Pagtakbo ni VP Noli de Castro ng solo, mauuwi sa pagkatalo - solon
|
| |
MABIBIGO si VICE President Noli de Castro sa 2010 presidential elections kung tatakbo itong independent.
Ito ang naging pagbabanta nina Valenzuela Rep. Magtanggol “Magi” Gunigundo II at Iloilo Rep. Janette Garin, mga miyembro ng Lakas-Kampi-CMD, ang pagtakbo ng ikalwang pangulo ng walang partido at solo ang siya umanong magiging daan upang mauwi sa kangkungan si de Castro.
Pinaalalahanan pa ni Gunigundo si de Castr, na ang isang kandidato sa presidential election ay nangangailangan ng nationwide political machinery support upang matiyak ang pagkapanalo nito.
“Historically, no independent candidate made it to Malacañang,” ani Gunigundo.
Naniniwala naman si Garin na magmimistulan lamang na isda na wala sa tubig si de Castro kung tatakbong mag-isa, lalo na at may 11 buwan na lamang ang nalalabi bago sumapit ang May 11, 2010 eleksyon.
“Running for president without a political party is difficult at this point of time. Less than a year prior to election,” pagbibigay diin ni Garin.
Nauna ng sinabi ni De Castro na tatakbo ito sa pagkapangulo bilang independent, at welcome naman maging running mate nito si Sen. Francis Pangilinan kapag nagdeklara na itong tatakbo 2010 eleksyon.
Matatandaan na sinabi ni Speaker Prospero “Boy” Nograles Jr. na posibleng manggaling ang standard bearer ng Lakas-Kampi-CMD sa magiging pambado din ng pro-administration party katulad ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ni business tycoon Eduardo “Danding” Cojuangco na si Sen. Francis “Chiz” Escudero naman ang matunog na dadalhin ng partido.
Na-irita naman sa naging pahayag ni de Castro’s, si Manila Rep. Bienvenido Abante na mas inuna pa umanong sabihin sa media ang kanyang plano, keysa ang makipag usap ng maayos sa Lakas-Kampi-CMD.
“That only means he has serious reservations and distrust in the administration’s ability to make him win, party leaders should take note on that,” sinabi pa ni Abante, “I think we should also be open to some in the opposition for alliances.”
Nirerespeto naman ni Marikina City Rep. Marcelino Teodoro, stalwarts ng Lakas-Kampi-CMD, ang pagsabak nito sa pangpanguluhang halalan na mag-isa.
"If he believes that he will be more effective as an independent candidate, then he will do so, “ ani Teodoro.
|
| |
PRO-CHACHA SOLON - POSIBLENG MAKULONG
|
| |
KULUNGAN ang kababagsakan ng mga Kongresistang nagsusulong ng Charter Change.
Ito ang naging pagbabanta ni Dean Amado Valdez ng University of the East (UE) College of Law na nagbata na maari umanong kasuhan ng usurpation of legislative powers ang mga kongresista kapag itinuloy nila ang pagsusulong ng Charter Change (Chacha) ng walang partispasyon ng Senado.
“Walang nakasaad sa Konstitusyon na maaaring galawin o lagyan ng major amendments ang Saligang Batas ng hindi magkasama ang dalawang Kapulungan ng Kongreso, kaya puwede silang kasuhan individually for usurpation of legislative powers,” salaysay ni Valdez sa isang pulong balitaan sa Quezon City.
Binigyan diin pa ni Valdez na ang Constituent Assembly, Constitutional Convention (Con-Con) at People’s Initiative (PI) ang tatlong bukod tanging pamamaraan na pinapayagan ng Konstitusyon upang maayendahan ang Saligangbatas.
“Sa pagpapatupad ng Con-ass o Con-Con, kailangan itong pagtibayin ng dalawang Kapulungan na Kongreso, hindi ng iisa lamang” giit pa nito.
Ipinaliwanag pa ni Valdez na kung mapapatunayan na nilabag ng mga mambabatas ang Konstitusyon sa pag-amyenda ng batas, maari umanong ma-diskuwalipika ang isang kongresista sa kanyang tungkulin bilang kinatawan ng kanyang distrito.
“Under the revised penal code, they are liable for usurpation of legislative powers and the possible penalty is their temporary disqualification for public office,” saad ni Valdez.
Maliban sa pagkakasibak sa tungkulin, may anim na buwan din na bubunuin ang isang kongresista sa loob kulungan.
Samantala, naniniwala naman ang professor maari pa ring makilahor sa 2010 eleksyon si Estrada, dahil na rin sa hindi umano nito natapos ang kanyang termino bilang pangulo.
Binigyan diin pa nito na wala ring batas na nagbabawal sa isang napatalsik na pangulo na hindi na tapos ang termino na muling sumabak sa halalan.
