THE 16th TOFA ANNUAL EVENT
|
| |
Washington, D.C., August 30 (PinoyGlobal) – Ang ika 16 na taunang pagdiriwang ng TOFA ay nagsimua ng Huwebes, 27 ng Agusto at nagtuloy-tuloy ng ika 30 ng Agusto taong kasalukyan. Ang nasabing pagdiriwang ay maikukunsiderang pinakamahusay, magarbo at pinaka-eleganteng pagdiriwang para sa mga Pilipino, dahil na rin sa pagdalo ng mga nirerespeto at kinikilalang indibidwal maging ng mga pamilya na bumubuo sa mga kumunidad ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang panig ng United States, Canada at Great Britain.
"sa ngayon, ito ang pinakailigante, pinaka organisado at pinakadinaluhan ng "Who Is Who" mula sa Filipino community, hindi lamang sa Eastern Seaboard, pero sa buong kuntinente ng Amerika." Saad ni Dominador "Ador" Carreon, isa sa dalawapung (20) nabigyan ng awards at Pinuno ng mga Pilipino sa lugar ng Washington, D. C..
Nagsimula ang pagdiriwang TOFA Huwebes ng gabi sa Mendoza's Presidential Suite sa pabulusong J.W. Marriott Hotel, na sinundan ng V.I.P. Luncheon kasama si Major General Tony Taguba bilang pangunahing tapagsalita ng sumunod na araw ng Biyernes ika 28 ng Agusto.
Sa gabi din iyon, nakumpleto ang Dinner Reception sa Philippine Embassy sa pamamagitan ng masarap na tradisyunal na "lechon".
29 ng Agusto,umaga ng Sabado nagkaroon naman ng V.I.P. Tour sa makasaysayang monumento ng District para sa "photo op", at naging pormal ng naman ang pagdiriwang pagsapit ng gabi para Gala Banquet and Ball na dinaluhan ng marami, habang pinakulay naman ng mga Pangulo ng iba’t ibang kuminidad ng mga Pilipino ang nasabing pagdiriwang.
"nakalulugod na makita ang mga lider ng mga Kuminidad ng mga Pilipino sa Metropolitan Washington, D.C. na nagsasaya at bumubuo ng kahanga-hangang pakikipagkaibigan, tanging si Nonoy Mendoza lamang ang may kakayanan na mapagkaisa ang mga Pilipino (sa iba’t ibang panig ng bansa)." Pahayag pa ng isang senior staff members mula sa Philippine Embassy na humiling itago ang kanyang pakikilanlan.
Kinabibilangan ng 2009 TOFA Awardees sina:
• Zeny Almario - Paterson, New Jersey • Emmie Ortega Anderson - Honolulu, Hawaii • Angel Arando - London, England • Dr. Tris S. Briones - Newburgh, Indiana • Ador Carreon - Ft. Washington, MD • George Daria - Virginia Beach, VA • Eileen DeCesare - Vienna, VA • Federico B. Gimenez - Vacouver, B.C., Canada • Dr. Arlene Marie A. Lorica-Washington, D.C. • Erlinda Sayson Limcaco - Blackwood, NJ • Danny Mateo - Molakai, Maui, Hawaii • Luz Sapin Micabalo - Las Vegas, Nevada • Gus Mercado - Dallas, Texas • Sally O'Connor - New Orleans, Louisiana • Belle Owens - Baltimore, MD • Tony Pizarro - San Diego, California • Maricel Lichauco Quiroz - Chicago, Illinois • Dr. Jess Socrates - Hanover, Pennsylvania • Dr. Francisco Santos Sy - Bethesda, MD • Grace Valera - Arlington, VA
|
|