Lakas-Kampi-CMD party nagkaroon ng secret balloting sa kung sino ang susuportahan
|
| |
KAHIT sa secret balloting na ginawa ng mga miyembro ng Lakas-Kampi-CMD executive committee kung sino ang susuportahan sa pagkapangulo sa eleksyon, maspinili ng marami ang presidentiables mula sa oposisyon na nangunguna sa kanilang listahan sina Sens. Manny Villar at Francis Escudero.
Sa Usaping Balita News Forum sa Serye Restaurant sa Quezon City Memorial Circle (QCMC), inamin ni QC Rep. Matias Defensor na nagkaroon ng “straw voting” sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato sa Quezon City ilang buwan na ang nakakalipas, hiniling sakanila na isulat kahit tatlo o apat na presidential candidates na gusto nilang suportahan.
Sinabi ni Defensor na sinulat niya sa isang blangkong papel sa ganitong pagkakasunod ang pangalan nina Villar ng Nacionalista Party (NP), Escudero ng Nationalist People’s Coalition (NPC), Sen. Manuel Roxas ng Liberal Party, na umatras na nag September 1 upang magbigay daan kay Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III; at Vice President Noli de Castro.
“The executive committee recently conducted straw voting among the presidential aspirants, I have listed (in order) the names of Villar, Escudero, Roxas and Noli,” ani Defensor.
Matatandaan na nangunguna si Villar sa presidential surveys ng Social Weather Stations (SWS), Pulse Asia at The Center, habang naglalaro naman sa pangatlo at pang-apat si Escudero.
Nangunguna naman si Escudero sa vice presidential race ratings kasunod si Sen. Loren Legarda na pinagpipilian ng NPC na posible nilang maging standard-bearer.
Hindi naman sinabi ni Defensor ang naging resulta ng botohan dahil “it was not made available” sa kanila ni Executive Sec. Eduardo Ermita hanggang matapos ang pagpupulong.
“Impractical” umano kung susuportahan nila ang kandidato na nangungulelat sa survey, ganito naman ang naging tugon ng Kongresista sa katanungan kung bakit hindi niya sinulat nina Defense Sec. Gilberto Teodoro at Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando na pawang nangangarapa maging pangulo.
“I think if we choose a candidate with low ratings, it’s suicidal, not pragmatic, impractical and total waste of time,” dagdag pa ni Defensor.
Sinabi pa nito, “Pakinggan dapat ang pulso ng tao, we can’t always rely on the command votes.”
Naniniwala si Defensor na ang 2010 presidential election ay hindi gera ng oposisyon at administrasyon at “By 2010, hindi natin alam kung sino ang opposition at administration, this is really a personality contest, titingnan ng mga tao kung sino ang may kakayahang mamuno sa bansa.”
Inamin din ni Defensor na kulang ang Lakas-Kampi-CMD sa winnable standard-bearer para ipangbato sa susunod na taon.
Dinagdag pa nito na nagkakaroon na umano ng pag-uusap sa pagitan ng oposisyon at administrasyon sa posibleng pagsasanib puwersa sa parating na eleksyon.
|
| |
C5 ipapangalan kay Cory
|
| |
ITINUTULAK ngayon Rep. Rodolfo “Ompong” Plaza sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipangalan na lamang sa pumanaw na si dating pangulong Corazon Aquino ang Circumferential Road 5 o C-5, bilang pagpupugay at pagkilala sa kanyang kadakilaan at kabayanihan.
Sa House Resolution 1318 ni Plaza layunin nitong gawing Corazon Aquino Freedom Highway ang C-5, isang 19.7 kilometrong hi-way sa Kalakhang Maynila na ginawa sa ilalim kanyang administrasyon, upang magsilbing alaala ng mamamayang Pilipino sa namayapang pangulo at sa kanyang mga ibinahaging kadakilaan sa kasaysayan ng bansa.
Sa pananaw ni Plaza, “malaking kaunlaran ang naidulot ng C-5 sa mga karatig lungsod ng Kalakhang Maynila na nagdurugtong sa katimugan sa pamamagitan ng South Luzon Expressway . Nagdulot ng inspirasyon, katatagan, pamunuan, pambansang puri, dangal at karangalan ang proyekto, tulad ng larawan ng ating mahal na Pangulong Aquino.”
Ang resolusyon ni Plaza ay may kaugnayan sa nauna ng panawagan sa dalawang kapulungan ng Kongreso noong buwan ng Hulyo, na nagdedeklara kay dating pangulong Corazon Aquino bilang isang tunay na bayani dahil sa kanyang pamumuno sa mapayapang People Power revolution noong 1986 at pagiging Ina ng Demokrasya sa bansa na kinilala sa buong mundo
|
| |
Absentee voting sa Media, tatalakayin na sa Kongreso ng Pilipinas
|
| |
PAGDEDEBATEHAN na sa plenaryo ng Mababang kapulungan ng Kongreso ang House bill no. 6622 o ang pagbibigay ng karapatang makaboto ng isang kagawad ng media sa pamamagitan ng absentee voting.
