,
keysa  ang manira ng reputasyon ng ibang tao.
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us