Pagsama ng mga mag-aaral sa Rali sa SONA ng Pangulo hindi makakabuti.
|
| |
HINDI kumbinsido si Zambales Rep. Milagros “mitos” Magsaysay sa panawagan ni Bishop Vicente Navarra, na ikansela ang lahat ng klase sa buong Negros Occidental upang makasali sa pinakamalaking rali na gagawin ng simbahang katoliko ngayon araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Gloria Arroyo.
Naniniwala si Magsaysay na napakahalaga ng kaalaman na makukuha sa loob ng paaraalan, tungkulin din ng mag-aaral na manatili sa paaralan tuwing sila ay may pasok.
Hindi rin umano puwedeng pilitin ng mga Bishops ang mga mag-aaral na makilahok sa pagkilos katulad ng mga rali.
Ganun paman, karapatan pa rin umano ng mga estudyante na sumama sa protesta, lalo na kung pinayagan sila ng kanilang mga magulang.
“Students should remain in school if their classes because that is their duty but I have no right to stop them if they want to join rallies if that is their will and their parents allow them. Same way as bishops can only suggest but cannot compel students to join rallies,” Ani Magsaysay.
Tungkulin din ang nakikita ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo na makilahok ang mga mag-aaral sa kilos protesta.
Naniniwala ang Kongresista na “Ang mga estudyanteng may sapat nang pag-unawa sa mga usaping publiko o pambasa- mula high school hanggang college ay nararapat, at may tungkulin sa kanilang henerasyon makilahok sa mga aksyong masa/protesta.”
|
| |
Peace talks sa MILF, para lang sona - Rep. Biazon
|
| |
NANINIWALA si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na hindi usapang kapayapaan ang hangad ng tigil putukan na pinairal ni Pangulong Gloria Arroyo para sa Moro Islamic Liberation Front(MILF).
Duda ang Mambabatas na kung kalian nalalapit na ang SONA ng pangulo saka pinatigil ang operasyon ng Militar sa Mindanao para tugusin ang break away group ng MILF.
Naniniwala si Biazon na malaki ang kinalaman ng SONA sa pag-atras ng militar sa masusukol ng grupo ng MILF.
Suspetsa ni Biazon na nababahala ang Palasyo na manggulo ang grupo ng MILF sa araw mismo ng SONA ng Pangulo.
Upang makatiyak na hindi mang-aagaw ng eksena ang MILF, pinaatras ng palasyo ng hukbong sandatahan ng Pilipinas kapalit ng pananahimik ng MILF ngayon araw.
“I suspect that the suspension of military operations against the MILF is not part of a strategic plan for the peace talks, but merely a convenient tactic to ensure that no problem from the MILF will crop up during the SONA,” Ani Biazon.
Nilinaw naman ng Kongresista na sinusuportahan niya ang anomang panawagan para makamit ang kapayapaan sa Mindanao.
“ I support moves to have peace talks with the milf,” dagdag pa ng Kongresista.
|
| |
Kabataan na pipiliting sumali sa mga kilos protesta mag-aasal barbaro
|
| |
NANINDIGAN ang isang gurong Mambabatas na hindi dapat sinasama ang mga kabataang mag-aaral sa mga kilos protesta, dahil mamumulat lamang umano sa pagiging barbaro.
Pinaliwanag ni Marikina Rep. Marcy Teodoro na dapat mamulat ang kabataan sa mas kapaki-pakinabang at ligtas na pamamaraan ng pagpapahayag ng kanilang sa loobin ukol sa mga isyu, at hindi umano dito kabilang ang pagsama sa mga kilos protesta.
Kung pipilitin umano na makilahok ang mga kabataang mag-aaral mag-aasal barbaro umano ang mga ito, “dahil sa dahas na pinapakita ng mga raliyista maging ng pamahalaan, hindi na sila dapat pang mangdamay.”
Nanawagan pa ang Kongresista na wag ng idamay pa ang mga kabataan sa kanilang mga pagkilos, dahil malaking panahon na ang ginugugol ng kabataan sa edukasyon na magbibigay ng kasiguraduhan sa kanilang kinabukasan.
“Isang bagay at paghahanda na hindi dapat mawasak dahil sa karahasan maaring maidulot ng mga rally,” dagdag pa ng Kongresista.
Giniit pa ng Kongresista na dapat bigyan ang kabataan ng kalayaan na gawin ang mga bagay na normal na ginagawa ng isang kabataan.
“hindi dapat nating ipagdamot ang ganitong karanasan sa kanila dahil lang sa pilit na pagsali sa kanila sa mga rally.” Hayag pa nito.
|
| |
|