Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Marikina City kailangan ng P1 bilyon para muling makabangon
 
ISANG bilyong piso ang hinihiling ng Marikina City upang ma-rehabilitate ang mga winasak ng bagyong
Ondoy.

Ito ay ayon kina  Marikina City Rep. Del Guzman at Marcelino Teodoro matapos manalanta ang bagyong
Ondoy sa kanilang distrito ng nakalipas na Sabado.

Para kay De Guzman, maliban sa  P1 bilyong pondo para para makabangon ang Marikina, magtitiis pa sila
ng anim buwan  hanggang isang taon bago muling magbalik ang sigla ng syudad.

“Sa estimate tatagal ang rebuilding ng lungsod for about six months up to one year. Heavy damaged ang city
so it will take long to recover. Kailangan ng malaking budget, up to P 1 billion siguro,” ani De Guzman.

Sinabi naman ni Teodoro, na ilalaan ang  P1 bilyong pondo sa pag-reconstruct ng mga nasira sa lungsod
tulad ng  ng mga health centers, eskwelahan at iba pa na iwan ng bagyong si Ondoy.


“Marami pang dapat ayusin sa lungsod dahil lahat ng mga facilities ng lungsod, mga infrastructures ay
talagang nasira dahil sa bagyo, sa tubig baha. Sa tingin ko, aabutin ito ng six months up to one year para
maka-recover ang lunsod,” ani  Teodoro.

Kinumpirma pa ni Teodoro  nasa 80 porsiyento ng mga residente ng Marikina City ay labis na naapektuhan
ng bagyo, kabilang dito ang halos  60,000 residente ang nailikas dahil ang kanilang bahay ay nilubog ng
baha.

“Ang mga affected residents are still in the evacuations centers at hindi pa sila makabalik sa kanilang mga
bahay dahil iyong mga roads natin ay hindi pa rin madaanan dahil sa tindi ng putik,” dagdag pa nito.


Dinagdag naman ni de Guzman, “They’re still clearing roads dahil maraming mga gamit pambahay, mga
sasakyan, mga puno at iba pa ang nakaharang sa daan. Kailangan unahin ito, bago tanggalin ang mga putik
para madaanan.”

Maliban sa mga dumadating na  relief operations sa Marikina, hiniling din ni Teodoro  na magpadala din ng
mga gamot dahil  marami na umanong nagkakasakit partikular na ang mga bata,  maging ang nasugatan
habang sinasagawa ang rescue operations.


“So far marami pong tulong na dumating, food, clothings. Sana magpadala din sila mga gamot like
paracetamols at mga anti-tetanus para sa mga nasugatan,” ani Teodoro.

Ayon pa kay Teodoro na maghihintay pa sila ng isang linggo upang maibalik ang normal na operasyon ng
kuryente sa Marikina, dahil maging ang mga poste ay nasira din sa baha.

Nakikiusap naman ang dalawang kinatawan ng Marikina  sa Department of Education na makipagtulungan
sa kanila na maayos ang mga paaralan sa syudad na sinira ng kalamidad.

“Pati ang textbooks ng mga schools, marami po ang nasira o natangay ng tubig bahay. So, I’m calling DepEd
na tulungan kami sa bagay na to,” pakiusap pa ni Teodoro.
 
announcment ng NPC postponed dahil kay Ondoy
 

MULING pinagpaliban ang pinakahihintay na announcement ng isa sa pinakamalaking partido sa bansa ang  
pro-administration Nationalist People’s Coalition (NPC) ngayon Martes dala ng matinding pagtama ng
bagyon Ondoy sa bansa.

Sa isang panayam sinabi ni  Valenzuela Rep.  Rex Gatchalian, spokesman ng NPC, napagdesisyunan ng
partido na ipagpaliban muna ang ngayon gabi ang pagtitipon ng NPC na ihahayag na nila sana ang kanilang
magiging standard-bearer ng lapian.


Pero dahil sa matinding epekto ng bagyong Ondoy na pagpasyahan ng partido na ipagpaliban na lamang
ang nasabing pagtitipon.


“We arrived at a decision to cancel the political event tomorrow (Tuesday) as an aftermath of the typhoon,” ani  
Gatchalian na pagpipilian ng partido sina Sen.  Francis “Chiz” Escudero at Sen. Loren Legarda sa posibleng
maging ‘manok’ ng NPC sa pangpanguluhang halalan.


Nauna ng pinagpaliban ang political event ng NPC ng nakaraang September 23 dala ng hindi makakarating
mahahalagang miyembro ng partido.


