Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
2008 Filipino Image Magazine
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Click to read the
2008 FILIM
Magazine
Speaker Nograles, kakain ng bala matuloy lang ang ChaCha.
 
Bilang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, handa umanong harapin ni House Speaker Prospero
Nograles ang buwelta ng pagpasa ng House Resolution 1109.

“I'm prepared the bite the bullet and face public scorn” giit ni Nograles.

Nanawagan naman si Nograles sa Korte Suprema na tuldukan na ang usapin ng pagbabago sa saligang
batas, upang matigil na ang mga pagbatikos sa Kongreso sa pagsulong ng Charter Change sa
pamamagitan ng Constituent Assembly.

Binigyan linaw pa ni Nograles na walang ibang makakapagsabi ng legal na opinyon pagdating sa Charter
Change bukod tangi ang Korte Suprema lamang.

“ Even the best legal  minds in our country today don't have a single legal position on how to amend the
Constitution through constituent assembly which is one of the modes of amending the Constitution,” diin  pa
niya,  “the Supreme Court that it should now step in and make a clear interpretation of this particular provision
of our Constitution.”

Pinagtanggol ni Nograles ang naging hakbangin ng Kamara na ipasa ang HR 1109 na nagsusulong ng
Pagbabago ng Saligangbatas sa pamamagitan ng Constituent Assembly(Con-Ass), na ang taumbayan din
mismo ang unang makikinabang sa Chacha na pangmatagalang solusyon sa maraming problemang
kinakaharap ng Saligang Batas.

“When the majority coalition decided to act decisively on HR 1109, our eyes were focused on the future
because we don’t live just for today,” giit pa nito.

Sinag-ayunan naman ito ni Marikina Rep. Marcy Teodoro sabay panawagan sa kapwa nito mambabatas
mula sa oposisyon na tigilan na ang umanoý mga walang basehang paratang, na lalong nagpapagulo sa
usapin ng Chacha.

“maging responsible dapat tayo sa mga paratang at dapat maging kaakibat tayo ng pagbabago na kailangan
ng ating bansa.” Hayag nito.


Pinapurihan naman ni Nograles ang kapwa nito mambabatas na nagsulong ng ChaCha sa Kamara, na isa
umanong katapangan ang pinakita sakabila ng posibleng pagtutuya ng publiko.

“This is the essence of leadership.  What is popular may not be the
best of options.” Ani Nograles.
 
“It smells ‘pork’ in the House today. It’s greasing all over the place.” - Maza
 
“It smells ‘pork’ in the House today. It’s greasing all over the place.”

Ito ang naging pagtutuya ni  Assistant Minority leader and Gabriela Women’s Party Rep.Liza Maza kapwa  
mambabatas na nagpasa ng  House Resolution 1109 martes ng gabi.

Aniya pinatunayan umano ng pagpasa ng  HR 1109 na nanawagan na magconvene ang Kongreso sa
pamamagitan ng  constituent assembly  upang amyendahan ang saligang batas,  ang umanoý  P20 milyong
suhol sa mga kongresistang susuporta sa Con Ass.

Sinabi pa ng militanteng kongresista  na ang utak ng  Pangulong Aroyo ang nagpatakbo sa Kongreso upang
maipasa ang  ang HR 1109, na  magpapalawig umano sa termino ng pangulong arroyo.

Pinaliwanag ni Maza na makukuha umano ang P20 milyon sa pamamagitan ng karagdagan sa taunan nilang
pork barrel.

“I challenged the House leadership to clarify this issue amidst persistent reports alleging that an additional
P20 million was promised each congressman who will vote in the affirmative once the resolution is submitted
to the floor for approval,”  hamon ni Maza.

Mariin naman pinabulaanan ni Baguio City Rep. Mauricio Domogan  ang nasabing alegasyon,  na ginugulo
lamang umano ni Maza ang isipan ng taumbayan.

Binigyan diin pa nito, napapanahon na umano na maspalawakin  pa ang ilang provision sa salinggang batas
na hindi na umano tumutugma sa panahon.

“thats not true, I didn’t receive any.   The anti-cha-cha concocted that to misled and confuse the people. They
should stake to the issue” dagdag pa nito “dapat naman iimprove ang ilang provisions ng ating constitution.”
 
Korte Suprema huling alas sa Con Ass
 
NASA kamay na ngayon ng Korte Suprema ang buhay ng  Constituent  Assembly (Con-Ass) matapos na
pumasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso martes ng gabi.

Malaki ang paniniwala ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon hindi ang magandang pagtanggap ng Senado sa
House Resolution 1109  ang hinihintay ng Kamara, bagkus ang  subukan ang magiging tugon ng Korte
Suprema sa usapin ng Charter Change(ChaCha).

“as planned by the proponents, they will bring it to the supreme court.” Giit ni Biazon.

Sinabi naman  ni Manila Rep. Bienvenido Abante, na mahalaga parin ang pagpayag ng Senado sa pag-
convene ng Kongreso batay na rin sa napasang HR 1109.

