Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
2008 Filipino Image Magazine
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Click to read the
2008 FILIM
Magazine
Speaker Nograles tinawag na duwag ang nasa likod ng pagpapasabog
 
NANAWAGAN ngayon si House Speaker Prospero C. Nograles sa taumbayan partikular na sa mga
Mindanaoans, na makipagtulangan sa otoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ulat sa posibleng
pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng pagpapasabog sa Mindanao.

“Regardless of creed or religion and political inclinations, we all must act to end these series of criminal
acts,” dagdag pa ni Nograles, “the whole country itself is the ultimate victim.”

Inamin din ni Nograles ang kakulangan ng otoridad na mabantayan ang bawat sulok ng bansa laban sa mga
taong nagnanais na maghasik ng takot sa mamayan.

Pero kung makikipagtulugan ang bawat isang Pilipino, malaki umano ang pag-asa na mapanatili ang
kapayapaan sa bansa.

“Our police and military personnel can’t possibly set their eyes one very nook and corner of the archipelago.  
We need the full
cooperation of the citizenry.  We all have a stake in our quest for peace and development,” ani Nograles.

Kinundina din ni House Majority leader Arthur Defensor ang hindi makataong pagpasabog, kasabay ng banta
na hindi mananatiling malayang nakakapaglakad ang mga may kagagawan nito.

Naniniwala pa si Defensor, na malaking tulong ang mamayan na mapadali ang pagkakadakip sa taong may
kinalaman ng marahas nagawain.


“Justice will surely catch up with these criminals.  With the help of our people, authorities will be able to follow
their tracks to give justice to the innocent victims,” ani Defensor.

Tinawag namang duwag ni Nograles ang mga taong nasa likod ng marahas na pagpapasabog sa
Mindanadao, kasabay ng panawagan ng Kongresista sa lahat ng Muslim at Kristiyano na kundinahin ang ang
nasabing gawain.

“unless the people unite and do their role as active citizens, no matter how insignificant a role may seem,
Mindanao will always remain a land of promise.” Pagbibigay diin ni Nograles.
 
poll automation, para sa 2010 presidential elections, hindi sa ChaCha - Comelec
 
TINAYAK ng opisyal ng Commission on Elections (Comelec)  na ang paghahanda ng ahensya ay para sa
2010 Presidential Election, at hindi sa plebisito para sa Charter change (Cha-cha) sa pamamagitan ng  
Constituent assembly (Con-ass) na tinutulak ng Kongreso.

Ito ang binigyan linaw ni Comelec commissioner Rene Sarmiento sa ginawang pagdinig ng House
committee on oversight, na hindi nagiging sagabal ang paghahanda ng Comelec sa pangpanguluhang
halalan,  sa patuloy na pagtupad ng pangarap ng Kongreso na Con-ass at ang napapaulat na no-election
scenario.       

“The Comelec is pushing for the holding of a presidential election and are not destructed with reports about
Charter change and no-election.  We are determined to push presidential elections,” ani Sarmiento.

Ang pahayag ni Sarmiento ay bilang pagtugon sa pangamba ni Cagayan de Oro City Rep.  Rufus Rodriguez
na sa kabila ng matinding paghahanda sa  automated election, mababalewala lamang kung sakaling
magtagumpay ang Administrasyong Arroyo sa pagtutulak ng parliamentary system sa pamamagitan ng  Con-
ass.

Tumanggi naman magbigay ng pananaw ang commissioner sa tanong sa kanya na kung ano ang magiging
paninindigan ng Comelec sa usapin ng Cha Cha.

“I cannot comment in behalf of the Comelec officials, only me.  (But) we are looking forward for an automated
election because this is the first time since 1907, this will be historical,” sagot ni Sarmiento.

Dinagdag pa ni Sarmiento na kung idadagdag naman ang Constitutional convention (Con-con) delegates sa
susunod na taon, magreresulta lamang umano ito ng pagkalito sa mga botante sa dami ng pangalan na
nakasulat sa balota.

Tiniyak naman ng Commissioner,  “that our agency is an independent body and we will assert our mandate.”

Sa ngayon, ayon kay Sarmiento nasa sa proseso parin ng paghahanda ang Comelec para gawing moderno
ang halalan sa susunod na taon.

“All systems go but preparations are underway so that we can achieve the maximum effect of poll
automation,” pahayag ni  Sarmiento.
 
magkakasunod na pagsabog sa Mindanao, intelligence fund na saan? - Rep. Biazon
 
Dahil sa magkakasunod na pagsabog na naganap sa Mindanao, hinahanap ngayon ni Muntinlupa Rep. Ruffy
Biazon kung saan napunta ang P1 bilyong pisong pondo na inilaan sa intelligence services?

Sa pagkuwenta ni Biazon, tinatayang na sa P1 bilyon piso ang pondong inilaan sa intelligence fund, kabilang
dito ang P600 Million na nasa ilalim ng Office of the President, P270 Million ang sa PNP at P118 naman sa
AFP.

Nanghihinayan pa ang kongresista na mistulan nauwi umano sa wala ang  pondong inilaan para sa
pagmamanman sa mga kalaban ng estado, upang matiyak ang seguridad ng bawat Pilipino.

“it is highly questionable why the series of attacks seem to go on without the authorities unable to give a clear
picture of who is
responsible,” ani Biazon.

Malaki ang paniniwala nina Anak Mindanao Representatives Mujiv Hataman at Ariel Hernandez na napakalaki
ng magiging papel ng credible na intelligence information,  sa pagkakaaresto ng mga taong nasa likod ng
pagpapasabog sa Mindanao.

