Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
2008 Filipino Image Magazine
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Click to read the
2008 FILIM
Magazine
SEn. Noynoy Aquino nagdeklara na
 
“May the best man win.”

Ito ang naging  tugon  ng lapian ni Sen. Manny Villar pambato ng Nationalista Party(NP) sa pangpanguluhang
halalan, matapos na magdeklara si Sen. NoyNoy Aquino ng Liberal Party(LP) sa pagkapangulo sa susunod
na eleksyon.

Sinabi ni NP spokesman Gilbert remulla hindi nababahala ang lapian sa naging pasya ni Aquino, bagkus
“Ang NP ay tuloy tuloy lamang sa ginagawang pagpapalakas ang aming lapian at kandidato.  Hindi na
naming pinagkaabahalahan ang ibang partido at kandidato”.

Nirerespeto naman ng partido ang naging pasya ni Aquino na isang bagay na panloob na usapain ng LP.

Bagkus paghahandaan na lamang NP  ang nakatakdang convention ng lapian  para pormal na  madeklara
ang lahat ng kandidato pang national at local ng partido ng Nationalista.

“Welcome” naman ang tugon ni Speaker Prospero Nograles sa pagdedeklara ni Sen. Aquino sa
pagkapangulo.

“With highest respect and best wishes of good luck good health and god bless you, I personally welcome the
formal entry of senator noynoy into the presidential race,” ani Nograles.

Naniniwala si Nograles na malaking bentahe ng Senador ang pangalang na pinamana ng kanyang mga
magulang  na nakatatak na sa kasaysayan.

“Historically he carries the good name of his revered parents cory and ninoy,” saad ni Nograles.

Ganun paman, tiniyak ni Nograles na hindi nababahala Lakas-Kampi-CMD party sa pagsabak ni Aquino sa
pangpanguluhang halalan, bagkus magandang pagkakataon umano ito para sa magiging pambato ng
administrasyon dahil hanggang ngayon hindi parin nagkakaisa ang partido.

“But I find that this new development  will really affect the opposition groups more than it does the
administration party,”  dagdag pa ni Nograles.

“He is intelligent, competent, and most of all, has integrity,”  ganito naman inilarawan ni Muntinlupa Rep.  
Raffy Biazon si Sen. Aquino.

Naniniwala si Biazon na kung tatanggapin ni SEn. Mar Roxas ang alok ni SEn. Aquino hindi na umano
matitinag pa sa 2010 ang eleksyon.

“a team that will perform and a team that the people can trust,” dagdag pa ni Biazon.
 
JDV at FVR pumapel
 
PAGPAPEL lamang para makabalik sa kapangyarihan sina dating Pangulong Fidel Ramos at dating Speaker
at Pangasinan Rep. Jose de Venecia kung bakit kumalas sila sa partido ng Pangulo ang Lakas-Kampi-CMD.

Sinabi ni Anakpawis party-list Rep. Joel Maglunsod normal lamang umano kina de Venecia at Ramos na
maghangad na makabalik sa poder ng kapangyarihan, dahil mahalaga umano na muli silang makabalik sa
pangangalaga ng pamahalaan, upang maituloy ang kanilang pangsariling interes.

Matatandaan na nagkaroon ng pagpupulong ang tinguriang lakas originals na pinamumunuan ni de Venecia
at Ramos, upang pag-usapan ang pakikipag-alyansa sa ibang partido sa para sa darating na eleksyon.

“It is normal for JDV and FVR na mag-spire na makabalik sa poder ng kapangyarihan dahil wala sila sa loob
ng kulambo ng gobyerno. Gusto lang nila na magtuloy-tuloy ang kanilang interes,” ani Maglunsod.

Tiniyak naman ng mga miyembro ng Lakas-Kampi-CMD na hindi makakaepekto ang 50 original members ng
Lakas na kasama nila de Venecia at Ramos sa pinagsamang puwersa ng Lakas-Kampi-CMD.

Giniit ni  Palawan Rep. Antonio Alvarez, spokesman ng Lakas-Kampi-CMD, gusto lamang pumapel nila De
Venecia upang maipakita na may powersa pa rin siya sa Lakas upang ma-justify ang kanyang posisyon sa
nasabing merger.

