TIM nagdemand ng kalahating bilyon piso sa Smartmatic - Solon
|
| |
IBINULGAR ngayon ng isa sa mga authors ng batas na gawing automations ang 2010 national elections na iniatras umano ng Smartmatic Corp. (Smartmatic) P11.2 billion project, matapos na mag-demand umano ng kalahating bilyong piso ang Presidente ng Total Information Management (TIM) upang masigurado umano ang kasunduan.
Ayon kay Rep. Teodoro “Teddy Boy” Locsin Jr. (PDP-Laban) na matapos na mag-request umano ang TIM Corp. na si president Jose Mari Antunez nakipag kita umano siya sa abogado ng Smartmatic sa isang hotel sa Makati City.
“This caused Smartmatic to pullout,” ani Locsin sa isang pahayag, “The demand was ridiculous and the lawyers thought it was tantamount to extortion.”
Dinagdag pa ni Locsin, na may isang grupo umano na tutol sa automation ang nagsulsol sa TIM upang makagawa ng hindi makatarungang demand.
“Opponents of automation who are all masters of manual cheating got to the local partner (TIM) who wanted Smartmatic to give him (Antunez) upfront half a billion and control of the money of the joint venture,” ani Locsin chair ng House committee on suffrage and electoral reforms.
Inakusahan naman ng Kongresista si Sen. Francis Escudero na sinusubukan umano na harangin ang nasabing deal sa pamamagitan ng pagpapatawag ng imbestigasyon, upang magpatuloy umano ang dayaan sa 2010 national eleksyon.
“He’s a hypocrite,” patukoy na pahayag ni Locsin kay Escudero, na inaasahan naman na tatakbo bilang Pangulo, “Please don’t add insult to injury by making it appear that you are unhappy that we’re going back to manual counting.”
Minungkahi naman ng kongresista na makipag partner na lamang ang Comelec sa Smartmatic upang matuloy lamang ang automation project.
Nababahala naman si Rep. Risa Hontiveros (PL, Akbayan) sa malawakang dayaan kung sakaling hindi ituloy ng Comelec ang automation election.
“Manual election in 2010 means another Garci,” ani Hontiveros, “The 2010 election is a make-or-break for the country. If we don’t automate, two words would once again decide on the fate of the nation: ‘Hello Garci’.”
Kapakinabangan naman pabor sa kampo ng administrasyon ang nakikita ni Hontiveros kung sakaling hindi matuloy ang automation eleksyon.
aniya, “it has already perfected the art of cheating during the 2004 elections, Without automation, the administration could easily cheat its way to power again, especially with its desperation to prolong the stay of GMA in Malacañang.”
Naniniwala ang Kongresista na posible pa rin umano ang automation, iminungkahi pa nito na magkaroon ng re-bidding sa proyekto ng COMELEC.
Binalaaan naman ni Hontiveros na mahaharap sa kaso at imbestigasyon ang Smartmatic at TIM, kung sakaling hindi nila ituloy ang nasabing proyekto.
“Smartmatic-TIM should be held accountable if it suddenly backs out of the negotiation. The lack of SEC papers is a flimsy excuse,” dagdag pa ng Kongresista, “What would make it more suspect is the fact that Smartmatic-TIM has already invested on this project. It should have ensured that its basic documents are ready.”
Magpapatawag naman si Rep. Rufino Rossano Biazon (LP, Muntinlupa City ) ng imbestigasyon sa pagbawi ng TIM sa kontrata.
Tinawag pa ng Kongresista na “highly irresponsible" ang hakbangin ng TIM matapos na gumugol ng pera at panahon ang gobyerno, at hingit sa lahat umano ang pag-aalis ng pagkakataon na magkaroon ng malinis na eleksyon sa susunod na taon.
“why a winner in a historical billion-peso contract will back out at the last minute after surviving the selection process.” ani Biazon.
|
| |
Quezon City Press Club new set of officers
|
| |
NAGING matagumpay ang taunang election officers ng Quezon City Press Club na nakabase sa ikalawang palapag ng Quezon City hall.
Tumayo bilang election committee sina Fiscal Donald Lee mula sa Q.C. prossecutor's office at Fely Santos ng National Press Club(NPC).
