| |
Bagyong Ondoy sinalanta ng matindi ang Metro Manila at 26 na probinsya
|
| |
ISINAILALIM na sa state of calamity ni Pangulong Gloria Arroyo ang 26 na lugar kasama na ang Metro Manila dahil sa matinding flashfloods dala ng bagyong Ondoy.
Ang pagsasailalim ng state of calamity ay kahiligan na rin ni National Disaster Coordinating Council (NDCC) chairman at Defense Secretary Gilbert Teodorona kinabibilangan ng lugar ng Aurora, Quirino, Nueva Viscaya, Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, Rizal, Quezon, Isabela, Mt. province, Ifugao, Benguet, La Union, Ilocos Sur, Laguna, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Camarines Norte, at Batangas.
Sa ganitong paraan may kapangyarihan ang lokal na pamahalaan na magamit ang kanilang calamity fund para makatulong sa relief operations sa mga apektadong mga residente.
Kinumpirma naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)na ang bagyong ondoy ang pinakamalalang bagyo na naranasan ng Metro Manila.
BAtay sa Pagasa, sa loob lamang ng anim na oras, nakapagtala sila ng 341 millimeters ng rainfall sa Metro Manila lamang na kung tutuusin ganito karaming ulan dapat ang inaasahan babagsak sa loob ng isang buwan.
Dahil dito marami ring mga residente ang nagulat na hindi naman dumaranas ng ganitong katinding flashflood ang kanilang mga lugar.
Naniniwala ang PAGASA na dala ng pagbabago ng panahon dagdag pa rito ang mahinang drainage, pulusyon at malaking problema sa basura kung bakit nakaranas ng malawakang pagbaha ang Metro Manila gawa ng malakas na buhos ng ulan.
Sa kasaysayan na naitala ng PAGASA ang pinakamalalang ulan umano na naitala na tumama sa Kamaynilaan ay nangyari noong Hunyo 7, 1967 kung saan umabot sa 334.5 millimeters ang rainfall sa loob ng 24 oras pero binasag ito ng bagyon si ondoy.
Marami naman ang nai-stranded sa tatlong terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bunsod ng mga kanselado at delayed flights dala ng bagyong Ondoy. Hindi naman makabalik sa kanilang mga tahanan ang maraming pasahero gawa ng mga pagbaha.
Kabilang ang mga kinaselang biyahe ng Phil. Airlines ay ang paputang Las Vegas via Vancouver, Bangkok, Hong Kong, Sydney, Australia, at Seoul, South Korea.
Nagpaliban din ng biyahe ang domestic airport tulad ng Cebu Pacific na unang nagkansela gaya ng round trip mula Manila patungong Busuanga, Dipolog, Legazpi, Cebu, Cotabato, Tagbilaran, Naga, Cataraman, Kalibo, at Ozamis.
Magbibigay naman ng $50,000 o katumbas ng P2.4 milyon ang embahad ng America sa Pilipinas bilang agarang tulong mula sa Office of the Foreign Disaster Assistance ng USAID para sa mga nasalanta ng bagyo.
Ibibigay ang nasabing halaga sa Philippine National Red Cross (PNRC) upang ilaan sa rescue and relief operations at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan na kumikilos para sa pagtulong sa mga apektado ng baha.
Nagpaabot din ng kalungkutan si US Ambassador to the Philippines Kristie Kenney dahil sa kalamidad na sinapit ng mga Pilipino.
“Damage of this storm is heartbreaking,” ani Kenney.
|
| |
Bandila ng Pilipinas dadagdagan ng isang sinag ng araw
|
| |
HUWAG mabigla kung pag-uwi mo sa Pilipinas ay may bago ng hitsura ang bandila ng bansa.
Kung dati ay walo lamang ang makikitang sinag ng araw na sumisimbolo sa 8 lalawigan ng bansa na nag- aklas laban sa mananakop ng bansang espanya, magiging siyam na ito matapos na maritipikahan ng Senado ang Kongreso ang panukalang batas na dagdagan ng isa pa ang dating bilang ng sinag na araw sa bandila at hinihintay na lamang na mapirmahan ng Pangulong Gloria Arroyo upang maging ganap na batas.
Nang nakaraang martes na aprubahan na ng bicameral committee ang Senate Bill 3307 at ang bersyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 6424 na gawin siyam ang sinag ng araw sa bandila na kumikilala sa katapangan, kahusayan ng mga Pilipinong muslim na nakipagdigma laban sa pananakop ng Espanya alang-alang sa kasarinlan ng bansa.
Ayon kay Senator Richard Gordon ang dalawang panukalang batas ay may layuning amiyendahan ang Republic Act No. 849, o ang “An Act Prescribing the Code of the National Flag, Anthem, Motto, Coat-of-Arms and Other Heraldic Items and Devices of the Philippines.”
Binalewala naman ni Gordon ang pagharang ng National Historical Institute na ginigiit na huwag isali ang kasaysayan sa pamumulitika lamang.
“I don’t care what they think about it. Once it is signed, they should follow the law," dagdag pa ni Gordon, “We are a country that has had a conflict with our Muslim brothers for the last so many decades. I think this is a big step towards reuniting our country, recognizing the contributions of our fellow countrymen, the Filipino Muslims. We should recognize their deeds in our country."
Kabilang ang iba pang miyembro ng joint Senate-House panel sina Sen. Juan Miguel Zubiri, at Representatives Del De Guzman, chairman of the House contingent, kasama sina Ma. Carissa Coscoluella, Salvador Escudero III, at Roman Romulo bilang miyembro.
Nilinaw ni Gordon na ang bandila ng Pilipinas ay hindi lamang umano sumisimbolo sa pananaw ng “sovereignty and solidarity” ng bansa, kumakatawan din umano ito sa mga pananaw at tradisyon na humulma sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ang tatlong bituin sa bandila ay sumisimbolo sa tatlong major geographical divisions ng bansa: Luzon, Visayas at Mindanao; habang ang walong sinag ay kumakatawan saw along probinsya na lumaban sa rehiment espanya, ito ang Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Manila, Nueva Ecija, Pampanga, at Tarlac.
Binigyan diin ng Senador ang pangsiyam na sinag ng araw ay pagkilala sa katapangan ng mga national heroes ng bansa na nakipaglaban sa kalayaan, pero tila nalilimutan ang mga bayaning muslim at ang kanilang kadakilaan, halimbawa na nila Lapu-Lapu, Sultan Kudarat at Rajah Sulayman na nakipaglaban para sa kalayaan.
|
|