LP at NPC lalagpasan pa ang haba ng termino ni PGMA kung sakaling manalo ang kanilang pambato
|
| |
KUNG ang tagapagsalita ng Liberal Party (LP) nakikita na hanggang 12 taon ang pamamayagpag ng partido, masmahaba naman ang pangrap ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na tinayo ni billionaire businessman Eduardo “Danding” Cojuangco na posibleng pagdomina ng kanilang partido.
Sa naging tugon sa reaksyon ni LP spokesman at Quezon Rep. Lorenzo “Erin” Tañada na tatapusin ni Sen. Manuel Roxas hanggang 2016 ang termino kasunod ng pamumuno ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III na magsisimula ang l2 taon sa 2010.
Pero para kay NPC spokesman at Valenzuela Rep. Rex Gatchalian sa tambalang Sen Francis Escudero at Loren Legarda mananatili ng lapian hanggang 2022 ang pamunuan ng bansa.
Na kung pagbabatayan ang survey ayon kay Gatchalian, lumalakas ang kanilang kandidatura sakabila ng wala pang pormal na pahayag na tatakbo ang dalawa.
“the NPC is the party that is preparing for a 12-year presidency,” dagdag pa ni Gatchalian, “We are confident that the tandem (Chiz-Loren or Loren-Chiz) we will deploy will be more formidable than the tandems the other party’s will be fielding next year.”
Hindi naman nagustuhan ni Agusan del Sur Rep. Rodolfo “Ompong” Plaza, na napaulat na tatakbo sa ilalim ng NPC, na mangyayari lamang ang imahinasyon ni Tañada kung magdedeklara ng Martial Law.
“Hindi pa nga nanalo, 12 years in power na (ang) iniisip,” ani Plaza.
|
| |
Presidential Son Rep. Mikey Arroyo umapila na tigilan na ang walang batayang paratang
|
| |
UMAPILA kahapon ang panganay na anak ni Pangulong Gloria Arroyo sa mga kritiko ng kanyang Ina natigila na umano ang pagpapalutang ng isyu ng emergency powers bilang tugon sa nakaabang kakulangan sa enerhiya sa buong Luzon.
Nababahala si Presidential son at Pampanga Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo, chairman ng House committee on energy, na mayroon umanong politiko ang nakikinabang ng husto sa “media mileage” gamit ang walang batayang paratang upang mapakinabang sa kanilang pampulitikang interes.
Nilinaw naman ni Rep. Arroyo, miyembro ng Lakas-Kampi-CMD, na hindi na kailangan pa na gumamit ng emergency power ang kanyang Ina.
“I hope they would attack with decency. They should not use the emergency powers to make another issue against the government because it has no basis,” ani Arroyo.
Nanawagan naman si Arroyo sa mga ahensya na may kinalaman sa enerhiya sa bansa, na humanap ng ibang alternatibo upang matugunan ang nakatakdang babalikatin ng bansa ang kakulangan sa enerhiya.
Umaasa naman si Agusan del Sur Rep. Rodolfo “Ompong” Plaza, miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC), na hindi mauuwi sa malawakang dayaan ang naging banta ni Energy Sec. Angelo Reyes na posible magkaroon ng blackouts dahil power outages.
“I hope and pray that this is not the preparatory to dagdag-bawas,” said Plaza.
Pero para kay Rep. Arroyo ginagawa na umano ang lahat ng paraan upang maiwasan ang mahabang brownout sa araw mismo ng eleksyon.
|
| |
Mga kritiko ng Pangulo tinatakot ang taumbayan
|
| |
TINATAKOT lamang ng mga kritiko ng Pangulong Gloria Arroyo ang taumbayan, gamit ang lahat ng paraan upang masabi na magulo ang kasalukuyang rehimen.
Naniniwala si Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino, pulitika ang tangin dahilan ng mga kritiko ng kasalukuyang rehimen, kung bakit ganun na lamang umano takutin ang taumbayan gamit ang iba’t ibang senaryo gaya na umano ng martial law.
“lahat ng scenario para takutin yun mga kababayan natin ay pinalalabas pero sa totoo lang puro politika lang yan,” ani Antonino.
Sinugundahan naman ito ni Baguio City Rep. Mauricio Domogan na isa lamang malaking pakulo umano ng mga kalaban ng administrasyon ang pagpapatunog ng isyu, halimbawa na umano ng martial law.
Paliwanag ni Domogan “how can martial law be declared if no clear and justiflable grounds to declare it.”
Pero para sa mga milinteng Kongresista malinaw umano na nanatili ang batas militar sa bansa.
Sa pananaw ni Bayan muna Rep. Satur Ocampo, wala man umanong pormal na deklerasyon ng batas militar ng kasalukuyang rehimen, pero nanatili “ang Extra Judicial Killing at enforced disappearance. Militarisasyon ng burukrasya plunder at graft and corruption.”
Iginiit naman ni anakpawis Rep. Joel Maglunsod, tulad ng martial law ng panahon ni Marcos, tumitindi rin ang walang hanap buhay, maraming naguguton, pananatili ng US soldiers sa pamamagitan ng Visiting Forces Agreement(VFA).
“hindi pa po tayo nakalaya, mas tumindi pa sa panahon ng bagong diktadora ni (Pangulong Arroyo)GMA.”
|
|