Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
2008 Filipino Image Magazine
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Click to read the
2008 FILIM
Magazine
Bentahan ng Kidney sa Cotabato, talamak na
 
IBINULGAR ngayon ni Cotabto Rep. Emmylou Taliño-Mendoza ang talamak na  bentahan ng mga bato
(kidney) sa lalawigan ng Cotabato.

Ayon sa Kongresista, tinatayang nasa 12 mga kababaihan ang natanggalan ng bato ng  isang human organ
syndicate kapalit ang halagang P200,000.

Sinabi pa ni Mendoza na hiniling ng  Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na papanagutin ang
mga sindikato na bumibiktima sa mga kababaihan sa lalawigan upang tanggalin ang kanilang kidney.

Tinukoy pa ni  Mendoza ang bayan ng M'Lang sa Cotabato, mahigit 12 kababaihan umano ang sapilitang
tinanggalan ng bato.

"No effort should be spared in apprehending these predatory traffickers and their go-betweens. Their
nefarious activities should be nipped in the bud before they victimize more women in Cotabato and other
provinces in Mindanao," ani Taliño-Mendoza.

Nababahala pa ang Kongresista na kapag nagpatuloy ang ilegal na gawain sa nasabing lalawigan,  
malalagay sa peligro ang buhay ng taong sumasailalim sa ganitong merkado.

Kahirapan naman ang nakikita ng Kongresista kung bakit pikit matang tinatanggap ng mga kababaihan ang
napakapeligrong gawain kapilit ng pansamantalang pagkain sa hapagkainan.

Nanawagan naman ang Kongresista na maliban sa mga sindikato,  nais din papanagutin ng mambabatas
ang mga medical practitioners na nagsasagawa ng pagtatanggal ng mga bato ng mga babaeng kanilang
nahihikayat.

“This is definitely one of the most horrible forms of exploitation of women," dagdag pa nito.

Pinaliwanag naman ng Kongresista na sa ilalim Anti-Trafficking in Persons Act, mahigpit na ipinagbabawal
na gawing negosyo ang human organs.

Dagdag pa niya, “Under the law, those found guilty of engaging in the buying and selling of human organs
face 20 years in prison plus a fine of up to P2 million.”

Habang ang IACAT ang siyang nagpapatupad naturang batas para mapigilan ang pagbebenta ng human
organs sa bansa.
 
Cory bibigyan parangal ng Kongreso
 
MINUNGKAHI ngayon ng isang Kongresista na mabigyan ng pagkilala ng mababang Kapulungan ng
Kongreso si yumaong dating pangulong Corazon Aquino, asawa ng bayaning si Sen. Ninoy Aquino.

Ayon kay Buhay Partylist Rep.  Irwin Tieng nararapat lamang umano na bigyan ng pagkilala ang dating
pangulong Aquino,  batay na rin sa napakahalagang kontribusyon nito para muling magkaroon ng
demokrasya sa bansa.

Maituturin din umano ang yumaong pangulo na isa sa mga pundasyon ng demokrasya upang maitaguyod ito
para sa mga Pilipino.

“dapat naman, dahil puwede natin siyang ituring na isa sa mga haligi ng demokrasya,” Ani Tieng.

Ganun paman, nais man kongresista na maghain ng isang resolusyon para dito,  mas mainan pa rin
umanong magmula ang hakbangin na ito sa mashigit na nakakakilala sa dating Pangulong Aquino.

“Puwede naman pero mas maganda kung yung mga nakakakilala sa kanya sa kongreso ang magfile,”
anang kongresista.

Mistulan naman tinugon ito ng mga miyembro ng Liberal Party(LP) na mga Kongresista, na nakatakdang
maghain ng resolusyon upang kilalang ang kadakilaan ni Ginang Aquino.

Ayon kay Cavite Rep.  Joseph Emilio Abaya, apo ng bayaning si Emilio Aguinaldo na nakatakda silang
maghain ngayong araw ng resolusyon, upang bigyan karangalan at dakilain ang naging kontribusyon ni
dating Pangulo para sa bayan.

“ang LP sa pangunguna ni Rep. Tanada ay magfile ng resolusyon,” ani Abaya.
 
Cory's Story - Pakikiramay mula sa langit
 

Pinarating ng Santo Papa  ang kanyang pakikiramay sa pagpanaw ng kinikilalang ina ng Demokrasyang
Pilipino na si dating Pangulong Corazon Aquino.

Personal pang pinaabot ni  Papal Nuncio sa Pilipinas na si Archbishop Edward Joseph Adams sa De La
Salle Greenhills sa lungsod ng Mandaluyong para dumalo sa isinasagawang lamay sa labi ni dating
Pangulong Corazon C. Aquino.

Hindi lamang sa  pagiging aktibo sa paglaban sa kurapsyon sa kabila ng pagbalikat ng kanyang sakit na
colon cancer, minahal din siya ng sambayanang Pilipino dahil sa labis na takot sa Diyos.

Matatandaan ng maganap ang Edsa people power noong 1986 ay pawang mga taong simbahan ang
kasama ng dating lider, hanggang sa kaniyang pag-upo bilang presidente.

Bagama’t iminungkahi ni Antipolo City Bishop Gabriel Reyes na si Adams na ang manguna sa sermon
ngunit minabuti ng Papal Nuncio na making na lamang sa isinasagawang misa.

Kasama naman ni Reyes si Bataan Bishop Socrates Villegas at ilan pang mga pari na may iba’t-ibang
religious orders.
Ipinaabot naman ng kinatawan ng pinakamataas na lider ng simbahang Katolika ang pakikiramay sa mga
naulili ni Gng. Aquino.