Pero ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, na malaki ang posibilidad na si Escudero ang dadalhin ng
partido, gawa na  ang bumuo ng NPC na si businessman billionaire Eduardo “Danding” Cojuangco ay
pumapabor sa Senador na maging NPC’s standard-bearer kumpara kay  Legarda.


Sinabi naman ni Gatchalian na ang ilalaan nilang pera sa pagtitipon ay iaabuloy na lamang muna nila sa
mga nabiktima ni Ondoy.


“We will just give the amount intended for the scheduled activity to the victims of massive flooding,” dagdag pa
ni Gatchalian.

Hindi naman nilinaw ni Gatchalian kung kailan posibleng araw ng pagdedeklara ng kanilang kandidato, “we
will schedule it as soon as the situation stabilizes.”


Pero para kay Agusan del Sur Rep.  Rodolfo “Ompong” Plaza, miyembro ng NPC at matunog na tatakbo sa
pagkasenador, sa darating Oktobre 10, araw ng ika 40 kaarawan ni Escudero gaganapin ang political event
ng NPC.

“Postponed dahil sa calamity.  Sa birthday na ni Chiz (gaganapin),” ani Plaza sa pamamagitan ng  text
message.

Sa isang source naman mula sa NPC sinabi na ang  announcement ng plano ng  NPC ay posibleng
mangyari sa  ika-12 ng Oktobre.
 
Kongreso mag-aambagan para sa mga nasalanta ng bagyo
 
SUPORTADO ni Anak Mindanao (Amin) Party list Rep.  Mujiv Hataman ang panawagan na magkaroon ng
kontribusyon ang mga Kongresista upang ipang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy.

Sisimulan na rin ng Kongreso ngayon araw ang voluntary cash donation para sa mga biktima ng
malawakang pagbaha mula sa mga kinatawan ng mga distrito sa bansa, matapos na ikansela ni Speaker
Prospero Nograles ang sesyon ng Kongreso kahapon upang matutukan ng mga Kongresista ang kanilang
distrito partikular na ang mga labis na naapektuhan ng bagyong ondoy.

“Perhaps P5,000 or P10,000 donation from each congressman will do,” ani Hataman.

Sinabi naman ni Ilocos Norte Rep.  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tatalakayin nila ngayon sa plenaryo
kung paano matutulungan ang mga nasalanta ng baha.

“Bakit hindi, expected na magpa-pass kami ng hat at pledge for the victims.  That will be discussed during the
resumption of session,” pahayag pa ni Marcos ang makukuhang donasyon ay agad na pararatingin sa mga
masnangangailangan biktima.

Nilinaw naman ni Nograles  na ang nasabing donasyon ay boluntaryong ibibigay ng mga Kongresista
depende sa kanilang pasya.

“We will ask congressmen voluntarily to donate cash to the victims,” ani Nograles.
 
Climate change commission ipinanukala
 
DAHIL sa nakakabahala na ang nagiging epekto ng Climate change sa bansa, minungkahi ng isang
Kongresista na magtayo na ng isang Komisyon na siyang mag-aaral sa pabago-bagong panahon na
nagreresulta ng malalakas na pag-ulan.


Naniniwala si Buhay Partylist Rep. Irwin Tieng na napapanahon na upang magkaroon ng sersyosong pag-
aaral hingil sa climate chage.


“Dapat talaga gumawa na tayo ng komisyon na mag-aaral sa climate change,”  dagdag pa niya,  “nakikita
naman natin na paibaiba na talaga ang weather patterns dito sa pilipinas.”



Para naman kay Baguio City Rep. Mauricio Domogan, na kailangan kumuha ng mga experts na popondohan
ng gobyerno upang pag-aralan lamang ang climate change.


“A communication from our experts that will full time   focus on it with budget,”  ani Domogan.

Nanawagan naman ang Kongresista sa mamamayan na maging mapagmahal sa kalikasan, kahit sa
pamamagitan lamang ng pagtatapon ng basura sa tamang lugar.


“Dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito ka grabeng baha. Dapat din tigilan na natin ang pagkakalat sa ilog
dahil isa rin ito sa mga sanhi ng baha,” pahayag pa ni Tieng.


Matatandaan na kinumpirma ng PAGASA na epekto na ngayon ng climate change ang nararansan ng bansa,
at inaasahan pa na magkakaroon ng malalakas na buhos ng ulan dala ng pagbabago ng panahon.
 
