Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
2008 Filipino Image Magazine
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Click to read the
2008 FILIM
Magazine
Pagpasa ng CARP inaalay sa pinatay na magsasaka
 
Iniaalay sa  lider ng Sumilao farmers na si Ka Rene Peñas ng mga Mambabatas ang pag-apruba ng
Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) law sa bicameral committee, na pinaslang noong Hunyo 5
sa Bukidnon.

Sinabi ni Akbayan party-list Rep. Risa Hontiveros, ang pagpasa ng bicameral committee CARP law matapos
ang halos 12 oras na marathon session noong Martes ay mkakatulong na ang pighati ng pagkamatay ni Ka
Rene.

'We dedicate the gains in CARP to Ka Rene, an inspiration in the farmer's struggle for social justice. He is an
enduring symbol of the fight to restore the dignity of Filipino farmers,” ani Hontiveros.

Inamin naman ni Albay Rep. Edcel Lagman, na ibinisura nila ang naunang isiningit na "killer amendments"
sa limang taong pagpapalawig pa sa CARP bago ipasa sa bicam committee.

Binigyan diin ni Lagman sa  Bicameral Conference Committee, hinahadlangan na ang sinasabing " killer
amendments' na pilit isingit ng mga landowners.

" From the start of legislative process, we have rejected killer amendments and the Bicam has purged the
reconciled bill of any proposal tending to dillute the CARP," pahayag ni Lagman.

Makatarugan at makatwiran aniya ang isinulong na pag-amyenda ni Cebu Rep. Pablo Garcia na dapat
makinabang ang magsasaka at tenants sa lupang sinasaka.

“It also obiates the sporadic practice of unqualified outsiders being anointed as beneficiares,” giit ni Lagman.

Kabilang sa kontrobersyal na probisyon sa CARP ay ang sapilitang pamamahagi ng lupa ng mga
landowners sa mga tenants at magsasaka.

Sa pagbabalik ngsesyon sa Hulyo saka lamang magkakaroon ng ratipikasyon ang CARP na unang nasa
listahang agenda ng Kamara.
 
New set of officers Lakas-Kampi-CMD
 
HANDA na ang Lakas-Kampi CMD  na sumabak sa 2010 elections, matapos na magtalaga sila ng top
officials sa kanilang pinagsanib na lapian.

Sa bagong set of officers ng Lakas-Kampi CMD, si Pangulong Arroyo ang national chairman ng partido,
habang sina Speaker Prospero Nograles  na dating Presidente ng Lakas CMD at maging si dating Kampi
President at Local Government Secretary Ronaldo Puno ay may parehong puwesto sa bagong partido bilang
ang vice chairman.

Nanatili naman ang posisyon chairman emeritus kay dating Pangulong Fidel Ramos na puwesto din niya sa
binuwag na Lakas-CMD.

Dahil sa   “whisper away”  lamang sa Pangulong Arroyo si Executive Secretary Eduardo Ermita itinalaga itong
presidente ng partido.

Ayon kay Local Water Utilities Administration chairman Prospero
Pichay, na itinalagang Vice president for membership and recruitment
ng partido, na napakaimportante ng pagsasanib ng puwersa ng Lakas at Kampi para sa 2010 elections.

Inalala pa ni Pichay na noong nakaraang 2007 eleksyon, nagkasagupaan ang mga
miyembro ng Lakas at Kampi sa lokal na halalan, na siya rin umanong naging dahilan ng pagkatalo ng mga
senatorial candidates ng adminsitrayon.
 
Con Ass malabong maipatupad ni nograles-solon
 
Mabibigo lamang si Speaker Prospero Nograles na makakuha ng three fourth votes upang upang
makapagatawag ng Constituent Assembly.


ito ay matapos kumpirmahin ng mga kaalyadong partido ni Nograles sa Kamara na kakalas na ang ang mga
ito sa administration bloc.

sinabi nina  Rizal Rep. Jack Duavit, spokesman ng Nationalist People’s Coalition, Muntinlupa Rep. Ruffy
Biazon ng Liberal Party at dating Cavite Rep. Gilbert Remulla, spokesman ng Nacionalista Party na hindi
susuportahan ng kanilang mga grupo ng Constituent Assembly.

“The position of the LP is with the opposition. Some members of LP are with the majority but majority of LP
will be against Con-Ass,” ani Biazon

Dinagdag pa ni Biazon susuportahan nila ang Charter Change kung Constitutional Convention ang gagamitin
sa pag-amyenda ng Konstitusyon.


Sa Kabuoang 265 miyembro ng Kamara  kinakailanglan ng 3/4 o 217 upang makapagpatawag ng Con-Ass.

Ang NPC ay may miyembrong   30 kongresist, 16 ang NP at 19 naman sa  LP. habang wala pa sa 170   ang
mga miyembro ng Lakas-Kampi-CMD na sumusuporta sa Con-Ass.


Dahil dito, naniniwala si Duavit kung hindi matutuloy ang Con-Ass posible umanong masibak sa pwuesto
si Nograles.
 
House Speaker Gloria Macapagal Arroyo-solon
 
House Speaker at hindi Prime minister ang target umano ni Pangulong Gloria Arroyo kung tatakbo ito sa
congressional district ng  Pampanga sa 2010 elections.

ito ay ayon kay Nueva Ecija Rep.  Rodolfo Antonino na  binigyan diin pa nito na pwede pa ring makilahok sa
eleksyon ang Pangulong arroyo, maliban na lamang sa Pangpanguluhang halalan.

"The President can seek either prime minister or speaker of the House.  But I believe there is a presidential
elections next year,” pagbibigay diin ni Antonino na hinalimbawa pa ang dating pangulo ng American na
nanalo sa congressional seats matapos ang termino sa pagkapangulo.

Sakabila naman na posibleng pagtakbo ng Pangulo upang maging miyembro ng ika-15 kongreso, tiniyak nito
na magkakaroon pa rin ng halalan sa pagkapangulo, at matatapos ng 12 senators ang kanilang natitira pang-
tatlong taong termino na hanggang 2013.

“There will be elections (presidential) and we have to respect the term of office of our senators,” saad ni
Antonino.


Pinaliwanag pa ng mambabatas ang pagtutulak nila ng House Resolution (HR) 1109 o mag-convene ang  
Congress sa pamamagitan ng Con-ass  ay upang makapagdesisyon ang Supreme Court (SC) na kailangan
bumuto ang Kongreso hiwalay sa Senado o magkasama ang dalawang kapulungan upang makabuo ng ¾
votes  at maamyendahan ang Constitution.

“We just want that the rules and procedure be clarified, this is a legacy to the next Congress which will push
Charter amendments,” said Antonino.

Matatandaan na na 15 times  na nakabisita ang Pangulong Arroyo sa Distrito ni Pampanga Rep.  Juan Miguel
“Mikey” Arroyo sa Lubao home town ng Macapagal's simula noong February 24, 13.

Maliban sa Lubao, bumibisita din ang Pangulo sa  Guagua, Sasmuan, Sta. Rita, Floridablanca at Porac
towns may pinakamalaking botante sa Pampanga.
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us