Agenda ng muling pagbubukas ng sesyon ng kongreso susuporta sa sona ni pgma
|
| |
NAKAHANDA na ang agenda ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagbubukas ng ikatlong regular na sesyon ng ika-14 na Kongreso na susuporta sa posibleng magiging takbo ng ulat sa bayan ni Pangulong Gloria Arroyo Hulyo 27.
Kabilang ang mga panukalang batas na naglalayong palakasin ang ekonomiya ng bansa, ang paglikha ng trabaho, social justice, human development, at good governance.
Ayon kay House Speaker Prospero NOgrales iniayos nila ang magiging agenda ng Kongreso sa muling pagbubukas nito, upang mabigyan suporta ang panawagan ng pangulo na palakasin ang ekonomiya ng bansa sakabila ng pandaigdigan problema sa pananalapi.
Kabilang sa matatalakay ang panukala ni Nograles na amiyendahan ang ilang probisyon sa konsitusyon, na magbibigay karapatan sa dayuhan na magmay ari ng lupain sa bansa ng isang daang porsiyento.
Naniniwala si Nograles na malaking tulong sa ekonomiya ng bansa na mabigyan ng sapat na karapatan ang mga dayuhan sa lupain ng Pilipinas, na siyang maghihikayat sa mga dayuhan na mamuhunan sa bansa, na magreresulta naman ng karagdagan trabaho sa mga Pilipino.
Prayoridad din ng Kamara na mailusot na sa ikatlong pagbasa ang House Bill 6073 na makakapaghikayat umano ng mga korporasyon sa pagsasaka dahil sa maraming makukuhang bepisyo.
Na sa tatlong pagbasa na rin ang panukalang batas na naglalayong magbuo ng Department of Information and Communication(DIC) na magreresulta ng maraming trabaho lalo na at panahon na ng kompyuter ngayon.
Ipapasa din ng Kongreso ang mga panukalang may kinalamang sa edukasyon, pagkain, kalusugan at pagpapalakas ng mga ahensya na may kinalaman sa bawal na gamot at pagkain.
Binigyan diin ni Nograles na ang pinakaimportateng aspeto ng kanyang pamunuan, “the heightened involvement of the people in the processes and concerns of legislation in this House.”
kabilang sa nakatakdang ipasa ng kamara na nasa tatlong at huling pagbasa na ang HB 5077 – Further Strengthening the Anti-Money Laundering Law, ang pag-amiyenda sa Republic Act 9160; HB 6290 – The Land Administration Reform Act of 2009; HB 3655 – The Political Party Development Act of 2009; HB 4315 – Prohibiting and penalizing the recording of private act; HB 6407 – The Pre-Need Code of the Philippines; HB 6439 – Amending R.A. 7165 entitled, ‘An Act creating the Literacy Coordinating Council’, at limang magkakahiwalay na bills na magbubuo ng karagdagan Regional at Municipal trial court ng mga probinsya ng Camarines Norte, Romblon, Iloilo, at syudad ng Davao at Taguig.
“This is not to mention the establishment of more than 100 national high schools spread nationwide already awaiting the signature of the President and the numerous local bills establishing, upgrading public schools and local bills promoting regional agricultural and environmental concerns,” ani Nograles.
|
| |
| |
|