Pangulong Arroyo, pinayuhan na wag magpaepekto sa Survey
|
| |
‘Wag magpa-apekto sa survey,”
Ito ang nagging payo ng dalawang administration Congressmen kay Pangulong Arroyo na balewalain na lamang ang mga negatibong resulta ng survey at magpatuloy na lamang umano sa pagtrabaho para sa bansa.
Naniniwala si Northern Samar Rep. Paul Daza na hindi maapektuhan ng survey ang pagngulong arroyo.
“She should stay her course and continue her programs and projects. Surveys are informative but we don't lead based on polls,” Daza said.
Sinisisi naman ni Daza ang media sa umanoy hindi patas na pag-uulat laban sa pangulo na nakakaepekto umano sa isipan ng taumbayan.
“Negative results (in the surveys) tend to be due to sometimes bias media coverage,” dagdag nito.
Si Lanao del Norte Rep. Abdullah Dimaporo binalewala naman ang survey, lalo na’t hindi nakakaapekto sa pagtrabaho ng pangulo at maging ang ekonomiya ng bansa.
“That's not a problem. (Former President Fidel) Ramos won in 1992 with less than 50 percent of the votes, but he did well. President Arroyo is doing well. Look at our roads, the different DSWD programs, etc,” sabi ni Dimaporo.
|
| |
Senador Jinggoy Estrada, Hindi binigyan ng visa ng Kuwait Goverment
|
| |
Maghahain ng diplomatic protest si Senador Jinggoy Estrada laban sa Kuwait government makaraang mabigo siyang makakuha ng visa upang makapasok sa nasabing bansa.
Sa kasalukuyan, sinabi ng Senador na nanatili siyan stranded sa United Arab Emirates dahil sa kawalan ng visa upang makapasok sa Kuwait.
Labis naman nagtataka si Estrada sa ginawi ng Kuwait dahil official visit ang pagtungo dito ng Senado upang dalawin ang mga overseas Filipino worker (OFW) doon.
"I will file a protest against Kuwaiti government for not issuing visa to me despite it being an official visit," diin ng senador, chairman ng Senate committee on labor.
Nagpunta sa Abu Dhabi si Estrada upang dalawin ang mga OFWs doon bago siya sana tumulak sa Kuwait, kung saan ay nakatakda siyang maging tagapagsalita sa selebrasyon ng Independence Day ng embahada ng Pilipinas doon sa ika-12 ng Hunyo, 2009.
diniin pa ni Estrada, hindi nagbigay ng paliwanag ang Kuwaiti government kung bakit hindi siya nito maaaring bigyan ng visa.
"They are too busy daw. Stupid reason!" inis na pahayag ng senador.
|
| |
Mga Presidentiable na dadalo sa Rally sa Makati, huwag tularan si Sen. Roxas-solon
|
| |
PINAYUHAN ng spokesman ng opposition bloc sa Kongreso ang mga Presidentiables na dadalo sa Anti Charter Change rally sa Miyerkules, na huwag tularan si Sen. Mar Roxas na mahilig magmura sa rally.
Giniit pa Paranaque Rep. Roilo Golez sa kapwa na huwag dumalo ng patitipon kontra ChaCha kung pamumulitika lang ang tanging hanggad.
“I am inclined right now to making my stand only in Congress. I think politicians should not attend mass action. If politicians come out this close to 2010, the effort could be called simply political noise on the way to 2010. Better let the non-political multi-sectoral groups run the show and lead the way. There must be spontaneous mass support. Kung wala, ibig sabihin the people don’t care,” ani Golez.
Sinabihan naman nina Manila Rep. Bienvenido Abante at Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang mga dadalo sa rally na huwag mag-asal bata sa pamamagitan ng paggamit ng batos na salita.
“We do not need a man who wants to be president but cannot control his tongue, St. James even said that. Using foul language is very unpresidentiable,” ani Abante.
Matatandaan na na sinabi ni Sen. Roxas ang “P_____I__! Patayin ang Gloria Forever Cha Cha na ito!” sa anti chacha rally sa Makati noong nakaraang taon na dinaluhan ng 7,000 katao .
“They have the right to protest as we have the right in Congress to discuss Charter change. But they should be responsible in the language that they will use,” dagdag ni Barzaga.
