Kamara magpapatawag ng imbestigasyon sa break-up ng TIM at Smartmatic
|
| |
MAGSASAGAWA ng hiwalay na imbestigasyon ang House committees on suffrage and electoral reforms at good government sa pagbawi ng Total Information Management Corp. (TIM) ng P7.2 billion joint venture sa Barbados-based Smartmatic Corp. ang magpro-provide ng 82,200 automated counting machines (ACMs) para sa for poll automation project sa May 10, 2010 elections.
Sa Lingguhang Ayes and Nays Media Forum sa Quezon City , sinabi ni Agusan del Sur Rep. Rodolfo “Ompong” Plaza na maghahain siya ng isang resolution na nanawagan ng pag-iimbestiga particular na sa naging akusasyon ni Makati City Rep. Teodoro Locsin, na nanghihiningi umano ng kalahating bilyong piso si TIM president at chief executive officer Jose Mari Antunez sa abogado ng Smartmatic.
“This is a very serious matter that must be investigated by Congress immediately,” ani Plaza
Suportado naman ni Bayan Muna Rep. Teodoro “Teddy” Casiño si Plaza, dapat umanong malaman kung may hidwaan sa pagkontrol sa poll automation system na naging dahilan ng break-up ng TIM at Smartmatic.
Sa nasabing forum, pinaninindigan pa rin ni Locsin, chairman of the House committee on suffrage and electoral reforms, na nanghihingi umano si Antunez sa sa lawyer ng Smartmatic sa isang meeting sa Makati hotel ilang araw palang ang nakakalipas.
“The government has been pushing this (poll automation) vigorously. Those who are linking Malacanang to the break up is lying. It’s all about money,” pahayag ni Locsin kasabay ng pagbibigay payo nito sa Comelec na wala umanong legal na basehan para pigilan ang pagpuporsige sa poll automation kahit pa ang Smartmatic ang magiging provider. Habang kaso naman ang haharapin ng mga officials ng TIM.
Pinagtanggol naman ni Palawan Rep. Antonio Alvarez ang administrasyon na hindi dapat sisihin sa pagkakadiskaril ng automation sa 2010 elections.
“Sayang, people were looking forward pa naman sana for our rusty, tin ballot boxes to convert themselves ala- Transformers into modern automated voting machines. But if the usual whiners are painting some people in the administration as the Decepticons who sabotaged this project, then they are again wrong,” giit pa ni Alvarez, “Remember it was the Palace which pushed for this project to the point of sending an appropriations bill, despite the tight fiscal situation, to Congress to fund the project.”
|
| |
Commissioner Melo gawin ang lahat matuloy lang ang poll automation - solons
|
| |
Suportado ng isang Kongresista ang naging pahayag ni Commision on Elections (Comelec) chairman Jose Melo na hindi siya magdadalawang isip na ipursige ang poll automation sa 2010 election kahit pa ulanin ito ng kaso.
Pinaalala ni Makati City Rep. Teodoro Locsin, chairman of the House committee on suffrage and electoral reforms sa isang forum sa Quezon City, na mandato ni Melo na gawin ang lahat upang matuloy lamang ang automated elections.
Hinalimbawa ni Locsin sina dating Trade and Industry secretary Sen. Manuel Roxas at former Health Sec. Alberto “Quasi” Romualdez na naharap sa isang kaso dahil sa pagtupad ng tungkulin nito alang-alang sa ikabubuti ng mamayan.
Sinabi pa ng Kongresista na hinamon pa ng dalawa na kasuhan sila ng Office of the Solicitor General (OSG) dahil sa pagganap nila ng tungkulin batay na rin ng polisiya ng Gobyerno sa mga gamot.
“Mar and Quasi were told by OSG that they will be sued, they said go ahead and sue us. They won the case in Supreme Court after seven years of legal fees. But they are just doing their job,” ani Locsin.
Dinagdag pa ni Locsin na makakahanap din ng paraan ang Comelec upang maayos ang problema para matuloy ang poll automation.
Binatikos naman ni Locsin si Sen. Francis “Chiz” Escudero sa pag-arte umano nito na nalulungkot siya sa pagbabalik ng botohan ng manomanong paraan, at sa pag kansela ng poll automation.
“Some people pretend to regret. Don’t cry because we are losers here. We are the only mourners in the funeral. Magsaya ka,” pagtukoy ni Locsin kay Escudero na nagkukunwari umanong nanghihinayang sa ginawang pagdinig ng Senado sa break up ng TIM at smartmatic.
Ayon naman kay Bayan Muna Rep. Teodoro “Teddy” Casiño na nagdidiwan na umano ngayon ang mga political operators para muling pagkakitaan ang halalan sa susunod na taon.
“Makikinabang dito ang sindikato sa Comelec, political operators sa dagdag-bawas. Happy days are here again and to the highest bidder,” ani Casiño.
|
| |
Testigo sa kaso, dadagdagan ng benepisyo
|
| |
APRUBADO na sa Mababang Kapulungan ng KOngreso ang karagdagan benepisyo ng mga testigo na susailalim sa witness protection program ng pamahalaan.
Pumasa sa third at final reading ang House Bill 6383 na humihiling ng pag-amyenda sa Republic Act No. 6981, o maskilala sa tawag na “Witness Protection, Security and Benefit Act.”
Sa ilalim ng panukalang batas, binibigyan ng karapatan ang mga saksi na nasa ilalim ng witness protection program na magbenepisyo ng mga relokasyon o safehouse upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Sa panukala ni Deputy Minority Leader Roilo Golez (2nd District, Parañaque), maliban sa safehouse, sisiguraduhin din umano ang medical treatment, hospitalization, maging ang gamot kung ano mang ang magiging karamdaman ng testigo habang ginagampanan nito ang kanyang tungkulin.
Ayon pa kay Golez, makakakuha din ng scholarship ang mga anak ng testigo hanggang matapos ang pagtestigo nito.
“These are among the major concerns of the witnesses while they are under protective custody,” ani Golez.
Naniniwala ang kongresista sa panibagong benepesyo na matatanggap ng mga testigo, maiiwasan na umano ang mga pag-atras o ang hindi na sila mababahala pa kung ano ang sasapit nang kanyang pamilya habang tumetistigo ito sa isang krimen.
|
| |
|