Presidentiable hinamon na isa publiko ang medical records
|
| |
Hindi pa man natatapos ang usapin ng breast implant ni Pangulong Gloria Arroyo, Ibinulgar ngayon ng isang kaalayado ng pangulo na may mga Presidentiable umano ang sumailalim sa cosmetic surgery.
Ang hamon ni Palawan Rep. Antonio Alvarez sa mga nangangarap na maging Presidente ng bansa sa susunod na taon, ngayon pa lamang ay isapubliko na ang kanilang mga medical record ng pagpapasayos ng katawan, upang magmukang kaaya-aya sa madla.
“Makeover is part of the preparations for a presidential run. Who among them have pockmarked their forehead with botox shots? Or have undergone liposuction to rid of unwanted fat? Or have been resorting to facelift,” dagdag pa ni Alvarez, “Every presidentiable is a portrait of vanity in action. Photos can be airbrushed. But when you go out to campaign it will be hard to hide fat jiggling.”
Binawian pa ni Alvarez ang mga kumokundina sa Pangulo partikular na ang mga presidential wannabes, na wag na umanong magpanggap na walang pinaayos sa katawan, at pilit tinatago ang medical history sa publiko sa pangamba na makaapekto sa kanilang pangarap.
“Presidentiables who have falsely accused President Arroyo of keeping her medical records secret should practice what they preach and make public their own health histories as well,” ani Alvarez.
Ang hamon ni Alvarez isa publiko ang medical records ng mga Presidentiable ay upang matiyak umano na hindi magiging sakitin ang papalit sa Pangulong Arroyo.
“Those whoare raking up the President’s medical records should voluntary unearth their own so both the public and health professionals can find out if they are hale and hearty.”
|
| |
| |
| |
|