SWS survey sa unemployed pinagmalaki
|
| |
PINAGMALAKI ng ng mga Kongresista mula sa Administrasyon ang panibagong Social Weather Stations (SWS) survey, na nagpapakita ng positibong pananaw para sa pagganda ng Ekonomiya.
A
Sa bagong SWS survey bumaba sa 25.9% ng buwan ng Hunyo ang unemployment rate sa bansa mula sa 34.2% ng buwan ng Febrero.
Sa paniniwala ni Rep. Pedro Romualdo (Lakas-Kampi-CMD, Camiguin) hinihikayat ng survey ang Pangulong Arroyo na lalong ituon ang atensyon sa paglikha ng mga trabaho at paghandaan ang global recession mula sa pagtama nito sa bansa.
“The government with its Economic Resiliency Plan prioritizes emergency employment or livelihood creation and preservation. We should sustain this and focus on other activities that can create the most number of jobs while allowing government to improve our people’s lives,” Ani Romualdo, chairman ng House committee on good government and public accountability.
Inalala din ni Romualdo ang State of the Nation Address (SONA)ng Pangulo na tiniyak nito ipapa-prayoridad ng gobyerno ang matagalang solusyon para sa mga walang trabaho.
“The positive development in our employment front makes it compelling for every one of us to support the President’s agenda,” ani Romualdo.
Binigyan diin naman ni Rep. Jeci “Bong” Lapus (Lakas-Kampi-CMD, Tarlac), na makikita sa survey ang pagiging epektibo ng pamahalaan Arroyo sa paglikha ng trabaho para sa mamayan.
“It cannot be denied that government’s job creation and preservation programs are helpful in reducing unemployment in the country,”ani Lapus.
Nanawagan naman ang Kongresista sa Kamara na agarang ipasa ang 2010 national budget upang hindi mahadlangan ang pagpapatupad ng mga livelihood at infrastructure projects na pinakamahalagang sangkap para makalikha ng trabaho.
|
| |
Mga sumagip sa mga survivors ng superferry 9, dapat parangalan
|
| |
NANAWAGAN ngayon ang ilang Kongresista kay Pangulong Gloria Arroyo maging sa pamunuan ang Philippine Navy na bigyan ng pagkilala ang mga sundalo, na agad na tumugon sa tungkulin, maging ng mga pribadong vessel na nagresulta ng pagkakasagip ng maraming pasahero ng lumubog na superferry 9.
Ayon kay Manila Rep. Buenvenido Abante nararapat lamang umano na bigyan ng parangal ang mga kagawad ng Navy at ang ibapang sumaklolo sa mga survivors ng superferry 9, upang lalong magsumikap ang mga kagawad ng Navy na gampanan ang kanilang tungkulin.
Nilinaw naman ng Kongresista na tanging ang Pangulong Arroyo lamang o ang pamunuan ang Hukbong pandagat ng bansa ang maari maggawad ng posibleng parangal sa mga tumugon ng sa panawagan ng tulong ng mga survivors.
“dapat lamang(bigyan ng award) upang sila ay lalong ma-motivate to do their best,” dagdag pa niya “Only PGMA can do it or the coastguard.”
Naniniwala naman si An waray Rep. Bem Noel na nararapat lamang umano na kilalanin ang mabilis na pagresponde ng Navy at ng ibapa na nagresulta ng pagkakasagip ng halos 926 na pasahero at crew ng barko ng Superferry 9.
“dapat i-acknowledge natin ang mabilis na pagresponde ng Philippine navy,” ani Noel.
Maliban sa Navy ayon sa Philippine Coast Guard nakapagsagip din ng mga pasahero ang MV Ocean Integrity na nakasagip ng 265 na survivors, MV Myriad 446, 170 ang nasagip ng Philippine Navy, 26 sa fishing boat Sierra at 19 sa fishing boat Julius.
|
| |
Lakas-Kampi-CMD magdedeklara sa Oktobre
|
| |
MAGDEDEKLARA na sa susunod na buwan ang partido ng Lakas-Kampi-CMD kung sino ang dadalhin nilang standard bearer sa 2010 presidential election.
Ayon kay Zambales Rep. Milagros ‘mitos’ Magsaysay, malamang sa kalagitnaan ng Oktobre magdeklara ang partido ng kung sino ang ipangtatapat ng partido sa mga pambato ng oposisyon.
“The leadership claims mid october,” ani Magsaysay sa katanugan kung kalian sila magdedeklara ng kanilang standard bearer.