Pero kung tatanungin mo si Aurora Rep. Juan Edgardo Angara sa pagmumura ni Roxas,
“Hindi naman (dapat pigilan), freedom of speech nila iyun at bahala na ang publiko na gumawa ng opinyon.”
Naunang kinundina ni Abante ang paggamit ni Roxas ng foul language na insulto umano sa mabuting landasin ng kanyang Lolo na si President Manuel Roxas.
|
| |
Defense Sec. Gilberto Teodoro pinagbibitiw sa tungkulin, kung tatakbong Pangulo
|
| |
HINAMON ng isang opposition Congressman si Defense Sec. Gilberto Teodoro na tularan si Justice Sec. Raul Gonzales na magbitiw din sa tungkulin.
Upang maiwasan na magamit umano ang resources ng Gobyerno sa paghahanda sa pagbak nito sa Presidential election.
Maliban kay Teodoro, hiniling din ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon na magbitiw din sa tungkulin ang mga Gabinite ng pangulo na may interes na tumakbo sa halalan sa 2010 mapa-lokal o National man.
“The repositioning of Sec. Gonzalez from the DOJ to Presidential Legal Counsel is already expected, especially since he already declared his intention to run for a local office,” dagdag pa nito “ Other Cabinet officials who have signified their intentions to run for an elective position in 2010 should follow the example of Sec. Gonzalez and likewise let go of their Cabinet post to avoid the use of the resources of the executive branch.”
Si Biazon ay tinutulak ng Liberal Party (LP) ni Sen. Manuel Roxas na mapabilang sa listahan na maging pambato ng lapian sa pagkasenador, habang ang tatay naman nito na si Sen. Rodolfo Biazon matatapos ang termino sa term in June 2010.
Kaugnay nito, suportado ni Paranaque Rep. Roilo Golez, spokesman ng House opposition bloc, ang pagkakatalaga kay Solicitor General Agnes Devanadera bialng bagong acting secretary ng DoJ.
“Devanadera is a good choice. We worked together when she was undersecretary and I was National Security Adviser. A very hard working, tough minded, has good touch for people (having served as small town mayor in Quezon) and sharp, good grasp of the law,” ani Golez.
Kapuri-puri naman kay Bayan Muna Rep. Teodoro “Teddy” Casiño ang pagkakatanggal kay Gonzalez mula sa DoJ.
“Raul Gonzales' removal from the DoJ is long overdue and very much welcome,” saad ni Casiño.
|
| |
Dialogue sa pagitan ng Simbahan at Gobyerno tinutotulan ng Militanteng Mambabatas
|
| |
GUSTONG patablahin ng militanteng Mambabatas sa mga lider ng Simbahan ang panawagan ng kaalyado ni Pangulong Gloria Arroyo na magkaroon ng pag-uusap para sa Charter Change.
Naniniwala si Anakpawis Rep. Rafael Mariano na ang panawagan ni Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino na makaroon ng dialogue ang gobyerno sa mga bishops at lider ng iba’t ibang sekta ng simbahan isang paraan upang mapagtakpan ang tunay na hangarin ng Constituent Assembly.
“I hope the Church and other religious leaders will see no evil and hear no evil” dagdag pa ng Kongresista.
Maituturin naman umanong pagta-traydor sa mga miyembro ng Simbahan kung sakaling sumang ayon ang mga ito sa panawagan ni Antonino.
Binalaan pa ang mga bishops na huwag mahulog sa political trap na inihanda ng mga kaalyado ng pangulo, na magreresulta ng pagkalito sa mamayan.
“instead, the church and other religious leaders should continue to link arms and shepherd the people against Ms. Arroyo’s insidious plot to remain in power,” dagdag pa ni Mariano.
Samantala, naniniwala si Lanao Del Norte Rep. Abdulah d. Dimaporo na malabo mauwi sa Martial Law ang gaganapin rally bukas kontra sa Constituent Assembly(Con Ass).
Tiyak pa ni Dimaporo hindi ito gagawin ng Pangulo na magdeklara ng Martial Law lalo na’t mariing tumututol dito ang Simbahang Katoliko, pero hindi naman kumbinsido ang Mambabatas na kaya magdala ng Simbahan ng malaking bilang ng tao bukas sa Makati upang magbigay suporta sa pagtutol sa Chacha.
“ I don’t believe the situation will lead to martial law. Roman Catholic church will again defy due processes but I doubt if they can gather a big crowd.” Aniya.
|
|