Dahil sa paglobo ng kaso ng A(H1N1) sa Pilipinas, mga Pinoy pinaiiwas muna sa Mall
|
| |
Labis ng nababahala ang ilang mga kongresista sa patuloy napaglobo ng kaso ng AH1N1 virus sa bansa.
Sa bagong tala ng Department Of Health (DOH) umabot na sa 46 ang naitalang kaso ng A(H1N1) virus sa bansa.
dahil dito, nanawagan si Buhay Party-list Rep. Irwin Tieng sa publiko na iwasan munang pumunta sa mga matataong lugar tulad ng mall kung wala namang importanteng gagawin.
Giniit din nito na kailangan din maglagay ng anti-bacterial filters at mga hand sanitizers ang mga mall alang- alang narin sa seguridad ng kalusugan ng mga taong namamasyal sa mall.
“dapat siguro iwasan na lang kung wala talagang importanteng gagawin dun(mall). At dapat siguro maglagay sila(mall) ng mga anti-bacterial filters at mga hand sanitizers.” Ani Tieng.
Nababahala naman si Iloilo Rep. Ferjenel Biron sa mabilis na pagdami ng bilang kaso ng A(H1N1) virus sa bansa na umabot na sa 46.
Nanawagan pa ang mambabatas na dapat paghandaan ng Department of Health ( DOH) ang posibilidad na umabot sa epidemic levels ang kaso ng A(H1N1) sa bansa, at tiyakin umano na sapat ang supply ng gamot laban sa sakit.
“the DOH has to be ready anytime to manage cases whenever the national incidence reaches epidemic levels.” Ani pa ni Biron, na isa ring Doktor, “the Government should initiate stocking of oseltamivir, the drug of choice for H1N1.”
|
|