Seguridad sa libing ni Ka Erdy, pinatitiyak
|
| |
INAASAHAN na dagdagsain ng mga tao ang libing ni Kapatid na Eraño G. Manalo, ang tagapamahalang pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo ngayon araw.
Dahil dito nanawagan si Ilocos Norte Rep. Ferdinand ‘bongbong Marcos Jr. sa otoridad na tiyakin ang kaligtasan ng mga makikiramay at makikidalamhati sa libing ni Ka Erdy.
Sa pagtataya ni Marcos na libu-libong mga miyembro ng INC ang nakatakdang makipaglibing ngayon araw, pero hinala ng Kongresista magandang pagkakataon din umano ito para samantalahin ng mga masasamang elemento.
“Maraming kotse ng mga nakikiramay ang nakaparada sa palibot ng Templo Sentral ng INC, kaya dapat lang na bantayan ito ng PNP dahil ito tiyak ang target ng masasamang elemento,” ani Marcos.
“Bukod sa mga pulis, dapat magbantay ding mabuti ang mga security personnel ng INC sa ilang grupo na maaaring manggulo sa kanilang hanay,” dagdag pa ng kongresista.
|
| |
Mag amang cong. Jose at Joey de Venecia at Jun Lozada pinasasama sa kaso vs. First Gentleman Mike Arroyo.
|
| |
PINASASABIT sa kaso ng isang Kongresista ang napatalsik na Speaker ng Kongreso na si Pangasinan Rep. Jose de Venecia Jr. at ang anak nitong si Joey, maging ang star witness na si Rodolfo ‘Jun’ Lozada, kung sakaling ipilit ng mga nagrereklamo na i-asunto si First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo sa $329- million National Broadband Network (NBN) deal.
Giniit ni Palawan Rep. Antonio Alvarez, spokesman ng Lakas-Kampi-CMD ang umano’y tangkang pag- impluwesya ng mag-amang de Venecia at ni Lozada sa makontrebersyal na proyekto.
“The three tried to pull some strings, cut corners, called up some people, offered enticements, and wrote incriminating letters,” ani Alvarez.
Dahil dito nararapat lamang umano na igawad kina de Venecia at Lozada ang posibleng ikaso din kay Arroyo.
Dagdag pa ni Alvrez na hayaan na lamang ang Korte kung sino ang nararapat na maging witness at ang posibleng makasuhan.
“So if you charge the First Gentleman, you charge everyone. And by the same standard, if you absolve one, you absolve all,” saad pa ni Alvarez.
Matatandaan na naghain ng motion for reconsideration sina Akbayan party-list Rep. Ana Theresia Baraquel at Lozada sa Office of the Ombudsman upang baligtarin ang naunang desisyon ng ahensya sa pag- aabsuwelto kay President Arroyo.
Sa 144 na pahinang desisyon ng Ombudsman nililinis nito ang Punong ehekutibo at ang unang ginoo sa $329-million broadband deal, pero inirekumenda na kasuhan sina ormer election chief Benjamin Abalos at ex-Socioeconomic Planning Secretary Romulo Neri.
|
| |
Gumahasa at pumatay sa magkapatid ng Chiong, makakalaya pagdating sa Spain - REp. Ilagan
|
| |
MAKAKALAYA si Juan ‘Paco’ Larrañaga kapag inilipat na ng kulungan sa bansang Spain.
Ito ang pangamba ni Gabriela party-list Rep. Luzviminda Ilagan na sa bandang huli kabiguan sa pagkamit ng katarungan ng pamilya Chiong dahil sa hakbangin ng pamahalaan na ilipat ng kulungan ang gumahasa at pumatay sa magkapatid na Jacqueline at Marijoy.
Maimpluwesya ang pamilya ng convicted na rapist kaya naniniwala si Ilagan na “hindi malayong baka pagdating doon, lumaya lang siya. Ang talo at kawawa dito ang Chiong family. Ang gobyernong ito ang masisi sa bandang huli.”
Hinala pa ni Ilagan na matinding-lobby umano ang ginawa ng pamilya Larrañaga, maging ng mga makapangyarihang politiko sa Cebu kay Pangulong Arroyo, kung kaya ganun na lamang ang pagpopursige ng Justice Department na ilipat na lamang sa Spain ang rapist na si Paco at dun tapusin ang natitira pang 14 na taon, anim na buwan at 28 na araw na jail sentence na dapat bunuin sa lupain ng dalawang pinay na pinatay ni Larranaga.
“Remember malaki ang nagawang tulong ng taga-Cebu kay GMA para manatili sa puwesto, second home niya iyon kaya bibigyan niya iyon ng special considerations, pagtanaw ng utang na loob,” dagdag pa ni Ilagan.
Magugunita na hinatulan ng pagkabilanggo si Larrañaga dahil kasong kidnapping, illegal detention, rape at homicide sa magkapatid na Jacqueline at Marijoy Chiong noong 1997.
