DOE Sec. Reyes pinagbibitiw sa puwesto
|
| |
PINAGBIBITIW sa puwesto si Energy Secretary Angelo Reyes matapos mabigo umano ang kalihim na maprotektahan ang mamaayan sa mga mapansamantalang Kumpanya ng langis.
Ayon kay Rep. Teodoro A. Casiño (Party-List, Bayan Muna) malaking tulong umano sa bayan kung magbibitiw bilang kalihim si Reyes, alinsunod na rin umano sa kabiguan nito na mapigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Sinabi pa ng Kongresista na interes ng kumpanya ng langis lamang umano ang pinuprotektahan ng kalahim, kahit pa mauwi sa pagdurusa ang sambayanang Pilipino.
Hinamon pa ni Casino si Reyes na makipagdebate sa kanila sa gaganaping pagdinig ng House Committee on Energy hingil sa pag-amyenda ng oil deregulataion law.
“he is more concerned with defending the interest of the big oil companies than alleviating the plight of the Filipino people” ani Casino.
Suportado naman ni Casiño ang hakbangin ng Commission on Audit (COA) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na tignan ang books of accounts ng 3 big oil firms.
Na unang nagbaba ng kautusan si Judge Silverio Pampilo, Jr. na nag-uutos sa COA at BIR na bumuo ng isang panel na siyang maghahalakay sa sa mga cash receipts, cash disbursements books, purchase orders ng petroleum products, at sales invoices ng Shell, Petron at Chevron mula sa Enero hangang Disyembre ng taong 2003.
|
| |
Kongreso hindi isusuko ang ChaCha
|
| |
“NO Retreat No Surrender” ang drama ngayon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagtutulak ng Pag- amyenda ng Salinggangbatas sa pamamagitan ng Constituent Assembly(Con Ass).
Sa katunayan, muling maghaharap ang mga Kongresistang kaalyado ng Pangulong Gloria Arroyo sa ipapatawag na caucus ni SPEAKER Prospero “Boy” Nograles Jr. sa ika-27 ng Hulyo, bago mag-bigay ng ulat sa bayan ang Pangulo upang linawin ang magiging hakbangin ng pag-amyenda ng Salinggangbatas sa pamamagitan ng Con-ass.
Ayon kay Nograles, hindi pa umano ito ang tamang panahon para isuko at ilibing na lamang sa limot ang pag- amyenda ng Konstitusyon.
Ipinaliwanag pa ni Nograles na pupuwersahin na ng ika-14 na kongreso ang Korte Suprema upang makapagpalabas ng desisyon sa anong paraan puwede amyendahan ang Konstitusyon, kung magkasama o makahiwalay bang bubuo ng ¾ votes ang dalawang kapulungan ng Kongreso.
“I think we ought to bring it to the point where we wanted it to be in the first place. That is to try to get an interpretation of what Article 17 means when it says all members of Congress. I will call for a leader’s caucus before SONA to get guidance from the majority,” ani Nograles.
Muling magbubukas ng sesyon ng Kongreso sa ika-27 ng Hulyo na pinangangabahan ng mga kritiko ng Charter Change(Cha-cha) na gagamitin ni Nograles ang pagkakataon upang mag-convene ang Kongreso na pinabulaan naman ng lider ng Kamara.
Ang State of the Nation Address(SONA) ang araw na magiging iisa ang Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado sa gagawin joint session para sa huli at ika-9 na ulat sa bayan ni Pangulong Arroyo.
|
| |
UN binatikos ng mga Kongresista matapos iatrsa ang food aids program sa Mindanao
|
| |
UMANI nang pagbatikos sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang United Nations’ World Food Program (WFP) sa desisyon na suspendihin ang kanilang aid mission sa Gitnang MIndanao matapos magkaroon na magkakasunod na insidente ng pagpapasabog.
Sa magkakahiwalay na panayam nagkakaisa sina Palawan Rep. Antonio Alvarez, Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon at Nueva Ecija Rep. Edno Joson na walang matibay na dahilan ang UN para ipagpaliban ang kanilang misyon.
Minungkahi naman ni Alvarez sa Pamahalaan na ipamahala sa matatapang na tauhan ng Red Cross ang pamamahagi ng bigas, ipinaliwanag pa ng Kongresista na malayong-malayo ang sitwasyon ng Central Mindanao kumpara sa kalagayan ng Iraq na hindi iniiwan ng UN personnel ang kanilang misyon ng pamamahagi ng pagkain kumpara sa UN personnel sa bansa.
"The government has been urged to tap the National Food Authority (NFA) in food relief operations in Central Mindanao after the United Nations’ World Food Program (WFP) has decided to suspend all its aid missions in the region due to the series of bomb attacks there that killed six civilians and injured about 100 others over the past days," ani Alvarez.
Naniniwala naman si Biazon na hindi ang mga UN personnel ang nais pataman ng bomba ng mga bandidong grupo, kundi ang mga lugar kung saan naroon ang mga kagawad ng Militar at Pulis.
"The UN relief team do not appear to be under threat to warrant a sudden pullout," dagdag ni Biazon.
Nasusuya naman si Joson sa mabilis na hakbangin ng UN kaya sabi niya " premature ang pullout nila kaya hindi na dapat natin sila asahan. Tayo ang kumilos."
Ang programa ng UN ay natutulungan ang 340,000 indibidwal na umaasa na lamang sa evacuation centers matapos na maiipit sa hidwaan ng pamahaalan at ng mga bandido at rebeldeng grupo sa Mindanao.
|
| |
| |
| |
| |
| |
| |
| |
|