Gov. Panlilio na impluwesiyahan ang ibapang pari na maging politiko
|
| |
MALAKING ang naging impluwesya ng dating Pari na si Pampanga Gov. Ed Panlilio, kung bakit dumarami ang mga paring nais na iwan ang abito para sumabak sa magulong mundo ng politika.
Ayon kay Palawan 2nd Dist. Rep. Abraham Kahlil Mitra ang naging hakbangin umano ng governador na pari ang posibleng nakapaghikayat sa iba pang lingkod ng Diyos na magnasa din na maging politiko at iwan ang pagpapari.
“Malamang siya(Panlilio) nag-influence at sa nakikita ko parang magandang influence,” ani Mitra.
Naunang Inamin ni Catholic Bishops' Conference of the Philippines official (CBCP) Commission on Social Communications and Mass Media executive secretary Fr. Francis Lucas, na marami sa kanilang hanay ang nagbabalak ngayon na sumabak sa politika.
Batay sa nailathalang article ni Lucas sa web site ng CBCP na "I’m sure many priests are being encouraged to run for government posts and (some of them) are getting forced to do so."
Ang tinutukoy ni Lucas ang mga parishioners na maging siya ay hinihikayat na maging Mayor ng Infanta sa Probinsya ng Quezon.
"They were rooting for me to run for mayor." Dagdag pa niya.
Tutol naman dito ang ilang miyembro ng Kongreso, na hindi umano katanggaptanggap na basta na lamang makipagkalas ang mga Pari sa sinumpaan nilang kasal sa Diyos.
Ipinaliwanag ni Nueva Ecija 4rt dist. Rep. Rodolfo Antonino na malinaw umano na kinakailangan ng mga pari na talikuran nila ang kanilang sinumpaan ng paglilingkod sa Diyos.
Pero hindi umano pinapayagan ang diborsyo sa Pilipinas lalo na ang mga pari ay kasal sa Diyos.
Ibinahagi pa ni Antonino ang bersekulo sa banal na kasulatan na nasusulat na “what God hath joined together, let no man put asunder” Matthew 19:6
Binigyan diin naman ni Mitra na hindi puwedeng mamangka sa dalawang ilog ang mga pari, kinakailangan umano nilang mamili sa pagitan ng paglilingkod sa Diyos o sa likod ng maruming pulitika.
Sang-ayon dito si 2nd dist. Cavite Rep. Elpidio Barsaga Jr. na hindi puwedeng paghaluin ang Relihiyon at ang Politika.
Kailangan umanong ikonsidera ang nasusulat sa batas na humihiwalay sa katayuan ng Simbahan at Estado.
|
| |
Sen. Villar nangunguna sa SWS survey
|
| |
DAHIL sa pangunguna ni Sen. Manuel Villars sa Social Weather Stations (SWS) survey, sinabi ng isang kaalyado ni Pangulong Gloria Arroy na ang Senador ang makikinabang sa posibleng talunan ng mga lokal na opisyal sa darating na halalan.
Naniniwala si Isabela Rep. Rodolfo “Rodito” Albano III, miyembro ng Lakas-Kampi-CMD, na malaking bagay ang 33 porsiyento sa survey upang maging makulay ang paningin ng mga local candidate sa kanya.
Mataas ‘yung (33 percent) rating ni Villar. Kapag ganyan baka magkaroon ng lipatan sa local level, may pondong pangampanya pa naman si Villar," ani Albano.
Positibo man ang pananaw ni Albano para kay Villar, minungkahi naman niya sa posibleng pambato ng administrasyon katulad ni Defense Sec. Gilberto Teodoro na magtrabaho ng maigi upang makahabol sa survey, na pinapangunahan ng pangsabak ng oposisyon katulad nina Villar, dating Pangulong Joseph Estrada, Sens. Francis Escudero, Manuel Roxas at Loren Legarda.
Sakabilang banda sa SWS survey tungkol sa “best leader” na papalit kay President Arroyo, nakakuha ang mga presidentiables na pinagpipilian ng administrasyon na isang porsiyento sina Sen. Richard Gordon at Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando, habang 0.8 % naman si Defense Sec. Gilberto Teodoro, Jr. .
Naniniwala si Albano malaking kinalaman ng komersyal sa telebisyon kung bakit nangunguna sa survey ang oposisyon.
Pagtatanggol pa niya sa pambato ng oposisyon, “Epekto ng ads ‘yan kasi maraming ads ang oposisyon. Siguro dapat magkaroon din ng ganyan ang mga taga-admin. Yung ads naman ni Teodoro hindi naman pang-personal 'yon, tungkol sa disaster yun."
|
| |
Survey result ni Erap kabiguan lang ang dala
|
| |
KABIGUAN lamang sa mga supporters ni Dating Pangulong Joseph Estrada ang dulot ng pag-agat nito sa pangalawang puswesto sa pinakabagon survey ng Social Weather Stations (SWS).
Nagpahiwatig si Speaker Prospero “Boy” Nograles Jr., vice chairman ng Lakas-Kampi-CMD, nang kawalan umano ng pag-asa at pag-sasayang lamang ng panahon ang pagnanais ni Estrada na makabalik sa Malacanang bilang pangulo, dahil disqualified na umanong siyang tumakbo pa sa pagkapangulo sa pangalawang pagkakataon.
Dagdag pa ni Nograles, “I think not. I think that’s a total prohibition (running again for President).”
Matapos na ma-convict sa kasong plunder si Estrada binigyan kaagad ito ng Executive clemency ni Pangulong Gloria Arroyo, habang nakakuha naman siya ng 25 porseyento kasunod ni Sen. Manuel Villar ng Nacionalista Party (NP) na nangunguna naman sa survey na nakakuha ng 33%.
Naniniwala naman si Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, na korte lamang umano ang puwedeng magdikta, kung pinapayagan pa ng Konstitusyon ang muling pagnanais ng napatalsik na pangulo na muling makabalik sa kapangyarihan.
“It is for the court to decide on the legality of Estrada’s possible candidacy again for President,” ani Rodriguez.
Matatandaan na laging hinahamon ni Estrada ang mga presidentiables mula sa oposisyon na isang standard bearer na lamang ang dalhin nila sa parating na halalan, batay na rin kung sino ang mga nangunguna sa survey.
Sakabila na nasa hanay ng oposisyon si Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya, secretary-general of Liberal Party (LP) na nagtutulak kay Sen. Manuel Roxas bilang standard bearer ng lapian, hindi umano kayang pagkaisahin ni Estrada ang oposisyon, at tanging ang mga abogado lamang umano niya ang nagsasabi na puwede siyang maging Pangulo ulit.
Naniniwala naman si Akbayan Rep. Risa Hontiveros, mula naman sa hanay ng militanteng oposisyon na hindi na puwedeng muling tumkbo si Estrada dahil isang beses lamang umano puwedeng maglingkod sa bayan bilang pangulo.
Maliban kay Villar at Roxas, kabilang din sa oposisyon sina Sens. Francis Escudero at Loren Legarda, na mula sa Nationalist People’s Coalition (NPC) na nais pagkaisahin ni Estrada.
|
| |
|