Exopose's sa Senado, ititik sa affidavit
|
| |
HINDI nagugustuhan ang tila pamumulitika umano ni Sen. Panfilo Lacson sa mga expose nito laban sa dating pangulong Joseph Estrada.
Sinabi na Bayan Muna Rep. Teddy Casino, nagmumukhang pamumulitika lang ang paninira ni Lacson laban sa dati nitong boss, pero tingi lamang umano ng tunay na nalalaman ng Senador ang mga pinagsasabi nito sa Senado.
“Hindi ko nagugustuhan ang mga tingi-tingi at bitin na expose ni Sen. Lacson masmaigi kung ibulgar na niya ang lahat ng kanyang nalalaman nang sa gayon di magmukhang pamumulitika lang at paninira ang kanyang ginagawa,” ani Casino.
Dahil ang kasalukuyang rehimen umano ang makikinabang sa bangayan nila Erap at Lacson, malaki ang hinala ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod na may kinalaman ang Palasyo sa patuloy na pag-expose ni Lacson, “dahil na divert ang mga mahalagang isyus ng bayan tulad ng US military presence sa Mindanao, budget hearing ngayon sa Congress etc.”
Sa mistulang sarsuwela umano nina Lacson at kampo ng Estrada sa Senado, hinamon ng Mambabatas na ilagay nila sa affidavit ang mga nasabing expose upang mapakinabangan ng pamilya Dacer at Corbito, maging ng mga kamag-anak ng Bentains na hanggang ngayon naghahanap pa rin ng katarungan.
“Yon nga ang problema ni lacson puro papogi points lang dapat kung may matibay siya ebidensya sampa nya sa korte lahat ng sinasabi nya panis na” dagdag pa ni Maglunsod.
|
| |
Sen. Lacson at Sen. Madrigal pinagsosorry sa taumbayan
|
| |
PINAGSO-SORRY ng Nationalista Party(NP) ni Sen. Manny Villar sina Sen. Jamby Madrigal at Sen. Panfilo Lacson sa taumbayan, matapos na durugin mismo ng sariling testigo ng mga Senador ang paratang na may overpricing sa zonal valuation ng lupang dinaanan ng C-5 road extension project.
Nang hihinayan si NP spokesman Gilbert Remulla sa umano’y pagsasayang ng pera ng dalawang Senador sa mga imbestigasyon upang magimit sa pamumulitika laban kay Sen. Villar.
“Napapanahon na humingi ng paumanhin ang dalawang senador di lamang kay Sen. Villar kundi sa buong sambayan,” dagdag pa ni Remulla, “Sinayang nila ang pera ng mamamayan sa walang kuwentang imbestigasyon at paglilinlang ng taumbayan para lamang sa pamumulitika.”
Pinag-aaralan din ng abogado ni Sen. Villar kung posibleng kasuhan ang dalawang Senador, na malinaw lamang umano na ginamit ang imbestigasyon para manira.
“Kasalukuyang pinag-aaralan ng mga abogado ni Sen. Villar kung maaring sampahan ng kaso ang mga senador sa maliwanag na paninirang ginawa nila,” ani Remulla.
Posibleng hilingin din umano nila sa Korte Suprema na pa-disbar si Atty. Ernesto Francisco, dahil sa mga paratang ng abogado na dinurog naman ng sarili nilang abogado.
“Pinag aaralan din kung maaring kasuhan si Atty. Francisco sa korte suprema para ma disbar,” anang pa ng dating Kongresista ng Cavite.
|
| |
Sen. Roxas oportunista - solon
|
| |
WALANG “moral ascendancy” si Sen. Manuel Roxas upang kundinahin umano nito ang maling ginagawa ng kasalukuyang administrasyon, dahil nagmistulan umanong “sleeping beauty” ang Senador ng panahong pinupursige ng genuine opposition ang impeachment case laban kay Pangulong Gloria Arroyo simula noong 2005.
Pinahihito rin ni Agusan del Sur Rep. Rodolfo “Ompong” Plaza, stalwart ng NPC si Sen. Roxas sa pagiging oportunista umano nito, sa pagporma ng Senador bilang kampiyon ng kabutihan laban sa kasamaan, ganun kabilang din siya sa dating sumusuporta sa administrasyon.