“This is only JDV’s political show to support his petition before Comelec against the merged parties. He
wants to make it appear that Lakas is still there, otherwise he can’t justify his opposition to the merger,” ani
Alvarez.

Binalewala naman ni Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino, stallwart ng Lakas-Kampi-CMD, wa-epek umano
ang “show of force” ng grupo ni De Venecia.

Sa katunayan sa dami umano ng miyembro ng partido, ayon kay Antonino “Ang political situation of Lakas-
Kampi-CMD ay parang isang balde na puno ng tubig, kaunting yugyog sa balde, umaapaw ang tubig kasi
sobra-sobra at punong-puno ng mga miyembro ng partido.”

Tiniyak naman ni Speaker Prospero Nograles na nanatiling solido ang lapian ng Lakas-Kampi-CMD sa
kabila ng pag-iingay umano nila de Venecia na tinaguriang ‘renegade’ ng dating Lakas.

“Also that FVR when interviewed said he only attended a social gathering of former party mates and he wont
comment till the comelec decides on the legality of the merger,” dagdag pa ni Nograles.
 
NPC wala pa ring pambato sa 2010 eleksyon
 
SAKABILA na kumpirmado na si Liberal Party Standard bearer Sen. Noynoy Aquino, nanatili pa ring walang
pambato ang Nationalist People’s Coalition (NPC) para sa 2010 presidential elections.

Ayon kay NPC spokesman Rep. Rex Gatchalian ng Valenzuela City, na kung pagbabatayan ang resulta ng
survey, nanatiling sina Senators Chiz Escudero at Loren Legarda ang nanatiling pambato ng lapian sa
halalan.

Tiniyak din n Gatchalian na pagnakumpleto na ang selection process agad na ihahayag ng lapian ang
kanilang ipanglalaban sa pangpanguluhang halalan.

Pinabulaanan naman ni Gatchalian na walang basehan ang naging pahayag ni Agusan del Sur Rep. Rodolfo
Plaza na nagbigay na si Senator Loren Legarda kay  Senator Chiz Escudero para maging standard bearer ng
NPC.

“While the NPC has in its fold two of the presidential candidates who have the best possible chances of
winning in the next year’s elections, I would like to point out that we are still in the process of selecting our
standard bearer.” Paglilinaw ni Gatchalian.

Pero ayon kay Cong. Plaza “statement was taken out of context by the reporters who filed the story."  

Naniniwala naman si Gatchalian na mananatili ang katapan nina Escudero at Loren sa partido ano man ang
kalalabasan ng selection process ng partido.

“A Chiz-Loren or Loren- Chiz tandem will be formidable, and we are confident that they have a great chance of
pulling it off in 2010,” dagdag pa ni Gatchalian.
 
Erap tatakbo sa pagkapangulo
 
TILA nakakuha ng panibagong dahilan si dating Pangulong Joseph Estrada para lalong ituloy nito ang
kanyang planong pagtakbo sa 2010 presidential race sa pagdeklara kahapon ni Sen. Noynoy Aquino sa
pagkapangulo sa ilalim ng bandera ng Liberal Party.

Sa paniniyak ni dating Senate President Ernesto Maceda, spokesman ng United Opposition, giniit nito na
tutuparin ni Erap ang kanyang planong pagtakbo dahil sa hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagkakaisa
ang oposisyon sa iisang kandidato.

“(Noynoy’s announcement) means to say that the opposition will be fielding several candidates… I don’t see
them withdrawing in favor of one another,” paliwanag ni Maceda.

Maliban kay  Aquino at Estrada, nagpaparamdam din ng adhikain maging pangulo sina Sen. Manny Villar,
Sen. Francis Escudero, Sen. Loren Legarda, at Sen. Jamby Madrigal.

Nilinaw naman ni Maceda na handa naman makipag-usap si Estrada kay Aquino, “especially a presidential
candidate. Remember that President Estrada helped a lot in making Noynoy Aquino to be senator because
[former] President Cory [Aquino) had appeal to President Estrada to include Noynoy in the [opposition] ticket
[in 2007]  which caused the estrangement  between Estrada and Sen. Tessie Aquino Oreta,” pahayag  pa ni
Maceda.
 
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us