Con Ass pasado na sa Kamara
|
| |
LUSOT na sa mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Resolution 1109, na naglalayong mag- convene ang Senado at Kamara sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass) para amyendahan ang Salinggang Batas.
11:30 ng gabi ng martes ng magsimula magbotohan ang miyembro ng Karama sa pamamagitan ng viva voice voting.
Kinagulat naman ito ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na minadali umano ang pagpasa ng Con Ass, dahil idinaan lamang sa viva voice voting at hindi sa nominal voting ang pagpasa sa Con Ass.
“I wanted to formally and officially register my objection but was prevented from doing so, with the treat of simply no being recognized and given the floor” dagdag pa ni Biazon, “such is the ruthless railroad that the ChaCha reso is riding on.”
Bago pumasa ang Con Ass sa plenaryo, sinubukan pang pigilan ng mga miyembro ng minorya ang malakas na buhos ng suporta ng mayorya sa Charter change (Cha-cha).
Si dating Speaker at Panggasinan Rep. Jose de Venecia muli nitong hiniling na pagkatapos na ng termino ng Pangulong Arroyo saka mag-Charter change.
“ my proposal, Mr. Speaker, as it is the proposal of many others here, let us amend the Constitution after the term of President Gloria Macapagal Arroyo has passed," ani De Venecia.
Hindi naman makapaniwala si Minority Leader at San Juan City Rep. Ronaldo Zamora sa inaasahan nilang mainit na debate na uwi sa tila hanggin na dumaan sa pagpasa ng Con Ass sa kanilang harapan.
"I am distressed that after such a long process, we should end up like this," ani Zamora.
Nanawagan naman si Biazon sa kapwa niya oposisyon na isang tabi na muna ang mga hidwaan at pagplanuhan ang mga susunod na hakbangin upang mahadlangan ang umiindak ng saliw ng ChaCha.
Heto na aniya ang tamang panahon na magkaisa ang oposisyon at isang tabi muna ang mga partidong inaaniban at susuportahang kandidato sa 2010 elections.
“the next move must be unified, otherwise it will not prevent the Cha-Cha from prospering” ani Biazon.
|
| |
| |
|