All out war ni Sec. Teodoro laban sa Abusayyaf, suportado ng mga kongesista
|
| |
SUPORTADO ng mga Kongresista ang all out war na dineklara ni Defense Gilberto Teodoro Jr. laban sa bandidong grupong abusayyaf. Matapos na mapalaya ang italyanong Red Cross worker na si Eugenio Vagni.
Nagkakaisa ng pananaw sina Buhay Partylist Rep. Irwin Tieng at Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na dapat nang tuldukan ang paghahasik ng kaguluhan ng nga bandido sa Mindanao.
Naniniwala si Tieng na mananatiling magulo ang Mindanao at hindi matatapos ang insidente ng pagpapasabog at pagkidnap hanggat nanatili ang abusayyaf.
Iginiit pa ng Kongresista na hindi na rin napapanahon ang usapang pangkapayapaan sa mga bandido lalo na’t hindi na makatao ang mga pagkilos na ginagawa ng bandido.
“di naman pwedeng habang buhay tayo nag-pe-peace talks at kung tuluy-tuluy pa rin ang pagkidnap at pagbomba nila,” ani Tieng.
Sang-ayon dito si Biazon na hindi na umano tama na makipag-usap pa sa Abu sayyaf na tinuturing terorista. Dinagdag pa ni Biazon na may polisiya ang Pamahalaan na hindi makipag-negosasyon sa mga teroristang grupo.
Hindi naman papayag si Biazon na basta na lamang bumalik sa lipunan ang mga miyembro ng abusayyaf na hindi hinaharap ang mga kaso na naghihintay sa kanila.
“if (they)he want to go back into the fold of society, they should surrender, not be given amnesty,” mariin na pahayag ni Biazon.
Minungkahi naman ni Tieng kay Teodoro na maglagay ng takdang panahon kung hanggang kalian mananatili ang all out war na deneklara ng kalihim laban sa bandido, upang hindi naman lubos maapektuhan ang kabuhayan sa Mindanao.
Ganun paman naniniwala ang Kongresista na “ hindi na uunlad ang mindanao dahil sa problema sa terorista.”
|
| |
Stem enhancement 1st part
|
| |
Kapansin-pansin ang pagbabago at masayang disposisyon ng aming “Boss” na si Nonoy Mendoza, Editor- Publisher ng PGON at ng FILIM, pinayagan niya ang ekslusibong panayam na ito.
Si Nonoy ay sumailalim sa gamutan sa loob ng dalawangput limang(25)taon. Iniinum niya araw-araw ang mga sumusunod na tablet: Plaviz, 75 mg for anti-platelet para sa sakit sa puso; Allopurinol, 300 mg Para sa gout; Amaryl, 2 mg sa diabetes; Coreg, 6.25 mg sa blood at heart ailments; Cozaar, 25 mg sa Puso; Lasix, 40 mg as water pills; Inspra, 25 mg high blood; Lipitor, 80 mg cholesterol; Aspirin, 325 mg para sa anti- platelet; at ilang mga bitamina. “I don’t usually enumerate or “confess” the medicines I am take daily. But I am allowing this interview with a condition of no-holds bar, with Tony Garcia, my favorite PGON/FILIM staff write,.” mahinahon na pahayag ni Nonoy.
June 9, 2009 (Tuesday), sa ganap na 11:45 p.m. habang nasa harapan ng Computer si Nonoy ng bulabugin ng bagyo ang lugar ng VA area na nagresulta ng pagkawala ng humarap suplay ng kuryete.
Agad siyang tumayo upang hanapin ang flashlight habang tinatawag ang kanyang asawa na si Aida, para humingi ng tulong.
Habang kinakapa sa dilim ang pinto para lumabas ng kanyang oposina. Nawalan ng balance si Nonoy na naa nagresulata ng malakas na pagbagsak.
Umikot ang katawan ni Nonoy saka tumama sa dulo ng lamesa na nagresulta ng sugat sa kanyang kaliwang tuhod. Sinubukan niyang maibalik ang kanyang balanse, pero sa pangalawang pagkakataon tumama naman siya sa kanto ng coffee table saka siya tumama sa lamp shade.
Nang tumama siya sa matalas na kanto ng coffee table, ang kanyang kaliwa sa bandang dibdib ay nagtamo ng pasa na may haba na 12 inch at lapad na 4 inch.
Sumunod na araw nagtungo si Nonoy sa kanyang physician, na si Dr. Angie Agrawal para sa checkup. Sinabi ni Dr. Agrawal kay Nonoy na wala siyang major injury.
Ganun paman ang kanyang Hematoma o pasa ay tatagal ng 4 hanggang 6 na linggo bago ito mawala. Kinumpirma pa ni Dr. Agrawal na hindi delekado ang natamo niyang pasa.
Sinang-ayunan naman ni Dr. Rene Alvir, matalik na kaibigan ni Nonoy sa loob ng tatlong dekada ang resulta ng cheak up ni Dr. Agrawal na tatagal ng 4 hanggang 6 ang natamo niyang pasa bago mawala.