“Where is Mar Roxas when the country needed him most during the impeachment cases against President Arroyo? He did not take a position and remained silent. He was sleeping with his devil and now he is claming that the fight is about wrong and illegal. He is now against the government because he is running for higher position,” ani Plaza na matunog na tatakbong pagkasenador sa ilalim ng partido ng NPC ni Sen. Chiz Escudero.
Pinabulaanan naman ng Kongresista ang batikos ni Sen. Roxas na wala umanong ginawang mabuti ang pamahalaang Arroyo, ganun may kapakipakinabang na proyekto ang Gobyerno halimbawa na umano ng “nautical highway at super region or the concreting of roads and infrastructure.”
Sinabi pa ni Plaza na hindi umano dapat ipagwalang bahala na lamang ng Senador ang mabuting proyekto ng pamahalaan, at hindi umano dapat na basta na lamang banatan ang gobyerno para lamang sa pansarili nitong ambisyon sa politika, dahil “trying hard” umano siya.
Kaugnay nito, inalala naman ni former Iloilo Rep. Rolex Suplico si former Sen. Franklin Drilon isa sa mga adviser ni Sen. Noynoy Aquino, na minsan nitong inalok si Pangulong Aroyo na ilipat ang Malacañang sa Iloilo sa panahon ng kasagsagan ng protesta sa Metro Manila laban sa pamahalaan.
Sinabi ni Suplico na dapat umanong tanungin ni Roxas ang kanyang mga kapartido na tignan muna ang mga sarili, bago umasta bilang partido ng oposisyon.
“I recall that it was the LP which shouted: We love you GMA, transfer Malacanang to Iloilo ! It was also the LP House contingent which defended GMA during the first impeachment. LP officials had occupied Cabinet positions. LP stalwarts were also involved in the new Iloilo Airport scandal. The LP is also a member of the administration coalition in Congress until this time. Look who is talking!” ani Suplico, Vice governor ng Iloilo.
|
| |
Foreign Affairs Sec. Romulo susuportahan si Sen. Noynoy Aquino, habang si SEc. Gilbert Teodoro naman ang susuportahan ng Anak
|
| |
TINIYAK ni PASIG City Rep. Roman Romulo ang kanyang suporta kay Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro, makaraang aminin ng kanyang Ama na si Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo kay Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III na ilalalan ang kanyang suporta.
Sinabi ni Romulo na nakipag-usap umano siya kay Teodoro upang tiyakin ang kanyang suporta, na inilarawan ng Kongresista bilang kuwalipikadong kandidato na magagawa umano ang trabaho bilang Pangulo.
“Nagka-usap na kami ni Gibo at sinabi ko ang personal commitment ko sa kanya,” ani Romulo matapos magdeklara ang kanyang ama na sususportahan nito ang pambato ng Liberal Party(LP).
“Ako po ay may personal commitment kay Gibo, may kakayahan siya at magagandang katangian para gampanan ang trabaho ng isang Pangulo ng bansa, tandaan natin na bilang DND secretary ay marami siyang nagawa laban sa mga tiwaling kontrata,” dagdag pa Rep. Romulo.
Pinagtanggol naman ng batang Romulo ang kanyang Ama na hindi umano na “hindi sapat para hilingin ang kanyang resignation although the Cabinet member serves at the pleasure of the President,” ganung hindi pa naman nito kinakampanya si Aquino.
“Hindi ibig sabihin na hindi siya (Sec. Romulo) bilib sa ibang mga kandidato, special case ang kanyang relasyon sa pamilya Aquino,” pagtatanggol pa nito.
Nirerespeto naman ni Speaker Prospero “Boy” Nograles Jr. ang naging pahayag ni Sec Romulo na isang desente at tapat na tao.
“He is dignified and with solid principles and track record. Let us respect the man. Whatever it is he decides is fine by me. I truly respect him,” ani Nograles.
Ganun paman, suportado naman ni Nograles ang panawagan na magbitiw ang sinomang miyembro ng Gabinete na hindi susuporta sa magiging standard bearer ng partido ng Administrasyon.
“If you look at, it’s like a team. Team players follow the game plan of the coach. If they don’t, they are benched and wont play at all,” ani Nograles.
Pero para kay Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, walang dahilan upang sipain si Sec. Romulo sa Gabinete pangulo dahil lamang sa iba ang susuportahan nito.
“Kung tutuusin hindi tamang dahilan ang sinabi ni DFA Sec. Romulo para pagbitiwin siya- walang kinalaman sa trabaho niya o paggampanan ng tungkulin,” saad pa ni Ocampo.
|
|