Sen. Loren Legarda, uupong Pangulo ng Pilipinas, kapag nag No-El
|
| |
MAGIGING pangulo ng Pilipinas si Sen. Loren Legarda pansamantala kung magkaroon ng kabiguan sa automated national elections, matapos na maaprubahan sa House Committee on revision of laws ang “bill on succession” kahapon.
Makaraan ang mahabang debate, nagdesisyon na rin ang komite na pinamumunuan ni Isabela Rep. Giorgidi Aggabao, pinuno ng Nationalist People’s Coalition (NPC), tinanggap din ang adopted version ni Nueva Ecija Rep. Edno Joson ang House Bill (HB) No. 3194 matapos hilingin ni Makati City Rep. Teodoro “Teddyboy” Locsin ang pag-apruba dito.
Napagkasunduan ng panel na italaga bilang pansamantalang pangulo ang pinaka senior member ng Senado na may pinakamaraming nakuhang boto noong 2007 election at may natitira pang tatlong taong termino pagkatapos ng Hunyo 2010.
Ang maitatalagang acting president ay obligado na magsagawa ng presidential election sa loob ng 60 araw matapos na siya ay maitalaga.
Matatandaan na si Legarda ng NPC ang nanguna sa 2007 senatorial race, na nakakuha ng 18,069,466 votes.
Sa ilalim pa ng napagkasunduan ng komite, “line of succession” ni Legarda ang kasamahan sa NPC na si Sen. Francis Escudero na nakakuha ng 17,858,416.
Sinusundan naman ito nina Sens. Panfilo Lacson, Manny Villar Jr., Francis Pangilinan, Benigno “Noynoy” Aquino III, Edgardo Angara, Alan Peter Cayetano, Joker Arroyo, Gregorio Honasan, Antonio Trillanes IV, at Juan Miguel Zubiri.
|
| |
DND Sec. Gibo Teodoro, pormal ng inigusong kandidato ng Lakas-Kampi-CMD
|
| |
POSITIBO ang naging pananaw ng Nacionalista Party(NP) sa pagpili ng partido ng Lakas-Kampi-CMD kay Defense Sec. Gilbert Teodoro bilang standard bearer ng lapian ng administrasyon.
Ayon kay NP spokesman Gilbert Remulla, na “maganda na mas marami mapagpipilian ang mamamayan,” pero dahil sa paglabas ni Teodoro bilang bagong contender sa Pagkapangulo, “naniniwala ang NP na mahahighlite ang kandidatura ni Sen.(Manny) Villar bilang pinaka capable, professional manager at alam ang problema ng kahirapan dahil galing sa mahirap at laging tumutulong sa mahirap.”
Tatlong libong elected officials sa buong bansa naman ang tinitiyak ni House Speaker Prospero Nograles ang tutulong sa kandidatura ni Teodoro bilang standard bearer ng Lakas-Kampi-CMD, upang matiyak ang panalo nito sa 20010 presidential election.
“he has the support of the biggest political party with about three thousand elected officials nationwide,” ani Nograles vice chairman ng Lakas-Kampi-CMD.
Sa panig naman ng Liberal Party ni Sen. Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, sinabi ni LP spokesman Erin Tanada sa pagtalaga kay Teodoro bilang pambato ng Lakas-Kampi-CMD, panahon na umano para ipaliwanag ng kandidato ng administrasyon ang plataporma ng gobyerno at ang ibang usapin na may kinalaman ang mamamayan.
“"more of the same" or "business as usual" or are they for change and reform? Come May 2010, the people will decide in favor of change and reform and not for business as usual,” dagdag pa ni Tanada.
Hindi naman naniniwala si Nationalista Peoples Coalition(NPC) spokesman at Valenzuela Rep. Rex Gatchalian na may lalakas pa sa tambalang Sen. Francise Escudero at Sen. Loren Legarda, dahil “Chiz- Loren or a Loren-Chiz combination remains to be the most formidable slate to beat next year.”
Isinalarawan naman ni Sorsogon Jose Solis na naging mahirap sa mga miyembro ang naging pagpili sa dahilang magkaroon ng samaan ng loob sa pagitan nila Teodoro at Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernado, kung kaya idinaan sa secret voting ang naging proseso ng partido sa pagpili ng kanilang magiging standard bearer.
“mahirap talaga lalo na pareho naman yang qualified, kaya lang we have to select,” ani Solis.
Kinumpirma naman ni Solis matapos na makapili ng magiging pambato sa pagkapangulo ng lapian, isusunod naman nilang iproseso kung sino magiging line-up nila sa pagkasenador, dahil nag-iisa lang si DILG Sec. Ronnie Puno hindi na dumaan sa pagsusuri ang sekretaryo upang maging running mate ni Teodoro.
|
| |
Si Nonoy at ang Tofa
|
| |
MARAMI klase ng pagbibigay ng award sa isang indibidwal, marahil kung iyong bibilangin ang klase ng parangal na binibigay sa buong mundo, kasing dami siguro ng bituin sa langit.
Kadalasan ang mabentang parangal ay mula sa mga kilalang mga tao, o ang binibigyan ng parangal ang mga taong kilala sa lipunan, halimbawa na ng Famas sa Pilipinas, o di kaya ng Venice Film Festival at ng Golden Globe Awards.
Sino nga naman ang hindi mananaginip na makakuha ka ng isaman lang sa parangal mula sa mga kilalang sangay sa buong mundo, na iaabot sayo trupeyo sa harap ng daigdig, sa mga kumikanang na tao.
Marahil malayo ako sa Washington DC upang mailarawan ko ng malinaw ang hinahangaan kong isang paraan ng pagbibigay parangal na katangi-tangi sa lahat ang TOFA(Twenty Outstanding Filipino Abroad).
Sa ilang buwang kong pagsusulat sa Pinoy Global Online News, madalas kong mabasa ang Filipino Magazine at mula doon dinala ang aking imahinasyon sa kung paano naging katangi-tangi ang TOFA sa award sa buong mundo.
Bilang isang indibidwal na nabubuhay sa mundo ng pamamahayag, marami na akong klaseng awards ang nakita, madalas ginagawa ang papuri dahil sa pansariling interes ng samahan o di kaya tuwing sasapit ang halalan.
Sa ating pamahalaan bibihira ang nabibigyan ng pagkilala ang isang Pilipino na naninirahan na sa ibang- bansa, pero ang TOFA iniaabot ang parangal hindi para maging palamuti lamang sa mga tukador, o sa ibabaw ng lamesa, at isabit sa mga dingding. Ang TOFA sa aking pananaw ay isang hamon sa sinomang makakatanggap nito.
Ang hamon na ipagpatuloy ang mga kabutihan, kahusayan, ang pagiging mapamaraan, ang pagkamakatao at pagkama-Diyos, at ang pag-ibig pa rin kay LuzViMinda(Luzon, Visayas, Mindanao)… sa pinagmulang bayan, sa pamamaraang pag-abot ng kabutihang sa mga Pilipinong nangangailangan ng pang-unawa at gabay na nasa ibang bansa man o hindi.
Si Mr. Nonoy Mendoza ay namumukod tangi tulad ng isang tala sa langit, marahil hindi siya tulad nila Tom Cruz o ni Brad Pitt, halimbawa naman siya ng isang Pilipino na hindi nakakalimot sa tinubuang lupa na ang TOFA at si Nonoy ay pinagtagpo ng Maykapal upang magbigay inspirasyon sa maraming Pilipino saan man panig ng mundo.
Kahanga-hanga ang kanyang kaisipan na ilapit ang mga Pilipino mula sa malalayong arkipelago sa pamamagitan ng pagdiriwang ng TOFA.
“Several Past TOFA Awardees mentioned that because of the TOFA Project, "warring" or "nagtatampo" relatives and friends renewed better relationships and understanding. "I did not realize that my Dad (or Mom) is quite an achiever. Now, I am doubly proud of my family," said one of the guests with tears in the eyes,” ani Mr. Nonoy Mendoza sa isang sulat.
Dagdag pa ni Nonoy “That is why the TOFA Project main goal is to project positive Filipino image.”
Ang hakbangin na ito ang siyang pinagmapuri ni Pangulong Gloria Arroyo, sa kanyang sulat na may petsang Agusto ika-29 ng taong 2009 nakasaad ang mga ganitong kataga;
“I commend your News Organization for spearheading this annual event tha honor outstanding Filipino from differences part of the worlds who have demonstrate remarkable excellence in their field of expertise.”
“I find this TOFA awardees very impressive. They epitomize the Filipino’s drive for excellent wherever they work and live.”
Marahil wala ako sa karapatan na magbigay ng aking opinyon hinggil sa TOFA, pero para sa aking, bilang Pilipino hindi man nakakatapak sa lupain ng mga dayuhan ay labis na natutuwa, na sa ibang bansa marami pa palang dakila, tulad na halimbawa ni Mr. Mendoza at ng kanyang kabalikat sa kahanga-hangan gawin tulad ng pagbibigay pagkilala sa mga Pilipino ano man ang antas sa lipunan at na’san man siyang panig ng daigdig.
Tulad ni Nonoy at ng TOFA, ang mga Pilipino, o dayuhan man na pinagkalooban ng ganitong parangal ay pinag-isa rin ang landas para sa iisang hangaring mamuhay saan kaman, na hindi mo kailangan kalimutan kung saan ang lupang tinubuan.
“sino man hindi magmahal ng sariling wika, mashigit pa sa malansang isda,” Dr. Jose Rizal.
“wala ng hihigit na dakila, sa pag-ibig sa bayan,” Gat Adress Bonifacio.
Mabuhay ang Pilipinas!
|
|