10, 000 pulis na itatalaga sa SONA ng Pangulo, tatapatan ng mga militante
|
| |
HINDI nababahala ang mga militanteng Kongresista sa 10, 000 ipapakalat na mga pulis at mga water cannons na ipangtatapat sakanila sa darating na State of the Nation Address (SONA) sa Lunes Hulyo 27.
Tahasang sinabi ni Kabataan party-list Rep. Raymond Palatino “We're not afraid” bagkus, “Dodoblehin namin ang bilang ng mga protesters.”
Sinabi pa ni Palatino na nag-aaksaya lamang umano ng pera ang pamahalaan sa pagtatalaga ng 10,000 pulis sa SONA ng Pangulo.
“They're wasting public money being paranoid about the protest every year naman ginagawa iyan,” ani Palatino.
Napaparanoid lamang umano ang administrasyon sa pagtatalaga ng sandamukal na pulis sa araw ng ulat sa bayan ng Pangulo.
Kaya sabi ni Gabriela party-list Rep. Luzviminda Ilagan “Paranoid ang administrasyon ni Gloria. Over reaction ito ng isang guilty at takot na administrasyon. Necessary ba iyan against the people who have the right to assemble and to express their opinions?.”
Ganun paman, hindi pa rin umano sila natatakot sa puwersa ng gobyerno na ipangtatapat sa kanila. Tinitiyak pa ng Mambabatas na dadagdagan pa nila ang dami ng mga sasama sa kilosprotesta na ipangtatapat nila sa 10,000 pulis.
|
| |
Speaker Nograles pinagmalaki ang ginawa ng Pangulo
|
| |
AGAWIN ang puwesto ni Pangulong Gloria Arroyo ang bukod tanging layunin umano ng mga kritiko ng Pangulo.
Ito ang pagtataggol na pahayag ni House Speaker Prospero Nograles sa patuloy na pag-atake sa kredibilidad ng Pangulong Gloria Arroyo.
Binigyan diin pa ni Nograles na ang kasaysayan ang magdikdikta sa tunay na ginawa ng Pangulong Arroyo para bayan.
Kabilang na umano ang paglago ng ekonomiya ng bansa, kasama na ang pagpapatupad ng mga infrastructure projects sa mga probinsya, distrito at syudad. Pagsasaayos ng mga port, airport, highway systems, skyways at seaways.
“Her critics have only one objective – to grab power at all cost,” dagdag pa ni Nograles,“why the rush when the elections are within sight?”
Tahasan naman sinabi ni Nograles na hindi patas umano ang mga resulta ng survey para sa Pangulong Arroyo, sakabila ng mga proyekto na pinatutupad ng pamahalaan.
Kinudina naman ng Lider ng Kamara ang mga hakbangin ng kritiko ng pangulo na kahit malagay sa alanganin ang kabutihan ng bansa, pinipili pa rin umano na makagawa ng ingay laban sa kasaluyang rehimen.
Idinagdag pa ni Nograles na marami din umanong napagtagumpayan ang kasalukyang pamahalaan simula ng termino ng Pangulong Arroyo.
Kabilang na umano dito ang socio-economic reforms na nagligtas sa ekonomiya ng bansa sa pangdaigdigan pagkalugi sa pananalapi, kalamidad na gawa ng kalikasan at ng tao.
“History will write about and bear out these massive projects all over the country under her term,” pahayag pa nito.
|
| |
H1N1 hindi mapipigil ang SONA ni Pangulong Arroyo
|
| |
NANINIWALA ang ilang Mambabatas mula sa oposisyon na hindi mapipigil ng influenza A(H1N1) ang State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Gloria Arroyo sa darating na Lunes Hulyo 27.
Sinabi nila Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya at Muntilupa Rep. Ruffy Biazon pawang kaalyado ni standard bearer Liberal Party Sen. Mar Roxas, hindi mahahadlangan ng pangamba na magkaroon ng hawaan ng H1N1 sa Sona ng Pangulo.
Tinatayang humigit-kumulang sa 3000 katao ang inaasahang ang dadalo sa plenary hall ng mababang Kapulungan ng Kongreso para personal na makasaksi ng ulat sa bayan ng Pangulo, kabilang na dito ang mga Senador, Congressmen, delegado mula sa iba’t ibang bansa at ibapang mga personalidad.
Iginiit ni Abaya na marami ang tututok sa SONA ng Pangulo dahil marami umano ang magnanais na makibahagi sa huling ulat sa bayan ni PGMA.
“Some would want more SONA’s for her, some would want it to really be her last. A lot of people await her statements.” Ani Abaya.
Idinagdag naman ni Biazon na walang makakatiyak kung magkakaroon ng epekto ang H1N1 sa SONA ng Pangulo, pero nakakasigurado siya na hindi ito magiging problema.
“Since the doh has already ordered the stoppage of AH1N1 testing. We will never know if it will affect the attendance during the SONA,” pahayag pa niya, “I don’t think it will be a problem.”
Ayon naman kay Iloilo Rep. Ferjenel Biron isang doktor, hindi na mapipigil pa ang pagkalat ng H1N1 sa bansa, sakabila nito advisable pa rin umano na dumalo sa pangsiyam at huling SONA ni Pangulong Arroyo.
Sa huling ulat ng Department of Health (DOH) ng Hulyo 9, umabot sa 2668 na ang kaso ng H1N1 sa bansa, 95 porsiyento o 2543 ay gumalin na mula sa sakit.
|
| |
Absentee Voting para sa mga Media, iminungkahi
|
| |
DAHIL sa pagtupad sa tungkulin, kadalasan hindi nakakaboto ang mga kagawad media dahil sa layo ng kanilang assignment area sa kanilang presintong pagbobotohan.
Ayon sa isang reporter ng Radyo, halos tatlong eleksyon na siyang hindi nakakaboto gawa ng pagtupad sa tungkulin.
“kung tutusin pwede na ko kasuhan dahil tatlong eleksyon na ko hindi nakakaboto, pero gusto ko man bumuto maiiwan ko naman yung area ko, at baka naman matanggal ako sa trabaho pagnaputukan ang ako ng storya.” Ani ng reporter ng Radyo.
Sa ganitong dahilan kung bakit sinusuportahan ng dalawang batang Kongresista ang plano ng Commission on Elections(Comelec) na magkaroon ng absentee voting para sa mga mamamahayag na magamit ang karapatan na makapili ng mamumuno sa bansa.
Ayon kay Cibac Party list Rep. Joel Villanueva habang nalalapit ang eleksyon tumitindi ang pagnanais ng lahat na makaboto sa 2010 eleksyon.
Dinagdag pa ng kongresista na kabilang sa mga may akda ng absentee voting na nararapat lamang umano na mabigyan ng pagkakataon ang kahit na sino na makaboto.
“I would say everybody is excited about the elections of 2010. Everybody should be given the opportunity and chance to vote.” Ani Villanueva.
Naiintindihan naman ni Buhay party list Rep. Irwin Tieng ang kalagayan ng media na hindi na bibigyan ng sapat na pagkakataon ang media na tumutupad lamang sa tungkulin sa bayan bilang mata at boses ng mga Filipino.
“Tama naman yun. Dahil nagcocover sila sa ibang lugar,” Pagbibigay diin ni Tieng.
Matatandaan ng nakaraang Lunes na sinabi ng Comelec sa harap grupo ng mga mamahayag na magpapasa sila ng isang resolusyon sa Kongreso upang mabigyan ng karapatan ang mga media na makaboto na saan man silang presinto.
Iminungkahi naman ni Makati Rep. Teodoro Locsin Jr, chairman ng suffrage electoral reforms na madaliin na ng Comelec ang pagpasa ng resolusyon upang mapag-usapan na sa lalong madaling panahon.
Nagprisinta din ang Kongresista na siya mismo ang maghahain ng resolusyon sa Kongreso, kasabay ng pag-asa na maipapasa ito bago sumapit ang eleksyon sa 2010.
|
| |
Protection of residential privacy pushed
|
| |
Activists or protestors may soon be prohibited from holding their mass actions in front of the residence of a public official who has been accused of irregularities or misdeeds.
Rep. Dato M. Arroyo (1st District, Camarines Sur), author of House Bill 6358, said although the law allows people to express their grievances against public officials, “this right is not absolute,”
“The right of the people to peaceably assemble for redress of their grievances can be prohibited if it infringes on the greater public good,” Arroyo said.
“The types of picketers or rallyists banned by the by the proposed act are those who do not seek to disseminate a message to the general public, but simply aim to intrude upon the targeted resident, and to do so in an especially offensive way,” Arroyo said.
Instead, Arroyo urged the protestors to do their thing in a public place like a park.
Arroyo’s bill intends to amend Article 131 of the Revised Penal Code which allows protestors to express their grievances in front of the house of a concerned public official.
According to Arroyo, the bill focuses on an area that may certainly be considered deserving of governmental interest and which the Revised Penal Code failed to specify as an exception to the rule.
Arroyo said the home should offer security from those who seek to enforce their opinions and conduct upon other persons.
|
| |
|