AURORA INIHALINTULAD SA HAWAII
|
| |
UPANG patuloy na lumago ang ekonomiya sa lalawigan ng Aurora, lalo pa itong paiigtingin sa pamamagitan ng pagtatatag ng Aurora Pacific Economic Zone Authority (APEZA) bilang pangunahing kalakalan sa bansa.
Inihalintulad ni Aurora Rep. Juan Edgardo Angara ang kanyang distrito sa bansang Hawaii na biniyayaan ng magandang lagay ng panahon at masaganang likas-yaman.
Ayon kay Angara, ang may akda ng panukalang batas (House Bill no. 6213) sinisimulan na ngayon ang mga pangunahing proyektong inprastraktura kabilang na ang pagkompleto sa mga opisina ng APEZA sa Aurora at Subic.
“Kailangang paghandaan natin ang mga darating na panahon upang makasabay tayo sa mabilis na pag- unlad sa rehiyon,” sabi ni Angara kaugnay sa kakayanan ng lalawigan sa agrikultura at pangingidaan dahil sa mataba ang lupa, kagubatan, bundok, malawak na karagatan at bahagyang ulan.
Ayon sa kanya, sa patuloy na proyektong inprastraktura na nag-uugnay sa Aurora at iba pang lalawigan sa Hilagang Luzon, ang likas-yaman nito ay maaring magamit sa lalong ikauunlad ng ekonomiya sa lalawigan.
Kabilang sa proyekto ang mga kalsada sa Baler-Casiguran at Pantabangan-Maria Aurora ang dalawang paliparan at dalawang daungan, ayon kay Angara.
|
| |
AMNESTY FOR THE ABU SAYYAF NOW IS REMOTE
|
| |
Speaker Prospero C. Nograles today did not discount the option of amnesty for the Abu Sayyaf if this will end all their atrocities and criminal activities in the country, but pointed out that extending amnesty to a terrorist group might still be legally untenable at this time.
“If this amnesty can ensure complete cessation of Abu Sayyaf activities, it might be a good option but it is my legal position that amnesty now is just not legally tenable. Justice must never be compromised in the search for peace. The Abu Sayyaf should be brought before the bars of justice, before our courts. If they plead guilty then and only then is the possibility of parole or pardon will surface,” Nograles said.
Amnesty, he added, applies to political offenses confirmed by judicial convictions, and the Office of the President is the recommending authority before Congress, the Philippine Senate for that matter, can act on the same issue.
“Amnesty is a subject that requires Executive and Legislative action. Amnesty does not cover criminal offenses perpetrated by those tagged as pure terrorists and criminal elements. So, as it is today, amnesty for the Abu Sayyaf is remote,” Nograles added.
Nograles noted that the Abu Sayyaf is not a political group with clear political objectives. “What they had been doing were pure acts of terrorism and criminal activities.
However, for the sake of peace which is paramount to national development, the option of amnesty is always there, “but there is a constitutional process which we all have to pass through,” Nograles said.
“To achieve peace we should find all legal solutions to this cycle of war and violence particularly in Mindanao and be creative and flexible. However, we must be very firm that we will not tolerate their wrong deeds,” he added.
|
| |
SONA ni Pangulong Arroyo gagastusan ng P2.1 milyon
|
| |
Binawi ngayon ni House Secretary General Marilyn Barua-Yap ang unang napaulat na nasa P22 milyon ang ginastos ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa paghahanda sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Gloria Arroyo sa Hulyo 27.
Sa paglilinaw ni Yap, na nasa P2.1 milyon lamang umano ang gatos ng Kongreso at isa lamang umanong “ an unintentional miss-appreciation of facts” ang unang lumabas na P22 milyon ang ginugol ng Kongreso sa pagsasaayos ng Kamara para maging kaayaaya ang magiging SONA ng pangulo.
Sa unang lumabas na ulat, gumastos umano ang Kongreso ng P20 milyon para sa repairs ng mga tiles, comfort room at flooring at ibapa, habang ang P2 milyon naman ay inilaan sa para sa pagkain, SONA kit, identification cards, security at ibapa.
Binigyan katwiran pa ni Yap na isang tuloy-tuloy na proyekto ng Kamara ang pagsasaayos sa pasilidad nito tuwing magbabakasyon ang sesyon ng Kongreso, nagkataon lamang umano na parating ang SONA ng Pangulo habang pinagpapatuloy ang nasabing proyekto.
“the renovation within the Batasan complex is a continuing program,” dagdag pa niya, “the program is just coincidental to the President’s SONA.”
Sinabi pa ni Yap ng nakaraang taon, gumastos lamang umano ng P1.9 milyon ang Kongreso bilang paghahanda sa SONA ng pangulo.
Naniniwala si Yap na ang pagpapaganda ng Kongreso ay pagbibigay umano ng karangalan sa sambayanang Pilipino.
|
| |
Bawang ni Sen. Mar Roxas ipamahagi na lang sa mahihirap na Pilipino na may high blood
|
| |
Imbes na gamitin sa gimik ang bawang, minungkahi ng isang Doktor na mambabatas kay Sen. Mar Roxas na ibahagi na lamang umano sa mga may sakit na high blood ang kanyang bawang sa hindi kayang bumili ng gamot dahil sa sobrang mahal.
Ayon kay Iloilo Rep. Ferjenel Biron, dahil sa kahirapan nagiging alternatibong gamot ng mga mahihirap na may high blood ang pagkain ng bawang upang mapababa ang kanilang alta-presyon.
Mistulang tinuya pa ng Kongresista si Roxas sa pagsasabi na “Ipamigay na lang nya yung mga bawang niya sa mga high blood na hindi makabibili ng gamut kasi mahal,”
Na unang sinisisi ni Biron si Roxas kung bakit hindi nagiging epektibo ang Universally Accessible Cheaper and Quality. Medicines Act (RA 9502), matapos alisin ang isa sa mga probinsyon ng kongreso ang mandatory price regulation na inaasahang magpapaba sana ng presyo ng gamot.
Napla-plastikan naman si Biron sa umano’y sobrang pagbibida ng Senador sa cheaper medicines law, ganun hindi naman umano siya ang nagpanukala na mapababa ang presyo ng gamot.
“His proposal is just about parallel importation of medicines, hindi sa kanyang proposal ang pag-kontrol ng presyo ng gamot para hindi magtubong lugaw ang mga multinationals. This originated from the House,” paglilinaw ni Biron.
Maliban kay Biron nagpahiwatig na rin umano ng pagnanais ang ilang mambabatas na na amiyendahan ang Cheaper medicine law, upang mabalik ang mandatory price regulation sa RA 9502.
Sa bersyo ng kamara, magbubuo ng isang price regulatory board na tututok at magdidikta ng tamang presyo ng gamot sa merkado.
Pero sa kasalukuyang batas, tanging ang Department of Health ang magsasabi ng presyo ng gamot, na papaaprubahan naman sa pangulo.
Matatandaan na binabatikos ngayon ni Sen. Roxas si pangulong Arroyo sa pag-ipit umano nito sa rekomendasyon ng DOH kung bakit hind pa rin umano napapababa ang presyo ng gamot.
Pinagtanggol naman ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon si Roxas na hindi umano dapat sinisisi lamang sa standard bearer ng LP ang napagkasunduan batas ng mga Senador at Kongresista.
“should berate Roxas over the issue since the approved law was a collective action of senators and congressmen,” ani Biazon.
|
| |
| |
|