Ayon kay House Committee on Suffrage and Electoral Reforms chairman Rep. Teodoro Locsin Jr. (1st District, Makati City)na siya rin ang pangunahin may akda ng batas, nais ng panukala na mabigyan ng pagkakataon ang Media na makaboto kahit malayo sa kanyang presinto sa araw ng eleksyon.
Ganun paman, sa ilalim ng panukalang batas nasasaklaw lamang sa Pangulo, ikalawang pangulo Senador at partylist Representatives ang maaring iboto ng mga mamahayag.
Dahil ilang buwan na lamang at eleksyon na, minamali ngayon ni Locsin na maaprubahan na sa KOngreso ang panukala ng sa ganun maipatupad na sa parating na eleksyon ang HB 6622.
“Media has always expressed the desire to be allowed to vote except that on Election Day, anyone of them may be deployed to outside of their area of registration,” dagdag pa ni Locsin, “The measure is in response to their clamor that they be able to exercise their sovereign right to suffrage in any area in the country where they may be assigned to cover on Election Day.”
Giniit pa ni Locsin sa kasagsagan ng botohan patuloy naman ang trabaho ng mga kagawad ng media, upang matiyak lamang ang integridad ng proseso ng eleksyon.
|
| |
Ombudsman, Inutil - Cibac Partylist Rep. Joel Villanueva
|
| |
“INUTIL,” ganyan inilarawan ni CIBAC partylist Rep. Joel Villanueva ang Office of the Ombudsman matapos na magbaba ng desisyon si Tanod bayan Merceditas Gutierrez na higpitan ang pagpapalabas ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng mga opisyales at empleyado ng Gobyerno.
Nagtataka si Villanueva na imbes na maging, “transparent and accountable, public officials pa gusto bigyan favor na magtago sa kanilang saya,” dagdag pa niya, “inutil talaga ombudsman natin.” ,
Naniniwala si Villanueva na taliwas ang naging memo ni Guiterrez sa tunay na adhikain ng Ombudsman na maipakita sa mamamayan sa tunay na kulay na maraming opisyales ng pamahalaan.
Dahil dito, pinapakita lamang umano ni Gutierrez ang pagiging inutil nito na hindi na umano nababagay pa sa kanyang trabaho.
Masamang pagkakataon din umano ang pagpapalabas ng memo, lalo na’t mainit na usapin ngayon ang SALN ng panganay na anak ng Pangulo na si Pampanga Rep. Mikey Arroyo.
“It also explains why we’re failing in our efforts to fight the evils of graft and corruption. thanks to our national graft buster, our ombudsman,” dagdag pa ni Villanueva.
|
| |
Col Querubin at Sen. Trillanes magkakosa na, magkasenador pa
|
| |
MALAKI ang pag-asa ni Col. Ariel Querubin kung tatakbo ito sa senatorial elections gaya ni Sen. Antonio Trillanes.
Sa pananaw ni Zamboanga City Rep. Ma. Isabelle Climaco ang pagkakaroon ng Medal of Valor ni Querubin, ang pinakamataas na karangalan sa Armed Forces, ang posibleng maging bentahe nito para makapuwesto sa Senado.
“Para sa isang sundalo na ipinagtanggol ang katarungan, tugma lamang na bigyan s’ya ng pagkakataon na manungkulan at magsilbi sa taongbayan, lalo na ng mga kawani at sundalo,” ani Climaco.
Matatandaaan na si Querubin ay kabilang sa 28 opisyal na may kasong kinakaharap sa court martial, dahil sa pagtangkang pabagsakin ang si Pangulong Arroyo noong 2006 sa pamamagitan ng pag-atras ng suporta sa punong ehekutibo.
Ginawaran si Querubin ng Medal of Valor matapos makipagsagupa sa Moro Islamic Liberation Front at pangunahan ang pagsakop sa kuta ng rebeldeng muslim.
Ang katulad naman ni Querubin ang inaasahan ni La Union Rep. Thomas Dumpit Jr., isang retiradong sundalo ang nararapat umanong mabigyan ng puwesto sa Senado.
“We need men with the integrity in the Senate. Querubin is a recipient of valor which is a reflection of his character so we need men like him with strong moral fiber in the Senate,” saad ni Dumpit.
Hanggan sa ngayon si Querubin sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines compound sa Camp Aguinaldo, at kung sakali na palarin siya sa Senado dalawa na sila ni Sen. Antonio Trillanes IV ang magkakusang senador.
|
| |
| |
|