“convening congress as a constituent assembly still must have the approval of the Senate.”  Ani Abante.

Naniniwala  naman si CIBAC party list Rep. Joel Villanueva,  na nag-aksaya lamang ng oras  ang  Kamara sa
mabilisang pag pasa ng Con Ass, dahil tiyak umano na mauuwi lamang sa basurahan ng Senado ang Con
Ass.

“May na achieve ba? Wala dahil niragasa man nila kagabi papatayin din ng Senado ang pangarap na
Chacha.” Sabi  ni Villanueva.

Matagal  kinukundina ng Senado ang pagpasa ng Con Ass, mawawalan umano ng silbi ang senado kung
masusunod ang HR 1109, bagkus naghain sila ng isang resolusyon na nanawagan ng Constitutional
Convention (Con Con).

Matapang naman ang paninindigan ni Abante na kung sakaling hindi makipagtulungan ang Senado sa
Kamara sa pag-amyenda ng Konstitusyon kailangan umano nilang sundin ang batas na magconvene ang
Kongreso pumayag man o hindi ang Senado.

“well then we will have to follow the constitution, congress must obey the law.”  Giit nito

Pero aminado din ang Mambabatas na kung sakaling magpumulit ang Senado na pigilan ang pagconvene
ng Kongreso sa pamamagitan ng Con Ass, ang Korte Suprema ang huling alas ng Kongreso para tuluyan
ng  umindayog ang himig ng ChaCha.

Tinawag naman ni Biazon na imoral ang Kamara sa pagpasa ng Con Ass, at irogante sa pagbalewala sa
opinyon ng taumbayan hinggil sa pagbabago ng salingang batas.

“ where the Senate is likewise ignored by the House of Representatives convening itself as a Constituent
Assembly, is immoral and smacks of political arrogance  in that it practically ignores public opinion,” pahayag
nito.
 
Buhay ng CARP, pinalawig ng limang taon
 
PINAGTIBAY  na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang habaan pa ang  buhay ng  
Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) gabi ng miyerkules kasabay ng paglalaan ng P100 bilyon
para dito.

Sa nominal voting nakapagtala ang plenaryo ng   211-13-2  na pumapabor sa House Bill 4077 ni Akbayan
party-list Rep. Risa Hontiveros,  na humihiling na palawigin pa ng limang taon ang CARP na madalas na
pinagmulan ng protesta sa Kamara.

"This is a day of victory for the farmers. Today they're reaping the fruit of their long march to Manila in search of
justice and to teach our lawmakers the meaning of justice," said Hontiveros, one of the primary authors of
House Bill 4077.

Hindi naman kumbinsido dito ang kapwa militanteng Mambabatas ni Hontiveros-Baraquel na si Bayan Muna
Rep. Teddy Casino,  imbes na CARP, nais ng mambabatas na mailusot ang Genuine Agrarian Reform Bill
(GARB).

Pinilit pa ni Casino na mapag-usapan sa plenaryo ang GARB pero hind ito pinagbigyan, kaya ginawa na
lamang isinisingit na lang  ang ilang  probisyon sa GARB sa HB 4077  ni Hontiveros naglalayong gawing libre
ang pamamahagi ng lupa pero hindi rin ito pinayagan ng mayorya.

“I am here to protect the rights and the interests of the farmers, and I will do so without compromise,
especially if there is a sell out," ani Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na sinuportahan naman ni Gabriela Rep.
Liza Maza sa plenary pero kapwa sila na nabigo.

Naging madrama naman ang pagpapaliwanag ng boto ni Deputy Speaker at Cebu Rep. Pablo Garcia, na
numero unong tutol sa pagpasa ng HB 4077 pero nagulat ang marami sa kanyang naging boto.

“Mister Speaker, I have now realized that in life one does not always get what he wants. And so it is with our
work here in this House, for legislation is the art of the impossible," diin pa ni Garcia,  "If we cannot have what
we like, then for the moment, let us like what we can have. I vote yes, Mister Speaker."

Sa Huwebes na katakdang ng magharap sa  bicameral  Committee  ang Kongreso at Senado, upang
panghambingin ang dalawang version na pinasa ng dalawang sangay ng pamahalaan.

Kabilang naman sa magiging panel mula sa Senado sina  Senators Jinggoy Estrada, Rodolfo Biazon,
Gregorio Honasan, Pia Cayetano, Francis Pangilinan, at Aquilino Pimentel Jr.

Habang sa House panel ay kinabibilangan nina Lagman, Hontiveros, Garcia, Manila Rep. Amado Bagatsing,
Apayao Rep. Elias Bulut Jr., Rizal Rep. Michael John Duavit, at Sorsogon Rep. Salvador Escudero III. At
inaasahan na mapapagtibay ang CARP sa muling pagbubukas ng session pagkatapos ng State of the
Nation Address(SONA) ng Pangulo.
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us