Pormal na ipinahayag ni Fiscal Lee na si Jetz Sinocruz ng pahayagang Abate ang bagong Pangulo ng QCPC.
Nanalo din bilang ikalawang Pangulo para sa Print si NPC director at Hataw / Police Files colomnist Joel Sy Egco, Vice President for Broadcast naman si Pol Manlapaz ng dwDD, Martha Abigael Vinegas(Police Files) bilang Secretary, at Pastor Ricardo Bello(Bagong Balita) na muling naitalaga bilang Treasurer.
Naitalaga naman bilang Board of Director sina Efren Marasigan(dzRJ), Rio Araja(Manila Standard), Jong Manlapaz(frontline.ph), Danny Santos(dzAR) at Nick Agustin (Police files).
Pinapurihan naman ni Fiscal Lee ang naging eleksyon ng QCPC na nasa-ayos at malinis umano ang naging kabuoan ng halalan.
" the most smooth sailing and peacefull election i ever attended" ani Fiscal Lee.
Bago magsimula ang eleksyon, nagpasalamat naman si out going President Egco sa mga opisyal na nakatuwang niya sa loob ng isang taong pamumuno nito sa grupo.
Pinaliwanag din nito na sa dami ng mga commitment bilang director ng NPC kinailangan umano na ipaubaya sa iba ang pamunuan ng QCPC.
Matapos maideklara bilang elec President si Sinocruz, tinitiyak nito ang nasusundan ang maayos na pamunuan ni Egco.
"magsamama at magtulong tulong sana tayo sa ikakabuti ng club at ng mga taong naniniwala sa atin." dagdag ni SinoCruz.
Ang QCPC ay nasa sampung taon nang katawan ng mamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng makatotohan ulat sa bayan.
|
| |
PGMA hindi matutulad kay ousted President Manuel Zelaya
|
| |
Hindi matutulad si Pangulong Gloria Arroyo kay Honduras President Manuel Zelaya kapag natuloy na ang Charter Change(ChaCha).
ito ang pagbibigay diin ni SPEAKER Prospero “Boy” Nograles Jr. na magkaiba umano ang pagtutulak ng Cha- cha sa naging kaso ng Zelaya kung bakit ito napatalsik sa pagkapangulo.
binigyan linaw pa ni Nograles na wala umanong mangyayaring term extension sa mga elected officials, kabilang na ang Pangulong Arroyo sa pagsusulon ng chacha sa Kamara.
“Based on news reports it appears that both the legislature and judiciary were against what he (Zelaya) wanted. This is not the case here because we all follow the rule of law,” dagdag pa ni Nograles. “That won’t be a fair comparison because we are pushing for Cha-cha without extension of terms, not because of wanting to extend terms. That’s very clear.”
Matatandaan na napatalsik si Zelaya ng Militar noong June 28 matapos na ipilit ang pagbabago ng saligang batas ng Honduras.
Naniniwala si Anakpawis Rep. Joel Maglunsod na malaki din ang posibilidad na sapitin din ng Pangulong Arroyo ang sinapit ni Zelaya. malaki din aniya ang posibilidad na magkaroon ng military coup laban sa Pangulo dahil sa pagsusulong ng ChaCha.
Pero mang yayari lamang aniya ito kung makikialam ang United States (US) na patalsikin ang pangulong arroyo.
“The possibility (ouster by military) is always there. But it should have the blessings of the US . I believe the President is safe until after the 100 percent foreign ownership of land has been lifted in the Constitution through Cha-cha. Kapag nangyari na iyan, tagilid siya (President Arroyo) sa US ,” ani Maglunsod.
June 28, nagkaroon ng pag-aaklas ang military forces ng Honduras laban kay Zelaya.
Inakusahan si Zelaya ng paglabag sa konstitusyon sa pag-indorso sa isang referendum upang baguhin ang Saligang batas ng bansa na hindi naman sinuportahan ng Korte Suprema ng Honduras maging ng kongreso nito.
Hinuli si Zelaya sa kanyang tahanan at itinapon sa costa rica.
|
| |
|