Patay sa bagyong ondoy umabot na sa 86 -ndcc
 
TINATAYANG nasa  86 ang kumpirmadong patay sa kalamidad na dala ng bagyong Ondoy na nagdulot ng
malawakang baha sa Metro Manila at sa maraming panig ng National Capitol Region(NCR).

Batay sa pinakahuling  update ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) umaga ng Lunes 28 ng
September, ayon kay  Defense Secretary Gilbert Teodoro may pitong patay  sa NCR, 23 sa region 3, 56 sa
region 4a (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) kabilang  dito ang limang military personnel na
natabunan sa landslide habang nagsasagawa ng rescue operation.

Nilinaw naman ni Teodoro na hindi pa kabilang  dito ang 25 sa Quezon City, 58 sa Marikina at 17 sa Antipolo
City sa Rizal.

Dinagdag pa ni  Teodoro,  na nasa 63 kabilang ditto ang  nawawala  32 katao sa Benguet, 20 sa Tanay, Rizal,
9 sa Pangasinan at dalawa sa Arayat, Pampanga.

Tinaya namana na aabot sa P60 million ang halaga ang nasira sa pananalasa ni bagyong Ondoy, kabilang
ditto ang   P41 milyon sa imprastaktura, P19.2 million sa mga paaralan at P212,000 sa agrikultura.

Umabot naman sa 436,646 katao ang apektado ng pagbaha at 115,890 indibiwal naman ang nasa 204
evacuation centers.
 
Bandila ng Pilipinas dadagdagan ng isang sinag ng araw
 
HUWAG mabigla kung pag-uwi mo sa Pilipinas ay may  bago ng hitsura ang bandila ng bansa.

Kung dati ay walo lamang ang makikitang sinag ng araw na sumisimbolo sa 8 lalawigan ng bansa na nag-
aklas laban sa mananakop ng bansang espanya, magiging siyam na ito matapos na maritipikahan ng
Senado ang Kongreso ang panukalang batas na dagdagan ng isa pa ang dating bilang ng sinag na araw sa
bandila at hinihintay na lamang na mapirmahan ng Pangulong Gloria Arroyo upang maging ganap na batas.

Nang nakaraang martes na aprubahan na ng bicameral committee ang Senate Bill 3307 at ang bersyon ng
Mababang Kapulungan ng Kongreso ang  House Bill 6424 na gawin siyam ang sinag ng araw sa bandila na
kumikilala sa katapangan, kahusayan ng  mga Pilipinong muslim na nakipagdigma laban sa pananakop ng
Espanya alang-alang  sa kasarinlan ng bansa.

Ayon kay Senator Richard Gordon ang dalawang panukalang batas ay may layuning amiyendahan ang  
Republic Act No. 849, o ang  “An Act Prescribing the Code of the National Flag, Anthem, Motto, Coat-of-Arms
and Other Heraldic Items and Devices of the Philippines.”

Binalewala naman ni Gordon ang pagharang ng National Historical Institute na ginigiit na huwag isali ang
kasaysayan sa pamumulitika lamang.

“I don’t care what they think about it. Once it is signed, they should follow the law,"  dagdag pa ni Gordon,  “We
are a country that has had a conflict with our Muslim brothers for the last so many decades. I think this is a big
step towards reuniting our country, recognizing the contributions of our fellow countrymen, the Filipino
Muslims. We should recognize their deeds in our country."

Kabilang  ang iba pang miyembro ng joint Senate-House panel sina Sen. Juan Miguel Zubiri, at
Representatives Del De Guzman, chairman of the House contingent, kasama sina Ma. Carissa Coscoluella,
Salvador Escudero III, at Roman Romulo bilang miyembro.

Nilinaw ni Gordon na ang bandila ng Pilipinas ay hindi lamang umano sumisimbolo sa pananaw ng  
“sovereignty and solidarity” ng bansa, kumakatawan din umano ito sa mga pananaw at tradisyon na
humulma sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ang tatlong bituin sa bandila ay sumisimbolo sa tatlong major geographical divisions ng bansa: Luzon,
Visayas at Mindanao; habang ang walong sinag ay kumakatawan saw along probinsya na lumaban sa
rehiment espanya, ito ang  Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Manila, Nueva Ecija, Pampanga, at Tarlac.

Binigyan diin ng Senador ang pangsiyam na sinag ng araw ay pagkilala sa katapangan ng mga national
heroes ng bansa na nakipaglaban sa kalayaan,  pero tila nalilimutan ang mga bayaning muslim at ang
kanilang kadakilaan, halimbawa na nila Lapu-Lapu, Sultan Kudarat at Rajah Sulayman na nakipaglaban para
sa kalayaan.
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine