Cyber sex operators pinabubulok sa kulungan
|
| |
PINABUBULOK sa kulungan ni Buhay partylist Rep. Irwin Tieng ang mga taong nagpapatakbo ng “cyber sex” dens sa bansa.
Sa House Bill No. 6626 na inihain ni Tieng nais nitong makulong ng 12 taon hanggang 20 taon at may multa na P100,000 na hindi lalagpas sa P500,000 ang sinomang mapapatunayan na ginagawang negosyo ang kalaswaan sa cyber zone.
Pero kung minor de edad ang ginagamit na “ exhibitionist” na gumawa ng malalaswang pagkilos sa harap ng Computer, habang buhay na pagkabilanggo ang imungkahi ni Tieng ang maging parusa.
Kadalasan ang cyber Sex den ay idinadaos sa mga commercial building, apartment, condominium, at residential house.
Mabenta sa mga dayuhan ang mga Filipina na nagpapakita ng maseselang bahagi ng katawan, nagsasagawa din ng mga malalaswang exhibition depende sa hilig ng mga parokyano ng cyber sex.
Naniniwala si Tieng na umaabot sa milyong dolyar ang kinikita sa cyber sex, dahilan kung bakit naglipa sa bansa ang ganitong gawain.
“Anti-Cyber Sex Den Act,” pagsasalarawan pa ni Tieng, ``a place where illicit acts are performed, effected and carried out in front of a web camera which is connected via the internet and intended either for local or foreign clients.”
Kabilang sina Buhay Reps. Rene Velarde at Ma. Carissa Coscolluela ang nagsusulong ng na mapigilan ang pagdami ng cyber sex sa bansa.
|
| |
Cory inihantilud kay President Ramon Magsaysay
|
| |
NABUBUHAY si dating Pangulong Ramon Magsasay sa puso ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Heto ang pagsasalarawan ni Zambales Rep. Milagros Magsaysay na maihahanay umano si Ginang Aquino sa kabutihan at kababaang loob ng tinaguriang presidete ng masang Pilipino na si yumaong Pangulong Magsaysay.
“She may be in the level of the late president (Ramon) Magsaysay,” pahayag ng Kongresista.
Hindi naman tumututol ang Kongresista sa naging hakbangin ng mga Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na ituro sa mga mag-aaral ng lahat ng private catholic school sa bansa ang kasaysayan ng buhay ni Ginang Aquino.
Pero minungkahi ni Magsaysay na dapat kabilang din ang buhay ng mga naging Pangulo ng bansa, para magkaroon ng malinaw na pang unawa ang mga Pilipino kung paano na hubog ang bansa sa kasalukuyang anyo ngayon.
Nirerespeto naman ni Marikina Rep. Marcy Teodoro na isa ring guro ang hakbangin na CEAP na idaan sa pagsama sa aralin ang pagbibigay respeto nila kay Ginang Aquino.
Pero binalaan ng Kongresista na hindi dapat lalagpas ang mga Katolikong paaralan sa pagtuturo ng kasaysay ng buhay ni Aquino sa pinapayagan lamang curriculum ng Department of Education(DepEd).
“ she has been in the Philippines history books even before” dagdag pa niya, “ as long as it is within the bounds of deped curriculum, then there should be no contest.”
|
| |
PAG UUSAP NI PANGULONG ARROYO AT OBAMA, HAHATULAN NG MGA PILIPINO
|
| |
INAABANGAN ngayon ng mga militanteng Kongresista kung ano ang kalalabasan ng pag-uusap ni Pangulong Gloria Arroy at U.S. President Barrack Obama.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Teddy Casino na napakahala ng pag-uusap ng dalawang lider ng magkaibang bansa.
Giniit pa ng Kongresista na “kahit 1 minuto malaking bagay” lalo na kung “may makabuluhang agenda.”
Naniniwala naman si Cong. Satur Ocampo(Bayan Muna Party list) hindi ang haba ng itatagal ng pag-uusap nina Obama at Arroyo.
Bagkus kung paano huhusgahan ng taumbayan ang resulta ng pag-uusap ng Pangulo sa lider ng makapangyarihang bansa sa mundo.
“ Hindi ang haba o tagal ng pag-uusapan nina Obama at GMA kundi kung ano ang pinag-uusapan at ano ang pinagkasunduan, kung meron, ang batayan ang paghuhusga kugn tio ay ikararagal ng bayan o ikahihiya,” ani Ocampo.
|
| |
|