Pero para kay Maguindanao deputy Speaker Simeon Datumanong, dating Justice Secretary bahagi ng “international obligation” ng Pilipinas ang pagpapadala kay Larrañaga sa Spain para dun taupusin ang kanyang sentensiya.
Paliwanag ni Datumanong na sakop ng RP-Spain Transfer of Sentenced Persons Agreement na niratipikahan ng Senado ang naging hakbangin ng Justice Department.
“That is provided for in a treaty so it is an international obligation,” ani Datumanong.
Pinagpapaliwanag naman ni Marikina City Rep. Marcelino Teodoro si Justice Secretary Agnes De vanadera sa makontrebersyal na pagpayag nito na ilipat ng kulungan si Larrañaga.
“The transfer of Larrañaga to a prison facility in Spain warrants clarification on the part of the DoJ. It should not pass as a mere process or clerical in nature for the DoJ, because of the gravity of the crime. It would be undue for the victim’s loved ones knowing that Larrañaga is out of the country,” giit ni Teodoro.
|
| |
WG&A pinasususpendi, dahil sa paglubog ng superferry 9, apat patay, 88 pa ang nawawala
|
| |
PINASUSUSPENDI ni Anakpawis Party-list Rep. Joel Maglunsod ang lahat ng commercial vessels ng WG&A Lines!
Matapos na lumubog kahapon ang superferry 9 sa Zamboanga del Norte, na may apat ng pasahero ang namatay at 88 nawawala.
“Mas mainam kung isu-suspend muna ng mga kinakuukulan ang operation ng WG&A hangga’t hindi tapos ang imbestigasyon kung ano talaga ang dahilan ng paglubog nito,” ani Maglunsod.
Pinakakasuhan din ng Kongresista ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagbibigay nito ng “go signal” sa barko, kung mapapatunayang may katotohanan ang paratang ng mga pasahero na overload ang Superferry 9.
“Hindi lang ang kapitan ng barko ang mananagot dito, kundi pati ang mga PCG dahil sila ang nagbibigay ng clearance sa kanilang paglalayag sa dagat,” dagdag pa ni Maglunsod.
Batay sa ulat, lumayag mula Gen. Santos City ang barko at patungo sana ng Iloilo nang tumagilid ito sa karagatan ng Zamboanga del Norte kahapon ng madaling araw, hanggang tuluyan ng lumubog.
Maliban sa pagsuspendi, hiniling din ni Maglunsod na inspeksiyunin ng mga kinauukulan ang lahat barkong pang-komersiyo ng WG&A kung may kakayanan pa bang maglayag ito o hindi.
“Karamihan kasi sa mga barko ngayon mga luma na, second hand nang nabili, mino-modernize na lang nila. Dapat siguro huwag na paglayagin ang mga barkong luma, para sa safety ng mga mananakay,” pagbibigay diin ni Maglunsod.
Habang sinusulat ang balitang ito, patuloy para ang mga otoridad sa paghahanap sa ibang pang pasaherong nawawala.
|
| |
House strengthens fight against global warming
|
| |
The House of Representatives has strengthened the country’s fight against global warming by approving on third and final reading the proposed Climate Change Commission.
The independent and autonomous Climate Change Commission created under House Bill 5982 shall act as the sole policy-making body of climate change-related activities of the government.
The measure empowers the Commission to recommend legislation, policies and budgets on climate change adaptation and mitigation activities.
Rep. Roilo S. Golez (2nd District, Parañaque City), one of the authors of the bill, said the measure aims to address the ever growing and urgent concerns on the impact of climate change, not only on the country but on other nations as well.
The House-approved measure recognizes the dangerous consequences of climate change, which include the increasing frequency of droughts, floods and storms and climate-related illnesses.
Rep. Carmelo Lazatin (1st District, Pampanga), another author of the bill, said climate change presents very serious global risks and demands an urgent global response.
The bill provides the need for the State to cooperate with the global community to resolve climate change issues.
“There is a need for the government and all sectors including the business sector and non-government organizations to prepare for and reduce the adverse effects of climate change,” Lazatin said.
The bill likewise adopts a framework for climate change that will serve as basis for planning and research as well as monitoring of activities to protect communities vulnerable to the effects of climate change.
The measure is a consolidation of five House bills and 6 resolutions.
The co-authors of the bill are Reps. Jose Carlos V. Lacson (3rd Dist., Negros Occidental), Thelma Z. Almario (2nd Dist, Davao Oriental), Orlando B. Fua, (Lone Dist., Siquijor) Cynthia A. ViIlar (Lone Dist., Las Piñas), Ignacio T. Arroyo (5th Dist., Negros Occidental), Rex Gatchalian (1st Dist., Valenzuela City), Narciso Santiago III (PL-Alliance for Rural Concerns), Proceso J. Alcala (2nd Dist., Quezon), Arthur Defensor Sr. (3rd Dist., Iloilo), Diosdado M. Arroyo (1st Dist, Camarines Sur), Belma A. Cabilao (1st Dist., Zamboanga Sibugay), and Erico Basilio A. Fabian (2nd Dist., Zamboanga City), among others.
|
| |
| |
|