PAGSI MMDA CHAIR FERNANDO ANG PINILI, LAKAS KAMPI CMD PARTY, UUWING LUHAAN SA ELEKSYON
|
| |
LALO lamang mauuwi sa pagkatalo sa darating na Presidential election ang pinakamalaking partido sa bansa ang Lakas-Kampi-CMD, kung si METRO Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando ang isasabak ng partido bilang ipangsasabong nila sa Pangpanguluhang halalan sa 2010 election laban sa mga malalakas na pambato ng opisyon, tulad nila Sen. Manny Villar at Sen. Noynoy Aquino.
Naniniwala pa si Bayan Muna Rep. Teodoro “Teddy” Casiño, na kung sakaling piliin siya ng lapian ng administrasyon, malaking problema umano ang kahaharapin ng partido kung paano nila ipapanalo si Fernando sa mga Pilipino partikular na ang naging biktima umano ng karahasan nito.
“Malupit siya sa tao, iyan ang malaking problema ni Chairman Fernando, ayaw sa kanya ng mga tao,” ani Casiño.
Upang hindi na umano makaranas pa ng kabiguan si Fernando, pinayuhan na lamang ni Casiño ang dating alkade ng Marikina City na tanggapin na hindi papatok sa masa ang kanyang istilo ng pamamalakad sa pamahalaan na maraming mahirap ang nagdudusa.
“Mas nahihirapan ang mga tao sa kanya dahil pinahihirapan niya. Maintindihan sana niya na ayaw ng tao sa kanya,” dagdag pa ni Casiño.
Dahil sa hanggang sa ngayon walang paring malinaw na plano si Vice President Noli de Castro, umaasa ngayon si Fernando na siya ang gagawing standard-bearer ng administrasyon.
Umaasa si Fernando sa pamamagitan ng kanyang komersyal sa telebisyon na "Kailangan Bayani" umaasa siya na mababanggit din sa mga survey ang kanyang pangalan.
Maliban kay Fernado, umaasa rin si Defense Sec. Gilberto Teodoro, parehong mga miyembro ng Lakas- Kampi-CMD, na matindi din ang pag-asa na dadalhin siya ng partido sa parating na elekson.
|
| |
SEN. NOYNOY AQUINO, UMANI NG SUPORTA
|
| |
UMANI ng suporta si Sen. Benigno Simeon “Noynoy” Aquino mula sa mga militanteng Kongresista sa naging pahayag ng Senador na pumapabor sa mga magsasaka ng 6,435 sugar plantation ng Hacienda Luisita sa Tarlac City na pagmamay-ari ng Pamilya Cojuangco.
“sa aking palagay, dapat siguro umalis na ang pamilya ko doon(Hacienda Luisita), hanggat nakikihalo kami dyan, lalagyan at lalagyan lang ng pulitika,” ani Aquino, standard bearer ng Liberal Party(LP).
Partylist Rep. Riza Hontiveros, mainam umano at nagbigay ng pananaw ang Senador hingil sa Hacienda Luisista, “na isang unfinished business ng administrasyon ng kanyang ina.”
Naniniwala si Hontiveros sa mga ganitong pahayag ni Aquino, nagpapakita lamang umano na magiging Pangulo siya ng mga Pilipino, maging ng mga magsasaka, hindi ng mga kapitalistang mapagsamantala.
“Handa syang maging pangulo ng lahat ng Pilipino pati ng mga magsasaka,” ani Hontiveros.
Naniniwala pa ang Kongresista na “Itutuloy niya ang tradisyon ng pagsasakripisyo at malinis na paggogobiyerno” na sinimulan at pinama ng kanyang mga magulang na sina Sen. Ninoy at Pangulong Corazon Aquino.
Suportado din ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod ang naging pahayag ng Senador,pero malaking hamon umano kay Aquino kung paano nito makukumbinsi ang pamilya na ipaubaya na lamang mga magsasaka ang pagmamay-ari ng Hacienda Luisita.
“magpakita ang pamilya ni (Senador) Nonoy (Aquino na) resolbahin ang isyu ng HLI,” dagdag pa ni Maglunsod, “at kombinsihin nya ang pamilya.”
|
| |
VP NOLI DE CASTRO WALANG BALAK TUMAKBO - NOGY
|
| |
NANINIWALA si House Speaker Prospero Nograles na posibleng walang balak tumakbo sa pagkpangulo si Vice President Noli de Castro.
Dahil sa hanggang sa ngayon nanatiling tahimik si de Castro sa plano nito sa 2010, kahit pa nagbigay na sa kanya ang Lakas-Kampi-CMD ng takdang araw kung makikilahok ba siya sa selection process ng partido ng administrasyon.