Pinatunayan lamang ng pagkilos na ito na hanggang sa huling sandali ng  pagharap niya sa kanyang dapit
hapon kasama niya ang Simbahan, kasama niya ang panalangin ng mga Pilipino, kasama niya ang Diyos.

Bansang dakila, dinakila ang maliit na bansa dahil sa tinig ng isang Ina

Malayo man ang America,  makapangyarihan man bansa, hindi nakalimot si US President Barack Obama na
iparating ang kanyang pakikiramay sa pamilya Aquino sa pagpanaw ng dating Pangulong Corazon C. Aquino.

Dinakila pa ni Obama si Cory sa pagsasabing sumisimbolo ito sa galing ng bansang Pilipinas.

Sa pamamagitan ni White House Press Secretary Robert Gibbs binasa nito ang pahayag ni Obama  sa
Washington D.C. at inilabas din ng US embassy sa Maynila.

“Her courage, determination, and moral leadership are an inspiration to us all and exemplify the best in the
Filipino nation,” ani Obama.

Batay pa sa sulat ni Obama, kinilala nito ang mahalagang papel na ginampanan ni Ginang Aquino sa
kasaysayan ng Pilipinas sa pagpapanumbalik ng demokrasya lalo na ang People Power, 20 taon na ang
nakakaraan.

bago dito,  unang nagparating ng pakikiramay si US Secretary of State Hilary Clinton na umanoy naging
inspirasyon sa tapang nito matapos na matapos na ma-assasinate ang kanyang asawa na si dating Sen.
Benigno Aquino Jr.

“She helped bring democracy back to the Philippines after many years of authoritarian rule with a faith in her
country and its people that never wavered... Like millions of people worldwide, Bill and I were inspired by her
quiet strength and her unshakable commitment to justice and freedom. We join the American and Filipino
people in honoring her life and memory,” ani Hillary.

Habang nasa ospital si Cory ay magugunitang nagpaabot na rin ng panalangin si Hillary.

Si U.S. Ambassador to the Phils. Kristie A. Kenney ay nakidalamhati din sa pamilyang Aquino at sa
sambayanang Pilipinas sa pagapanaw ng dating lider.

"For the past twenty years, President Cory worked closely with the U.S. Embassy in helping to select the
annual recipients of the Ninoy Aquino Fellowships given for public service and journalism.  We will deeply
miss her personal warmth and her tireless zeal on behalf of talented Filipinos emerging as leaders in those
fields. Our deepest sympathy, thoughts, and prayers are with the Aquino family and all those who, like us,
loved her,” ani Kenney.

Pangulong Arroyo uuwi ng maaga sa Pilipinas para kay Cory

Mapapabilis ang pananatili ni Pangulong Arroyo sa Estados Unidos,  dahil babalik din kaagad ito sa Pilipinas
para makaisa sa pagluluksa ng mga Pinoy sa pagpanaw ni dating Pangulong Cory Aquino.
Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita na na magsasagawa siya ng announcement bukas, alas onse
ng umaga, oras sa Pilipinas kung anong bahagi ng biyahe ang kakanselahin.
Sa schedule o itinerary ng Pangulo na nakuha magkakasunod ang kanyang ang meeting sa mga negosyante
at mayroon pa itong interview sa CNBC.
Ayon kay Ermita, posibleng aalis pabalik ng bansa si Pangulong Arroyo sa gabi ng Sabado, Linggo sa
Pilipinas dahil nakatakda lamang itong makipagkita sa mga OFWs sa Chicago at Guam sa Agosto 5.
 
“We thank God for giving us Cory,” - Speaker Prospero Nograles
“We thank God for giving us Cory,” ani Speaker Prospero Nograles.

Nagdadalamhati  ngayon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagpanaw ni dating Pangulong
Corazon Aquino kaninang madaling araw dahil sa sakit na colon cancer.

Ayon kay Nograles, hindi lamang sa buong bansa,  maging sa buong mundo pinapahalagahan ang
kontribusyon ni  Ginang Aquino para makamtan ng Pilipinas ang tinamasang demokrasya.

Inilarawan pa ni Nograles si Former President Corazon C. Aquino na isang matapang, tapat at mababang
loob na nagbigay ng pag-asa at inspirasyon sa bawat Pilipino para lumaban upang maibalik ang kalayaan at
demokrasya sa bansa.

Malaking kawalan  sa Pilipino ang pagpanaw ng ina ng demokrasya sa bansa, nanghihinayang din si  
Nograles sa pagkawala ng isang lider na may takot sa Diyos, mapagmahal na Ina, at isang simpleng at
odinaryong na nakagawa ng kahangahangang bagay para sa iba.


“Catapulted to the highest office of the land, whether by design or by destiny, former President Cory was a
blessing to the presidency,”  anang lider ng Kamara.

Tinitiyak naman ni Rep. Liza Maza ng Gabriela na hindi na masasayang ang pinaglaban ni Ginang Aquino
makatamtan lang ang demokrasya sa bansa.

Iginiit din ng Kongresista sa lahat ng binigyan ng inpirasyon ng yumaong Pangulo na huwag hayaan na
muling mamayani ang diktadoryang lipunan sa bansa.

“Up to the last days of her life, she has been one with the people in calling for change. She served as an
inspiration to millions of Filipinos who dare to challenge and oppose the existing bankruptcy of the Arroyo
administration,” ani Maza.

Kinararangal naman ni Muntinlupa Rep.  Ruffy Biazon ang pagkakataon na nagkakakilala sila ng personal ng
dating pangulong Aquino.

“ she is, was, and always will be a great and noble Filipino,” dagdag pa ni Biazon.
 
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us