“Apart from identifying and running after the perpetrators, extensive intelligence information is needed to make
sure that incidents like these are thwarted. Credible intelligence work is also crucial in establishing the
motives behind these bombing incidents. If this is a statement made by any particular group then they must
come out and admit it, for they have not accomplished anything but kill innocent people,” dagdag pa ni
Hataman.

Ayon pa kay Biazon,  na masusubok ngayon ang kredibilidad ng Gobyerno sa kung paano susulusyunan ang
ganitong krisis sa bansa.

Patikular na kung paano makakapangalap ng ebidensya ang mga otoridad, na siyang magtutukoy sa mga
responsable sa mga pagpapasabog.

“Bombings are crimes that leave evidence behind and competent
investigations will lead to at least an indication of the profile of the bombers,” dagdag pa ng kongresista.

Ang kapabilidad ng mga otoridad na mahadlangan ang mga susunod na pagsabog,  ganun ang mga
terorista ay nakalalamang pagdating sa supresang pag-atake.

Sinabi pa ng Kongresista na sa ngayon, ang tanging nagagawa lamang umano ng otoridad ang asahan ang
mga susunod pang pagpapasabog na gagawin ng mga bandidong grupo.

Isa pa sa magiging hamon umano sa pamahalaan kung paano paniniwalain ng Gobyerno ang mga Pilipino
na hindi kabilang sa plano ang mga nangyayaring pagpapasabog sa bansa, upang makapagdeklara ng
emergency rule.

“With all the talk about the administration doing its best to extend its tenure with scenarios ranging from
amending the Constitution to sowing disorder as a basis for emergency rule,” dagdag pa ni Biazon, “the
people cannot be blamed for even considering that the bombings are the handiwork of operatives with a
political objective.”

Mariin din kinundina ni Marikina Rep.  Marcy Teodoro ang  magkakasunod na pagsabog sa Mindanao.

“the deaths and injuries of the innocent Filipinos is condemnable!”

Unang nagkaroon ng pagsabog sa Cotabato City na kinamatay ng Lima at kinasugat ng 38, sumunod sa Jolo
Sulu na nag-iwan ng anim na patay at 40 sugatan. Iligan City na kinasugat ng 10 katao kabilang na ang
dalawang sundalo habang kinukumpirma pa kung may namatay, at dalawang pagsabog sa tower ng
National Transmission Corp.(Transco) sa Lanao Del Norte.

Nakikidalamhati din ang Kongresista sa mga naulilang pamilya ng mga biktima ng pagsabog sa Mindanao,  
kasabay ng panawagan sa otoridad sa agarang pagkakadakip ng mga may kakagagawan ng pagsabog, at
maging ang pinakautak ng karumdumal na gawain, alang-alang narin sa pag-abot ng hustisya sa mga
inosenteng biktima.

“the PNP and other agencies concerned must get into the bottom of this attacks in the soonest time possible
and bring justice to the families who suffer from the loss of their loves ones,  the perpetrators of this attack
must not only be held responsible for the deaths of our fellowmen,  but penalized in he harshest rule of law,”
ani Teodoro.

Nanawagan din ang kongresista sa mamayan na maging mapagmatiyag, upang hindi masawata ng mga
terorista ang kalayaan at seguridad na natatamo ng bawat Pilipino sa sariling bayan.
 
Certificate of Candidacy ni Erap, tatanggapin ng comelec
 
TINIYAK ngayon ng commissioner ng  Commission on Elections (Comelec) na tatanggapin nila ang  
certificate of candidacy (CoC) ng  napatalsik na Pangulo na si  Joseph Estrada kung sakaling muling
makilahok ang dating pangulo sa Presidential Elections sa susunod na taon.

Sa ginawang pagdinig ng House committee on oversight, sinabi ni  Commissioner Rene Sarmiento na
tatanggapin nila ang CoC ni Estrada, kahantula kung paano nila tatangapin ang CoC ng iba pang
kakandidato sa pagkapangulo.

“In my personal opinion, it is ministerial for the Comelec to accept the certificate of candidacy without pre-
judging the citizenship and qualification,” sagot ni  Sarmiento sa naging katanungan ni Paranaque Rep.  
Roilo Golez na kung anong gagawin ng ahensya kung sakaling mag-file ng CoC si Estrada.

Ganun paman,   tatanggapin laman ng Comelec ang CoC bago matapos ang deadline sa November 30
batay sa  automated polls.

Pero hindi kumbinsido dito si Cotabato Rep. Emmylou Taliño-Mendoza na masmainam umano na ibigay na
lamang ng dating pangulo sa mga nasnakakabata sa kanya ang pamumuno sa bansa.

“It must first be stated that Joseph Estrada is no longer eligible for election as President as there is a
constitutional prohibition.  So, as to not being vindictive if elected, is simply wishful thinking,” dagdag pa
Taliño-Mendoza.

Sinuportahan naman ito ni Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya, secretary-general ng Liberal Party (LP), hindi na
umano eligible na tumakbo pa sa pangalawang pagkakataon si Estrada sa pagkapangulo sa susunod na
taon.

“I still believe given my humble knowledge of the law that former President Erap and all our previous
presidents, including President Arroyo, are prohibited from running,” ani Abaya.

Matatandaan  na nagbabala si Estrada na muling tatakbo sa pagkapangulo kung hindi magkakaisa ang
oposisyon bago sumapit ang September.

Noong September 12, 2007, guilty ang naging verdict ng Sandiganbayan kay  Estrada para sa kaso niyang
plunder na may habang buhay na pagkakakulong,  na agad naman biniyan ng Executive Clemency ng
Pangulong Arroyo
 
 
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us