US ay makikialam, matuloy lang ang eleksyon - Rep. Locsin
|
| |
MAGING ang United States(US) ay nagpahiwatig na rin ng pagtulong, matuloy lang ang 2010 elections.
Ito ay ayon kay Makati City Rep. Teodoro Locsin Jr, chairman ng House committee on suffrage and electoral reforms na isa umanong pagpapatunay na walang no elections (no-el) scenario.
“A US guaranty is certainty. America will unfailingly defend democracy,” ani Locsin.
Umapila din ang Kongresista sa publiko na kalimutan na ang pangamba na ipagpapaliban ang eleksyon, lalo na hindi naman ito makakatulong sa bansa.
“With American assurance, (we) should stop worrying. Election is guaranteed,” dagdag pa ni Locsin, na hanggan ngayon naiinis sa mga Senador na tumututol sa poll automation.
Patrtikular na kay Sen. Francis Escudero na umanoý pamumuwersa sa Commission on Elections (Comelec) sa kanilang ginagawang imbestigasyon, imbes na makipagtulungan na pagkasunduin na lamang ang Netherlands-based Smartmatic Corp. at ang Filipino-owned Total Information Management (TIM) matiyak lang ang automated eleksyon.
Inamin ni US ambassador Kenney na ang pagpapaliban ng eleksyon sa bansa ay magiging malaking concern din umano sa Washington. Anya , “we believe elections are a good way of renewing democracy.”
Ganun paman, nais naman magsigurado ni Citizens Battle Against Corruption Rep. Joel Villanueva kasabay ng kahilingan sa taumbayan na manatiling maging mapagmatiyag sa lahat ng kilos ng pagpapaliwig ng mga termino ng mga kasalukyang opisyal hanggang June 10, 2010.
Ayon pa kay Villanueva ginagawa lahat ng paraan ng Pamahalaan na makabuo ng kuwento ng katiyakan na matutuloy ang eleksyon, habang itunutalak naman ang Charter change (Cha-cha) sa pamamagitan ng Constituent assembly (Con-ass).
“We should remain more vigilant because this government is saying something which is not uniform with their actions,” sabi ni Villanueva.
Sakabila ng paulit-ulit na paniniyak ng pamahalaan ng matutuloy ang eleksyon, umaarangkada naman ang usapin ng ChaCha angkas ang mga kongresistang nais amiyendahan ang kontitusyon na magreresulta ng pagpapalit ng porma ng gobyerno sa parliamentary system, na magpapalawig naman ng kanilang termino hanggang June 30, 2010 kasama na ang Pangulong Arroyo.
|
| |
|