“Maybe he does not like to run. Who knows?” ani Nograles.
Ganito rin ang pananaw ni Zambales Rep. Milagros ‘mitos’ Magsaysay na hindi interesado si de Castro na tumakbo, o walang siyang balak talagang makipag-alyansa sa partido ni Pangulong Gloria Arroyo.
“Sa tingin ko hindi siguro si VP de castro interesadong tumakbo kaya ganun ang kilos nya,” pahayag ni Magsaysay.
Dahil nga binibitin ni de Castro ang pinakamalaking partido ng bansa, hindi na umano nila aasahan pa ikalawang pangulo na makilahok pa sa kanilang selection process, dahil marami na rin umanong inis dito.
“Dahil hindi siya miyembro ng partido at wala naman siyang binitiwang commitment sa partido,” dagdag pa ni Magsaysay.
Matatandaan na nagbigay ang partido ng Lakas-Kampi-CMD kay de Castro ng hanggang September 15 na magdeklara na kung nais ba nitong makilahok sa selection process ng partido kung sino ang kanilang dadalhin sa 2010 presidential eletion.
|
| |
TRAVEL ADVISORY NG AUSTRALIA, DAPAT LANG - SOLON
|
| |
MALAKI ang paniniwala ni Nueva Ecija Rep. Edno Joson na dapat matagal na umanong nagbigay ng travel advisory ang bansang Australia sa kanilang mamayan na iwasan munang bumiyahe sa Pilipinas, partikular na sa karagatan.
“Baka ngayon lang natauhan Australians, dapat matagal ng nagtravel ban sa mga interisland carriers natin at baka sakaling magising gobyerno at shipping industry.
Pero para naman kay Buhay Party list Rep. Irwin Tieng, “unfair yun para sa atin, dahil sa isang aksidente ni lahat na nya. Marami naman tayong ibang kumpanya na nagseserbisyo sa dagat.”
Ganun pa man, malaking hamon umano ito sa bansa upang pagtuunan ang mga mahahalagang bagay pagdating sa pagpapatupad ng mga pamaraan sa karagatan, upang maiwasan ang anomang aksidente sa karagatan, upang hindi muling maulit ang mga travel advisory ng ibang mga bansa laban sa Pilipinas.
“Siguro dapat palakasin natin ang coast guard at ang ating maritime authority para maiwasan ito. At siyempre dapat din dispilina ang pairalin bago ang kumita,” dagdag pa ng Kongresista.
|
| |
PAGTATALAGA NG SENATE PRESIDENT BAGO MAGSIMULA ANG KAMPANYA, SUPORTADO NG MGA KONGRESISTA
|
| |
NAGKAKAISA ang mga Kongresista mula sa adminstrasyon at oposisyon na napakahalaga ng mungkahi ni Ateneo College of Law dean emeritus Fr. Joaquin Bernas, na magkaroon ng eleksyon ang Senado para magtalaga ng panibagong Senate President na may natitira pang tatlong taong termino bago magsimula ang 90-day national campaign period, upang maiwasan ang pagbakante sa posisyong kung sino ang mamumuno sa bansa kung sakaling magkaroon ng failure of elections.
Giniit nila House Deputy Majority Leader at Aurora Rep. Juan Edgardo “Sonny” Angara , Anak Mindanao Rep. Mujiv Hataman at Citizens Battle Against Corruption Rep. Joel Villanueva na napakaimportante umano na mahanapan ng mga Senador ng sulosyon ang posibleng pagbakante ng pagkapangulong posisyon.
“I would support the election of a Senate President who would act as acting President of the country until one is finally elected nationally,” ani Angara .
Sinabi naman ni Hataman na nasa ilalim ng Constitution, tanging ang vice president, Senate president at Speaker ang nababangkit na posibleng pansamantalang mamahala kung sakaling wala pangnaitatalagang bagong pangulo.
Dagdag pa ni Hataman “Let us ask our good senators to elect a new Senate President whose term of office will not end after June 2010 so that leadership vacuum is addressed even before it could hit us. It should be done while the Senate can still muster the quorum.”
Ayon naman kay Villanueva na mainam na magbigyan ng sulosyon ng Senado ang posibleng magiging epekto sa bangsa kung sakaling wala pang maitalagang pangulo hanggang ika-30 ng Hunyo.
Naniniwala naman si Nueva Ecija Rep. Edno Joson, pangunahin may akda ng House Bill (HB) No. 3194 oo measure on succession, na malaking tulong ang kanyang proposal upang maiwasan ang pagbakante sa pinamataas na posisyon sa bansa.