“Puwede pa siyang tumakbo sa 2010 Constitutional prohibition refers only to the incumbent president,” ani Valdez.
|
| |
HUSTISYA SA PINATAY NA BROADCASTER AT MAGSASAKA
|
| |
MARIING kinundina ng mga partylist Representative ang pagpatay sa isang radio broadcaster sa Occidental Mindoro at magsasaka sa Negros Oriental.
Hustisya ang sinisigaw ni ABA-AKO Rep. Leonardo Montemayor sa pinatay na broadcaster at pro-peasant lawyer Crispin Perez Jr. sa loob ng bahay niya sa San Jose, Occidental Mindoro nung June 9.
Sinisisi naman ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano, at chairman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), ang gobyerno sa brutal na pagkakapatay sa lider ng magsasaka na si Fermin Lorico sa Dumaguete City miyerkules, June 10 matapos magtalupati sa rally laban sa constituent assembly sa kabiguan umano ng gobyerno na mapatupad ang peace and order.
Pinapurihan naman ni Montemayor ang didikasyon ni Perez sa kanyang tungkulin bilang mamahayag ng Sa Totoo Lang sa lacol radio station DWDO.
Na nagsilbi din bilang abogado ng mga maliiit na magsasaka sa loob ng 38 taon.
“truly dedicated and tremendously capable defender of the poor and the oppressed" ani Montemayor.
Maliban sa pagiging dating vice-governor ng Occidental Mindoro, aktibo rin si Perez sa lalawigan nito bilang presidente ng Federation of Free Farmers (FFF), na national President naman si Montemayor na kaalyado din ng ABA-AKO.
Ayon naman kay Mariano si Lorico ay National Council Member ng KMP at nagisisilbi Kahugpongan Alang sa Ugma sa Gagmay’ng Mag-uuma sa Oriental Negros (KAUGMAON) bilang Chairman provincial chapter ng KMP sa Negros Oriental.
“The cold-blooded murder of Ka Fermin is Ms Arroyo’s response to the national public outrage against Charter change,” said Mariano.
|
| |
Solon umapila sa Pro at Anti chacha groups na mag joint resolusyon.
|
| |
HINAMON ng isang administration at Pro- Charter Change(ChaCha) solon ang mga Pro at Anti Chacha groups, maging ang Catholic Church na pumirma sa isang joint resolution na humihiling sa Korte Suprema na maghimasok na sa usapin ng pag-aamyenda ng saligangbatas.
Naniniwala pa si Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino sa pamamagitan nito, maibabalik na sa normal ang lahat at matitigil na rin ang mga kilos protesta, maging ang ibapang hakbangin laban sa pag-amyenda ng Salinggangbatas sa pamamagitan ng Constituent Assembly, na may malaking epekto umano sa ekonomiya ng bansa.
Malaking tulong aniya ang Korte Suprema upang mapahupa ang mga pagkilos laban sa ChaCha, sa pamamagitan ng pagbibigay linaw sa Article 17, Section 1 of the Constitution na naglalayong amyedahan ang konstitusyon sa pamamagitan ng Con-ass.
“I call on all sectors, the pro and anti-Cha-cha, the businessmen, the farmers, the religious groups and other sectors to join me in a joint resolution appealing to Supreme Court (SC) to clarify the procedure how to implement Con-ass and put an end to the on-going divisiveness for the betterment of the country,” pahayag ni Antonino sa pinatawag na press conference sa Annabel’s restaurant, Tomas Morato sa Quezon City.
Binigyan diin pa ng kongresista na kapag nagkaroon na ng Joint resolution, kailangan umano na itigil na rin ng mga anti Cha-cha groups ang kanilang mga protesta, habang hindi nagbaba ng desisyon ang korte suprema upang hindi malagay sa alanganin ang ekonomiya ng bansa.
Matatandaan na lumikha ng “justiciable controversy” ang mga pro-Con-ass solon upang mapilitan sumagot ang korte suprema kung House of Representatives at Senate ay magkahiwalay o magkasamang boboto sa pag-amyenda ng batas upang makaboo ng ¾ votes na isinasaad ng Konstitusyon.
Pinabulaanan naman ni Antonino na bahagi ng plano ng Palasyo ang pagpapatawag niya ng pulong balitaan at maghamon ng joint resolution, dahil batid umano ng Malacanang na hindi makakakuha ng ¾ votes ang sinusulong na pag-amyenda.
Binigyan babala pa ni Antonino ang mga anti-Cha-cha solon na mauuwi sa pag-convene ang kongreso sa pamamagitan ng Con Ass, kahit wala ang Senado kapag binalewala ng mga ito ang kanilang apela.
|
|