49 na survivors ng superferry 9 nakauwi na
|
| |
NAIS patawang ng mabigat na parusa ng isang Militanteng Kongresista ang Philippine Coast Guard sa umano’y kapabayaan ng ahensya, na mahadlangan ang isang barko na lumayag sa kabila na masama ang panahon, overloaded at may sira ang barko.
Naniniwala si Anakpawis Rep. Joel Maglunsod na kung ginagawa lamang umano ng Coast Guard ang kanyang trabaho, mahahadlangan sana ang mga aksidente sa karagatan kung sa pantalan pa lamang ay lubos na iinspekyon ang barko.
“yung superferry 9, eh nasa pantalan palamang sinasabi na ng mga pasahero eh, nakatagilid na yung barko, bakit hindi ito pinigilan ng coast guard?” pagtataka ni Maglunsod.
Dahil dito, pag-aaralan ni Maglunsod kung posibleng pasanin din ng ahensya na namamahala sa paglalayag sa karagatan ang mga aksidente at trahedya sa karagatan, partikular na ang barkong nanggaling sa nasasakupan nilang daungan.
“pag-aaralan natin kung magkasingbigat na parusa ang papasanin ng opisyales ng coast guard na namamahala sa fort area na pinanggalingan ng barko na lumubog, sa magiging parusa ng mga may ari ng shipping company,” pahayag pa ni Maglunsod, “dapat suspendihin kaagad ang opensyales ng coast guard na nagbigay ng permit sa barkong lumubog.”
Tinuligsa din ng Kongresista ang shipment company na tila walang pag-aalala sa mga pasahero nito, dahil sa katwiran na nasasakop naman ng insurance ang mga pasaherong tumatangkilik sa kanila.
“ang laging palusot nila, may insurance naman yung mga pasahero nila, parang ang buhay ng tao ay kasing halaga lang ng insurance,” anang Kongresista.
Inalala din ni Maglunsod ang MV princess of the star na hanggang ngayon ay tila masamang tanawin pa rin sa baybayin ng Romblon na matatandaan na binigyan ng permit na lumayag sa kabila na may bagyo.
“kasi ang hinahabol ng mga shipping lines ay kumita ng malaki hindi na mahalaga ang buhay ng mga pasahero nila,” dagdag pa ni Maglunsod.
Iminungkahi din ng Kongresista na ang Gobyerno na lamang ang mamahala sa shipping lines sa bansa dahil naniniwala ang Kongresista na “kapag ang gobyerno ang namamahala sa shipping lines maiiwasan ang trahedya tulad ng pag-overload ng barko, dahil ang mga private company ng mga barko ang hinahabol nila ang kumita ng malaki.”
Samantala nakauwi na ang 49 na unang batch ng mga survivors sa lumubog na superferry 9 sa Iloilo na kinabibilangan nina;
Levy Tupas- 56 Reymund Terado- 2 months Romeo Gonzaga- 36 Maricel Terado- 13 Eugenio Ganahay- 53 Llian Bermejo- 31 Iirene Samis- 89 Rose Abañe- 38 Henry Emboltorio- 25 Moreno Barselona- 28 Bernardo Lustre- 65 Angelica Marie Gonzaga- 1 yr. old Marife Pronogo- 21 Benedicta Sorongon- 47 Nilda Jumbra- 63 Benny Lopez- 50 Anthony Laraño- 30 Netchie Laraño 27 Adrian Clyde Laraño- 3 Joed soriano- 49 Flodelyn Matulac- 49 Merlinda Ordonia- 52 Juliana Caspe- 4 yrs old Sherly Caspe- 31 Flordeliza Pamonag- 56 Emeliano Segurigan- 56 Marila Deocampo- 65 Clara Jumanay- 65 Eufemia Orbina- 64
|
| |
Deptury National Security Adviser Chavit Singson, kailangan ng Psychiatrist
|
| |
Psychiatrist, hindi abogado!