“That is where the succession bill comes in, to answer that vacuum,” ani Joson.
|
| |
RADAR MALFUNCTION SA NAIA, PANDAIGDIGANG KAHIHIYAN NG PILIPINAS, NOGRALES HINILING NA IMBESTIGAHAN
|
| |
IIMBESTIGAHAN na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang power outage at radar malfunction sa Ninoy Aquino Internatinal Airpot, matapos na ipag-utos ni House Speaker Prospero Nograles sa House Special Oversight Committee on Civil Aviations Authority of the Philippines na pagpaliwanagin ang mga opisyales Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang nangyaring pangdaigdigang kahihiyan hinggil sa seguridad ng paliparan sa Pilipinas.
Dahil sa insidenteng ito, nangagamba si Nograles na possible pa ring maulit ang kahihiyan ng Pilipinas, sa muling pagbagsak ng power supply ng paliparan at pagkakaroon ng radar malfunction nito.
Maliban pa dito, minsan na umanong nalagay sa kahihiyan ang paliparan ng bansa, at dahil sa panibagong pangyayaring NAIA, panibagong dahil umano para maliitin ang kakayanan ng bansa, pagdating sa pangseguridad sa mga paliparan.
Panasisiyasat din ni Nograles ang kaguluhan sa pagitan ng mga Civil Aviation Authority officers at mga empleyado, dahil “many bright consultants who want to retrench employees of the ATO(Air Transport Office) when in fact they are already a skeleton force.”
Naunang nagreklamo kay Nograles ang mga empleyado ng CAAP, dahil sa planong tanggalin sila at palitan ng masmaraming consultant o magdagdag pa ng mga opisyales o kumuha ng mga indibiwal na abot langit ang mahal ang pasuweldo.
“Either CAAP starts doing its job and do it well asap or we in congress would have passed a very bad law converting ATO to CAAP,” pag-amin pa ni Nograles.
|
| |
FVR TIGILAN NA ANG WALANG BATAYANG PARATANG - LAKAS KAMPI CMD PARTY LEADER
|
| |
UMAPILA kahapon ang mga lider ng Lakas-Kampi-CMD kay dating Pangulong Fidel Ramos na tigilan na nito ang walang basehang akusasyon na mananatili ang rehimeng Arroyo sa kanyang puwesto pagdating na Hunyo 2010 sa pamamagitan ng “extra-constitutional means.”
Ayon kay House Deputy Speaker for Mindanao at Maguindanao Rep. Simeon Datumanong, lider ng Lakas- Kampi-CMD, wala umanong batayan ang mga pinagsasabi ni Ramos na magkakaroon ng sabwatan ang ilang opisyales ng militar upang makagawa ng eksena sa pamamagitan ng kudeta o no-election (No-El) upang mapanatili sa puwesto si Pangulong Arroyo.
“The more we talk about it is the more we give them reason to think that they can intervene. That statement is very divisive and we should not say that things in public and I believe that the military are not planning to do that (military takeover),” ani Datumanong.
Pero para kay House Deputy Majority Leader at Aurora Rep. Juan Edgardo “Sonny” Angara posible umano na may nalalaman si Ramos na hindi na papansin ng publiko.
Habang si Citizens Battle Against Rep. Joel Villanueva hiniling naman sa taumbayan na manatiling mapagmatiyag, may basehan man o wala ang paratang ni Ramos.
“Well FVR may know things the general public does not and it is certainly possible that some in the military establishment may fell enmity towards their favored colleagues,” ani Angara , lider ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP).
Dinagdag naman ni Villanueva na dapat nanatiling nakahanda ang taumbayan sa anomang pagtatangka na agawin ang kalayaan at demokrasya, dahil hindi umano katikatiwala ang kasalukuyang rehimen.
Sa panig naman ni Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino, lider din ng Lakas-Kampi-CMD, naniniwala siya na hindi mangyayari ang mga pinagsasabi ni Ramos, dahil kahit na ano pang gawin umano niya wala na siyang makukuha pang suporta sa anomang sektor sa lipunan.
“The administration is preparing and looking forward on 2010 presidential elections. President Arroyo will step down on June 2010, that’s not an issue,” ani Antonino, chair ng House committee on public order and safety.
Pinayuhan naman ni Antonino na “Dapat siguro tumingin muna sa salamin bago magsalita kasi bumabalik iyan sa (kanyang) mukha,” dahil minsan na umano siyang nagbalak na pahabain ang termino pero hindi luhaan si Ramos kinalaunan.
Malakas na ang paniniwala si Antonino na hindi kayang paghiwalayin ng purong intriga ni Ramos ang taumbayan mula sa katotohanan.
|
|