Ang inasang 4 hanggang 6 na linggo pagimpis ng pasa, tumagal lamang ito ng halos dawalang linggo, naniniwala si Nonoy na malaking tulong ang ininom niyang STEM ENHANCE na isang epektibong supplemental pills.
|
| |
Hindi paman napapakinabangan, Cheaper Medicines Act pinaaamiyendahan
|
| |
HINDI paman lubos na napapakinabangan ang Cheaper Medicines Act, nangako ngayon ang isang Manggagamot na Kongresista na paamiyendahan niya ang batas sa muling pagbubukas ng sesyon sa July 27.
Binigyan diin ni Iloilo Rep. Ferjenel Biron, isa sa mga lumikha ng ng batas, na ipipilit na nitong maisingit ang bersyon ng Kongreso sa Republic Act no. 9502 o mas kilala sa tawag na Universally Accessible, Cheaper and Quality Medicines law upang maipasok ang automatic price regulation para masigurado ang murang gamot.
Sinisisi naman ni Biron si Sen. Manuel Roxas na nagpahina sa Cheaper Medicines Act dahil sa pagtanggal ng Senador sa automatic price regulation at pinalitan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulong Gloria Arroyo na siyang magtatakda ng presyo sa gamot batay sa mungkahi ng Department of Health (DoH).
Kaya pangako ni Biron “Pagbalik namin (sa trabaho) agad akong mag-i-introduce ng amendment and this time, the House version should prevail.”
“Wala kasing automatic price regulation ang batas. Originally we proposed that but Senator Mar Roxas watered it down. He gave the discretion to the President to impose price ceiling na hindi dapat,”dagdag pa niya.
Binatikos naman ni Biron si Roxas na tigilan na nito ang pagrereklamo laban sa pangulong Arroyo sa umano’ y pakikipag-usap ng palasyo sa mga multinational firms upang mahadlangan ang pagpirma sa Executive Order (EO), na magtatakda ng Maximum Retail Price (MRP) sa dalawangput dalawa(22) klase ng gamot na mababawasan ng halos kalahating porsyento sa presyo.
Dinagdag pa ni Biron na mismong ang sarili umano ng senador ang dapat niyang sisihin dahil “siyang komontra dito kaya wala pa ring murang gamot.”
Kabilang sa EO ang mga gamot na anti-hypertensive drug Norvasc na magiging P22.50 mula sa P44.50; anti-diabetic Diamicron na magiging P7.35 mula P14.75; antibiotic
Zithromax P149.37 mula sa P298.75; at ang antibiotic Augmentin suspension 60 ml na mula sa P359 ay magiging P179.50.
Matatandaan na pinagtibay ng Pangulong Arroyo ng nakaraang taon upang maging batas ang Republic Act no. 9502 o ang Universally Accessible, Cheaper and Quality Medicines upang matiyak ang cheaper medicines.
|
| |
Byahe ng Pangulong Arroyo sa US sasabitan ng mga kongresista para sa photo ops kay Pre. OBAMA
|
| |
NANAWAGAN si Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya sa kapwa mambabatas na nagpupumilit na makasabit sa biyahe ng Pangulong Gloria Arroyo sa United States (US) para makipagkita kay US President Barrack Obama na wag sanang gamitin ang pera ng taumbayan para lamang sa photo ops.
Hindi naman umano masisi ng Kongresista ang kapwa niya mambabatas na nagkakadarampa na makasama sa byahe ng pangulo sa Washington sa pagnanais na magkaroon ng larawan kasama ang tinitingalan lider sa buong mundo.
“ what we should really demand is lawmakers shouldn’t be using people’s money for this photo ops,” Ani Abaya.
Pinaalala naman ni Abaya sa kapwa niya mambabatas na patuloy ang lumalaki ang gastusin ng pamahalaan, maging ang utang panlabas ng bansa, aniya pa na may higit umanong dapat harapin ang kongreso partikular na umano ng pagbuo ng isang estratihiya para sa susunod na 2010 national budget upang maibsan ang kakapusan ng Pamahalaan sa pananalapi.
Kaya ang payo ni Abaya sa mga Kongresista na nais makipag-photo ops kay Obama, “should act more responsibility and conscientiously.”
Matatandaan na inamin ni House Speaker Prospero Nograles na maraming kongresista ang nagnanais na makasama sa byahe ng pangulo sa US upang makipagkita kay Obama.
“My problem is that many congressmen want to join the trip. I have been receiving many text messages in my cell phone inquiring if they can be accommodated (in the President’s official delegation),” pag-amin ni Nograles sa isang forum na ginawa sa Quezon city.
Hindi naman pinangalanan ni Nograles ang mga kongresista na nagnanais na makasama sa byahe, pero inamin naman niya na “Of course, I’d like to join the trip too, if I could.”
|
| |
| |
|