Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
2008 Filipino Image Magazine
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Click to read the
2008 FILIM
Magazine
FVR pinagbibitiw na sa Lakas-Kampi-CMD
 
PINAGBIBITIW ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod si dating Pangulong Fidel Ramos sa Lakas-Kampi-CMD.

Pinaliwanag ng Kongresista na kung hindi kakalas ang dating Pangulo, magmumukha lamang umanong
nag-iinarte si Ramos dahil may hinihinging pabor sa pamahalaan.

Binalaan naman ni Maglunsod ang mamamayan na huwag magpadala sa hakbangin ni Ramos na
pagtanggi sa posisyong chairman emeritus na inaalok ng Lakas-Kampi.

“His statements against the merger of Lakas-CMD and Kampi might be construed as mere political
positioning.  Is he asking for something?” saad ni  Maglunsod.

Ang pinagtatakahan pa ni Maglunsod bakit hinayaan ni Ramos na umabot pa ng tatlong buwan ang desisyon
nito sa inaalok sa kanya ng partido.

“It would be fair to us that he (Mr.  Ramos) should show some concrete actions that he is indeed against the
administration.  With this(withdrawal of support), he can show his sincerity,” ani Maglunsod.

Naniniwala naman si Bayan Muna Rep. Satur Ocampo na hindi iiwan ni Ramos ang Kampi-Lakas-CMD dahil
“VR in his very senior years would not want to break away from the
party (the now defunct Lakas-CMD) he founded and now controlled by
GMA.  With his post being honorary (emeritus), that explains why he
grumbles but makes no clean break from GMA.”
 
Partido ng mga sabungero hindi uubra sa Kongreso
 
AYAW ng mga Militanteng Kongresista na magdagdaga sila ng kapwa partylist Representative na ang
kinabubuhay ang sugal na sabong.

Imbes na bigyan ng puwesto sa Kongreso, masdapat pa nga  umanong baklasin ang mga sa Kongreso ang
protector ng iligal na sabong ayon kay  Bayan Muna Rep. Teddy Casino.

Nananawagan pa si  Casino  sa  Commission on Elections(Comelec) na maging mapanuri sa pag-apruba
sa aplikasyon ng partylist upang hindi lumabas na katawatawa ang eleksyon pagdating sa partylist system.

“The Comelec should disapprove it. Cockfighters are already overrepresented in Congress and the
government.  In fact we should reduce the number of sabungeros and their protectors in the House,” dagdaga
pa ni  Casino na nagdeklara na tatakbo sa pagka-senador.

Matatandaan na naghain ng aplikasyon ang Alyansa ng mga Sabungero upang subukang makasungkit ng
upuan sa Kongreso.

Pinadidiskuwalipika naman ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan ang mga partido katulad ng  Sabungero.

Pahayag pa niya, “Dapat lang (na ma-disqualify). Sa dami at sa maling punto de vista tungkol sa party-list,
ang Comelec ay dapat sobrang ingat (dahil) bastardized na nga PL (party-list) system. Tutol ako sa
sabungero at sa iba pang grupo na hindi marginalized at hindi sinasaad sa Constitution.”
 
Sec. Reyes dapat ng maningil ng talent fees sa Big 3
 
DAPAT na umanong maningil ng talent fees si Department of Energy Sec. Angelo Reyes, bilang abogado ng
tatlong higanteng kumpanya ng langis.

Sa pasaring na pahayag ni Bayan Muna Partylist Rep. Teddy Casino, sa haba umano ng panahong
pagtatanggol ni Reyes Pilipinas Shell, Chevron, at  Petron Corp. marapat na umanong maningil talent fees
ang Gabinete ng Pangulo.

“dapat maningil na sya sa laki ng serbisyo nya sa mga oil companies,” ani Casino.

Sinabi pa ni Casino, na imbes ang taumbayan ang pinagtatangol ni Reyes,  interes ang 3 higanteng
kumpanya langis ang inatupag ng Sekretaryo.

Tugon naman ni Casino sa katanungan na maliban sa pagsibak sa sekretaryo “ ipako sa krus? Masaya na
ako pag nagtanggal siya sa puwesto.

Matatandaan na tinawag ni Reyes si NEDA Sec. Ralph Recto na sinungaling matapos ipagpilitin ni Recto na
walong piso ang sobrang singil sa presyo ng langis ng Big 3.

Nauna dito,  pinagsabihan din ni Reyes ang Uniol sa umano’y hindi makatarungang pagbaba ng presyo ng
kanilang produtong petrolyo sa kabila ng kasagsagan ng pagtaas ng presyo ng langis ng Big 3.
 
Gov. Panlilio pinatatakbo na lang muli sa pagka-Gobernador imbes sa pagkapangulo
 
PINATATAKBO muling Governador ng Pampanga si Gov. Ed Panlilio ng isang Kongresista upang
mapatunayan ng dating Pari na hindi talaga ito nandaya sa nakalipas na eleksyon.

Ito ay matapos na ibasura ng Commission on Election (Comelec) ang kanyang petisyon na ipatigil ang
recount ng boto sa Pampanga.

Pinayuhan ni Nueva Ecija Rep. Edno Joson si Panlilio na imbes na tumakbo sa pangpanguluhang halalan,
mas mainan umano na magtuloy-tuloy na lamang si Panlilio sa pagiging Gobernador, upang patunayan sa
kanyang mga kadistrito na hindi pandaraya ang dahilan kung bakit siya nanalo.

“ karaniwang lang sa mga losing battle yung moral victory ang mahalaga so pagnapakita niya na talagang
dinaya lang talaga siya o kailangan maipakita niya talagang hindi siya talaga nandaya huwag sa
presidential,” ani Joson.

Pinaliwanag pa ni Joson na kung tatalon sa pagkapangulo si Panlilio sa 2010  eleksyon, “paano niya
papapatunayan na hindi siya nandaya,  kailagan laban niya mag all the way, hindi puwede nyang sabihin na
wala siyang resources kaya ang sasabihin niyan nagpapatalo siya sa forces of evil.”

Nauna ng sinabi ni Joson na napakahalaga na mapatalsik si Panlilio bago sumapit ang eleksyon dahil
kabilang umano sa mahalagang sangkap ng eleksyon ang kapangyarihan ng lokal na pamahalaan.

“Siyempre iba na ang nakaupo yung kasama mo so yung control ng palaka, (partido ng Lakas Kampi) sa
2010 nasisigurado mo kapag ikaw ay may hawak ng kapitolyo ang proseso either ang manual o automated
eleksyon, lalo na kapag manual,” anang Kongresista.
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us