Dagdag pa ni Magsaysay na sa proseso na ngayon ng pagpili ang lapian sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga wannabe presidential candidate kung seryoso silang tumakbo sa ilalim ng partido ng administrasyon.
Pagkatapso nito giit pa ng Mambabatas saka lamang magkakaroon ng regular na konsultasyon sa mga miyembro ng partido kung sino ang napupusuan nilang maging standard bearer ng Lakas-Kampi-CMD.
“According to them(lakas-kampi-cmd officials) fina-finalize nila yung selection process by asking the post candidates if they are serious in being the standard bearer. Next there will be a regular consultation who we want among the post candidates,” ani Magsaysay.
Sa ngayon sila Defense Sec. Gilbert Teodoro at MMDA Chairman Bayani Fernando pa lamang ang naninindigan na tatakbo sila sa pagkapangulo sa ilalim ng partido ng Pangulong Arroyo.
Samantalang si Vice President Noli de Castro ay nanatiling tahimik sa plano nito sa susunod na eleksyon.
|
| |
sensiridad ng NPA sa peace talks kadudaduda
|
| |
DUDA si dating naval officer at kasalukuyang Kongresista na sersyoso ang National Democratic Front-New People’s Army (NDF-NPA) na makapag-usap sa Gobyerno upang pag-usapan ang kapayapaan.
Dahil dito, hinamon ni Cavite Rep. Joseph Emilio Aguinaldo Abaya, a graduate ng United States Naval Academy na linaw ng NDF-NPA kung interesado ba silang humarap sa pamahalaan para tapusin na ang apat na dekadang makakumunistang rebelyon sa bansa.
Naniniwala si Abaya, apo ng bayaning si Gen. Emilio Aguinaldo sa sensiredad ng Government Republic of the Philippines (GRP) panel na pinamumunuan ni presidential adviser on the peace process Avelino Razon Jr. na iporsige ang usapang pangkapayapaan, pero “I am starting to doubt if the NPA is really open to it.”
“First of all there should be genuine sincerity from both ends. Without which, this will end up same as previous ones,” dagdag pa ni Abaya, secretary general the Liberal Party (LP).
Umapila naman si Anak Mindanao Rep. Mujiv Hataman sa pamahalaan at NDF na habaan pa nila ang kanilang pagsusumikap upang mabigyan ng pagkakataon ang kapayapaan sa pagitan ng mga rebelled at Gobyerno.
“I appeal to both parties, the government and NDF panels to please do everything to break the impasse on peace talks for the greater good of the country,” ani Hataman.
|
| |
Vice President Noli de Castro malabo maging standard bearer ng administrasyon
|
| |
HINDI magiging standard bearer ng Lakas-Kampi-CMD si Vice President Noli de Castro.
Ito ang paniniyak ni Lanao del Sur Rep. Abdullah Dimaporo ng Lakas-Kampi-CMD na hahadlangan niya ang posiblidad na maging standard bearer ng administrasyon si de Castro.
Giniit din ng Kongresista na maliban sa hindi kabilang sa partido si de Castro, hindi naman ito nagdedeklara na aanib sa pinakamalaking partido sa bansa.
“No, (he should) not (run) under administration party. Many will bolt out of the party on issue of lack of leadership. He has fans, but no leaders who would mobilize his fans,” ani Dimaporo.
Kung sakaliman na tumugon si de Castro sa naging hamon ni Presidential Political Adviser Gabriel Claudio, secretary-general of Lakas-Kampi-CMD na meron na lamang isang linggo o hanggan September 15 ang pangalawang pangulo upang magdeklara kung sasama ba siya sa selection process upang maging administration’s standard-bearer ang sagot ni Dimaporo,“Of course I will not vote for him, he is not Lakas.”
Malaking pag-asa naman ang nakikita ni Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo I, miyembro ng partido, kung sakaling lumaban si de Castro sa pangpanguluhan halalan sa ilalim ng partido, dahil hindi umano nagkakaisa ang oposisyon sa dami ng kanilang kandidato.
“ With opposition hopelessly divided, administration bet can make it on top of the heap,” pahayag pa ni Gunigundo.
Sinisisi naman ni Manila Rep. Bienvenido Abante si de Castro sa “ dilly-dallying attitude” na nagresulta ng pagkadismaya sa kanya ng maraming miyembro ng Lakas-Kampi-CMD.
“He has to make up his mind if he wants to lead the party to victory and it must be soon,” dagdag pa ni Abante.
|
| |
| |
|