Ito ang payo ni Gabriela party-list Rep. Luzviminda Ilagan kay Deputy National Security Adviser Luis “Chavit” Singson na masmainan na kumuha na lamang ng Psychiatrist keysa ng abogado kaugnay sa kinakaharap nilang kongtrebersya.
Binigyan diin ni Ilagan na dapat sumailalaim sa counseling ang dating gobernador bilang “batterer”, upang maliwanagan umano ang kanyang isipin hingil sa mga mali na kanyang ginagawa.
“Sa tingin ko, he needs a psychiatrist, not a lawyer. He must undergo intensive counseling because he is the perpetrator of the crime,” ani Ilagan.
Dagdag pa ni Ilagan, “Iba kasi ang standard ng morality sa kanya hindi tulad ng common people. Dahil may power siya, mataas din ang standard niya, kaya kahit mali ang kanyang ginawa, sa tingin niya tama.”
Nanindigan naman si Singson na hindi siya magbibitiw sa kanyang posisyon, dahil wala naman umano epekto ang kanyang problema sa kanyang trabaho.
Dahil tinawag ni Ilagan si Singson na “Wala lang siyang delikadesa o kahihiyan kaya niya nasabi iyon.”
Kinaiinis pa ng Kongresista ay umano’y tila pagmamalaki ng dating gobernador na naging “behave” siya sa pangyayari, at hindi niya pinatay si Tiongson at ang kinakasama nitong lalaki.
“Irresponsible statement, dapat ba niyang ipagmalaki iyon? Parang sinasabi niya na dapat magpasalamat pa ang live-partner niya dahil hindi siya pinatay nito. Maling katuwiran yan,” paliwanag pa kongresista.
Hinamon naman ni Akbayan Rep. Ana Theresia Baraquel-Hontiveros ang pamahalaan na suspendihin si Singson, dahil sa pananakit nito sa kayang ka live in partner na si Rachael “Che” Tiongson at isang Richard Catral.
“Dapat isuspinde nila si Singson, kasuhan siya administratively at Suportahan si Tiongson kung kakasuhan niya si Singson sa ilalim ng Anti-Violence Against Women and their Children Act,” ani Baraquel-Hontiveros.
|
| |
House panel approves National Teachers’ Day
|
| |
The country will soon join the rest of the world in the observance of World Teachers’ Day with the approval of a bill by a House body setting aside a day honoring teachers.
The House Committee on Revision of Laws, chaired by Rep. Giorgidi B. Aggabao (4th District, Isabela) has approved a bill observing a National Teachers’ Day in the country.
House Bill 5476 sets aside October 5 for the celebration of the National Teacher’s Day, which serves as “a testament to the dedication and commitment of teachers worldwide.”
Aggabao said more than 100 countries now celebrate World Teachers Day.
The United Nations Educational Scientific and Cultural Organization (UNESCO) first inaugurated the World Teachers’ Day in 1994 to commemorate the signing on October 5, 1966 of the Joint UNESCO-International Labor Organization (ILO) recommendation concerning the status of teachers.
Aggabao said that World Teachers’ Day promotes and protects the teaching profession.
The joint UNESCO and ILO document became the basis for the enactment of R.A. 4670 or the Magna Carta for Public School Teacher.
Aggabao said the bill believes teachers should be prized and given just recognition for their important role in molding the youth.
The bill mandates the creation of a National Teacher’s Day Committee, chaired by a Department of Education representative, to plan and conduct the activities for this annual event.
The bill mandates all schools, colleges and universities to support the commemoration of National Teacher’s Day.
Co-authors of the bill are Reps. Satur C. Ocampo, and Teodoro A. Casino (Partylist, Bayan Muna), Teofisto L. Guingona III (2nd Dist., Bukidnon), Cynthia A. Villar (Lone Dist., Las Piñas City), Ma. Laarni L. Cayetano (1st Dist., Taguig City-Pateros), Luzviminda C. Ilagan (PL-Gabriela), Liza L. Maza (PL-Gabriela), and Rafael V. Mariano (PL-Anakpawis).
|
| |
| |
|