Pagpaparehistro sa Overseas Absentee Voting nais palawigin
|
| |
SINUSULONG ngayon ng mga Kongresista na palawigan pa ang registration period para sa overseas absentee voters mula sa August 31 hanggang Disyembre sa layuning makapaghikayat pa ng mga overseas Filipino workers (OFW’s) na makilahok sa May 10, 2010 Pangpanguluhang halalan.
Ayon kina Citizens Battle Against Corruption party-list Rep. Joel Villanueva at Anak Mindanao party-list Rep. Mujiv Hataman na kailangan umanong ikusidera ng Commission on Elections (Comelec) ang kahalagahan ng mga mungkahi upang hindi mabalewala ang mga OFW sa susunod na halalan.
"Since the commission is targeting one million overseas absentee voters, it is only correct and appropriate > to make the August 31 deadline extended until December," ani Villanueva. Sa bahagi naman ni Hataman, ipinaliwanag ng Kongresista na kailangan pa ng masmahabang panahon upang matupad ng Comelec ang ninanais nitong 1 milyong registered overseas absentee voters.
"We have to give more time to OFW’s who are usually having troubles with their busy schedules, let’s give them enough time so that they can find opportunity to register," ani Hataman.
Inihain naman ni Bayan Muna party list Rep. Satur Ocampo ang House Resolution (HR) No. 1249 na nagbibigay suporta sa pagpapalawig ng pagpaparehistro para sa 2010 eleksyon, upang makapaghikayat pa Ng mga OFW na makilahok.
"The Comelec and DFA-OAVS (Department of Foreign Affairs-Overseas Absentee Voting Secretariat) need more time to realistically attain their target of one million overseas absentee voters and make up for all the constraints and shortcomings in the implementation of the project," batay sa resolusyon.
BAtay sa Comelec figures mula sa Pebrero hanggang Mayo 27, tanging 85,784 lamang ang nakapagparehistro para sa 2010 election.
Sa panibagong ulat, umabot lamang sa 120, 000 ang bilang ng OAV registrants nitong buwan ng Hulyo na sobrang layo sa inaasahang 1 milyon.
|
| |
NFA papasanin ang iniwang misyon ng UN
|
| |
PAPASANIN na ngayon ng National Food Authority (NFA) ang hindi na tapos na trabaho ng United Nations (UN) agencies matapos na suspendihin ang lahat ng aid missions sa Hilagang bahagi ng Pilipinas, dahil sa magkakasunod na insidente ng pagpapasabog sa Mindanao na kinasawi ng 11 na katao at kinasugat ng 100.
Sa isang panayam, minungkahi ni Nueva Ecija Rep. Edno Joson, former NFA administrator sa ilalim ng administrasyon ni former President Joseph Estrada, na ang ahensya ang pumalit sa misyon na iniwan ng UN na pagbibigay ng pagkain sa mga Pilipino na iipit sa kaguluhan sa Mindanao.
"The NFA should now take the lead role in continuing the food mission left by the UN agencies," ani Joson, a vice chairman of the House committee on food security, "the NFA is very much capable of doing the work since it is behind the rice subsidy of 9.2 million Filipinos."
Sinusuportahan naman ni Anak Mindanao party-list Rep. Mujiv Hataman, miyembro ng House committees on human rights at Mindanao affairs, na mandato umano ng pamahalaan sa pamamagitan ng NFA na maituloy ang food aid sa mga lugar na apektado ng digmaan.
"Since the NFA is shouldering the rice subsidy of close to 10 million people, it can easily carry the burden left by the UN agencies which are only helping almost 350,000 people," ani Hataman, na bumisita sa mga evacuation centers sa Mindanao.
Maliban sa NFA, minungkahi pa ng Kongresista kailangan din na makipagtulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), National Disaster at Coordinating Council (NDCC) at ibapang ahensya upang makagawa ng guidelines sa pagpapatupad ng food aid mission para sa mga napalayas ng Pilipino.
"The DSWD thru NFA or the NDCC thru the NFA. NFA as supply source and DSWD or NDCC personnel for implementation," ani Joson.
Batay sa ulat maiiwanan ng UN ang 340, 000 Pilipino na nakikinabang sa food aids program, matapos magkaroon ng magkakasunod na insidente pagpapasabog sa Mindanao.
Naniniwala si Joson ito na ang tamang pagkakataon na tumayo ang sa sariling paa ang Pilipinas na walang inaasahang tulong sa ibang bansa. "Dapat hindi tayo umasa sa mga foreigners at foreign aid. Iyung internal problems na gawa din natin tayo dapat ang gumawa ng remedyo, alisin ang beggar mentality at let us solve our own problems," pagbibigay diin ni Joson
|
| |
UN binatikos ng mga Kongresista matapos iatrsa ang food aids program sa Mindanao
|
| |
UMANI nang pagbatikos sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang United Nations’ World Food Program (WFP) sa desisyon na suspendihin ang kanilang aid mission sa Gitnang MIndanao matapos magkaroon na magkakasunod na insidente ng pagpapasabog.
Sa magkakahiwalay na panayam nagkakaisa sina Palawan Rep. Antonio Alvarez, Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon at Nueva Ecija Rep. Edno Joson na walang matibay na dahilan ang UN para ipagpaliban ang kanilang misyon.
Minungkahi naman ni Alvarez sa Pamahalaan na ipamahala sa matatapang na tauhan ng Red Cross ang pamamahagi ng bigas, ipinaliwanag pa ng Kongresista na malayong-malayo ang sitwasyon ng Central Mindanao kumpara sa kalagayan ng Iraq na hindi iniiwan ng UN personnel ang kanilang misyon ng pamamahagi ng pagkain kumpara sa UN personnel sa bansa.
"The government has been urged to tap the National Food Authority (NFA) in food relief operations in Central Mindanao after the United Nations’ World Food Program (WFP) has decided to suspend all its aid missions in the region due to the series of bomb attacks there that killed six civilians and injured about 100 others over the past days," ani Alvarez.
Naniniwala naman si Biazon na hindi ang mga UN personnel ang nais pataman ng bomba ng mga bandidong grupo, kundi ang mga lugar kung saan naroon ang mga kagawad ng Militar at Pulis.
"The UN relief team do not appear to be under threat to warrant a sudden pullout," dagdag ni Biazon.
Nasusuya naman si Joson sa mabilis na hakbangin ng UN kaya sabi niya " premature ang pullout nila kaya hindi na dapat natin sila asahan. Tayo ang kumilos."
Ang programa ng UN ay natutulungan ang 340,000 indibidwal na umaasa na lamang sa evacuation centers matapos na maiipit sa hidwaan ng pamahaalan at ng mga bandido at rebeldeng grupo sa Mindanao.
|
| |
| |
| |
| |
| |
| |
| |
|