Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Tambalang Aquino-Roxas sa 2010 eleksyon
 
KINUMPIRMA ni Quezon Rep. Lorenzo “Erin” Tañada na ang tambalang Sen. Noynoy Aquino at Sen. Mar
Roxas na ang magiging pambato ng Liberal Party(LP) sa darating 2010 election.

Sinabi din ni Tanada na ngayon araw ay magsasagawa ng isang press conference ang kanilang partido sa
Club Filipino sa Greenhills, San Juan upang pormal ng ideklara ang tamdem ng dalawang senador.

“Yes it’s true and that’s final, Its Aquino-Roxas tamdem” Ani Tañada, spokesman ng LP.

Naniniwala ang Kongresista na  “formidable tandem” ang Aquino at Roxas batay na rin sa mga naglalabasan
survey na patok sa botante ang tambalan ng dalawang senador.

“I know people like this tandem because they really want change. This tandem would bring back public trust to
the national leadership,” dagdag pa nito.

Samantala, inamin naman ng Kongresista na sakabila ng may usapan na sa pagitan ni Aquino at Roxas,
patuloy pa rin umanong makikipag-usap ang standard bearer ng LP kay dating Pangulong Joseph Estrada.

“We cannot stop Noynoy from talking with the former president. Maybe they will talk about unity of the
opposition, which is good,” dagdag pa nito.

Pero para sa taga-administrasyon masmainam umano na hindi na lamang makipagkasundo si Aquino sa
napatalsik na Pangulo.

Ayon kay Manila Rep.  Buenvenido Abante “dapat lumaban na lang si Erap,  dahil hindi naman sila pareho ng
pananaw at ideals ni (Sen.)Noynoy kahit sila oposisyon hindi rin sila nagkakasundo sa ilang bagay.”

Dagdag naman ni Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antoninom “ hindi puwede ipaghalo yung tubig at langis, maski
anong gawin maghihiwalay rin.”
 
Pribadong Hospital, hindi dapat paniwalaan - Rep. Biron
 
HINDI dapat paniwalaan ang pag-aangal ng mga Pribadong hospital na nalulugi sila dahil sa pinatutupad na
cheaper medicines law.

Pinaliwanag ni Iloilo Rep.  Ferdenil Biron, isang Doktor na wala umanong katotohanan na nalulugi ang mga
pribadong hospital dahil sa pagtapyas ng presyo ng gamot.

Sakatunayan lalo pa umanong bumuti ang mga kalagayan ng mga mga hospital dahil sa murang gamot.

“There is no truth that the  hospitals will lose money from reduction of prices of medicines  because the  
margins remain the same,” ani Biron.

Nauna dito,  iimbestigahan ng Quality Affordable Medicines Oversight Committee (QAMOC) matapos na
hilingin ni  Akbayan Rep.  Ana Theresia Baraquel-Hontiveros sa Commission on Audit (CoA) na magkaroon
ng joint examination sa libro ng mga pribadong hospital.


Ito ang naging tugon ni Hontiveros sa banta ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP), na
posibleng tumaasang ibang servisyo ng hospital, upang mabawi nila umano ang pagkakalugi sa binabang
presyo ng gamot.
 
Energy Crisis ni Sec. Reyes, No El naman sa 2010
 
DUDA ang mga militanteng Kogresista sa energy crisis na pinangangambahan ni Energy Secretary Angelos
Reyes sa susunod ng taon, panahong nakatakda ang eleksyon.

Hinala ni Citizens Battle Against Corruption (Cibac) party-list Rep. Joel Villanueva, na malaki ang posibilidad
na gagamitin ng palasyo ang energy crisis ni Reyes, upang makapagdeklara ng emergency power.

“Kaya nga siguro ang tamlay ng effort ng gobyerno na hanapan ng solusyon ang power problem at si Angie
pa ang pina-head nila, ang paghahanda na ginagawa nila against power crisis ay i-draft ang EO (Executive
Order) ng emergency powers for PGMA (President Arroyo),” ani Villanueva.

Ganito rin ang kaba ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod,  kung bakit ganun na lamang kabagal ang
pamahalaan na gumawa ng paraan para magawan ng paraan ang magiging problema sa panahon pa
mismo ng eleksyon.

Dagdag pa ni Maglunsod, “bakit tinatakot niya(Reyes) ang publiko na magkakaroon nito, Iresponsable siya
kaya dapat na siyang mag-resign.”

Pinagbintangan pa ng Kongresista si Reyes na kathang isip lamang ng gabinete ng pangulo ang energy
crisis, upang mabiyayaan ng emergency power ang Pangulong Arroyo.

At kung sakaling mabigyan ng “emergency powers ang Pangulong Arroyo, magkakaroon lamang ng dayaan
sa election hanggang sa magdeklara ng failure of election at manatili sa puwesto si (Pangulong)Gloria
(Arroyo).”

Sa panig naman ng Administrasyon, sinabi ni Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo, chairman ng House
Committee on Energy upang mapigil ang nakatakdang krisis sa enerhiya, makikipag-usap umano siya sa
mga power producers at distributers na siyang tutulong upang mapigilin ang kakulangan sa enerhiya ng
bansa.

“We have to come up with a clear-cut program on energy which would deal on construction of new power
plants, utilizing alternative sources of energy and at the same time, instilling conservation,” pahayg ni  Arroyo.

Pinaliwanag pa ni Arroyo na napakaimportante umano na magkaroon ng  “comprehensive program” at dapat
din umano na magpatayo ng mga power plants at gumamit ng mga alteratibong source ng enerhiya.
 
AMIN partylist nanawagan sa world leader ng kapayapaan
 
NANAWAGAN kahapon  si Anak Mindanao Rep. Mujiv Hataman sa mga pinuno sa buong mundo, na bumuo
ng isang hakbangin na magbibigay ng “genuine world peace” at panghabang-buhay na pagtatanggal ng
diskriminasyon laban sa mga Muslim.

Hiniling din Hataman matapos ang Ramadan kahapon,  na tigilan na ang maling pagtingin sa mga kapatid
na Muslim,  halimbawa na ng terorista at kriminal.

Ang nais ni Hataman na dumating ang panahon na ang muslim ay may takot sa Diyos at may paggalang sa
nilikha nito.

“I am calling all world leaders to unite for peace and betterment of  the great majority.  The end of a special
month of Ramadan is also an opportunity to appeal and call for understanding to cease from instigating
discrimination.  Like most of the people, Muslims are God-fearing persons,” ani Hataman.

Naniniwala si Hataman na hindi makukuha ang tunay na kapayapaan dahil lamang sa pagtigil ng giyera.

“Peace is not merely the absence of war and hatred but also the presence of cooperation, compassion and
worldwide justice,” pahayag pa ng Anak ng Mindanao.
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine