Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
House of Representatives magpapalabas ng P17.5 milyon para sa 3,500 empleyado na
naapektuhan ng baha
 
MAGPAPALABAS ng P17.5  milyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso bilang calamity assistance sa  
3,500 empleyado ng Kamara na naapektuhan ng malawakang baha dala ng bagyong Ondoy.

Ang hakbangin na ito ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang labis na pinasasalamat ni Gary Agoncillo,
empleyado ng Kongreso na naka-talaga sa   Media Affairs Service of the Public Relations and Information
Bureau (PRIB), na naninirahan sa

No.  22 Saint Peter St . , Phase 5, Bgy.  Banaba, San Mateo , Rizal na labis naapektuhan ng bagyo ng
nakaraang Sabado.

“This is a very timely help extended to us and my family is very grateful.  We really badly need assistance to
repair our home.  Salamat po,” ani Agoncillo na nakatanggap ng P5,000 bilang  calamity assistance.

Pero ayon sa isang empleyado na hindi na nagpabanggit ng pangalan, maraming mga empleyado ang hindi
nakatanggap ng P5,000 calamity assistance, dahil ang kanilang  automated teller machine (ATM) ay
nakasangla sa tinatawag na  loan sharks sa Kongreso.

“We are just victims of circumstances and high interest rates by unlicensed creditors (loan sharks), these are
the reasons why our ATMs stay with them longer than our pockets.  We can’t complain and we only hope that
the holder will report for work tomorrow (Wednesday),” pahayag pa ng empleyado.

Pinaliwanag naman ni Speaker Prospero “Boy” Nograles Jr. na ang layunin ng  hakbangin ng Kongreso ay
upang matulungan ang mga empleyado  na maibsan miski papano ang naging epekto ng bagyo, pero
maliban sa mga naapektuhan ng bagyong ondoy, kabilang din sa mabibigyan ng tulong ang mga
empleyadong hindi naapektuhan ng baha.

“Yes calamity assistance, because many of our staff and employees were affected.  Many lost everything, our
own Congressville subdivision was under water,” dagdag pa ni Nograles.
 
2 buwang suweldo ng Gabinete ng Pangulong Arroyo ilaan sa mga naapektuhan ng
bagyo
 
INAPRUBAHAN ni Pangulong Arroyo ang kahilingan ni Vice President Noli de Castro na ilaan ng mga
Gabinite ang kanilang dalawang buwang suweldo, upang gamitin sa rehabilitasyon at relief operations sa
mga nasalanta ng bagyo.

Ang kahilingan ni  De Castro ay sinabi sa gitna ng NDCC meeting na agad namang inaprubahan ng
Pangulong Arroyo.

Nanawagan naman si De Castro sa mga  private sector na agahan ang pagbibigay ng mga year-end bonus
ng kanilang manggagawa lalo na sa mga apektadong residente.

Pero sa kawani ng pamahalaan, maagang makukuha ng mga empleyado ang kanilang 13th month pay
matapos maaprubahan ng Pangulo.

Inutusan din ng Pangulo ang SSS at DOLE na bumuo ng mga remedial measures at loan restructuring o
refinancing kaugnay sa pangungutang ng mga miyembro at manggagawa.

Bubuhayin naman ni  SSS administrator Romulo Neri ang housing repair loan kung saan magpapalabas sila
ng P3 billion hanggang P5 billion para sa proyekto.
 
Pagtapos ni Ondoy, bagyong Pepeng nagbabanta na pumasok
 
HINDI paman nakakabangon ang bansa sa epekto ng bagyong Ondoy, nagbabanta naman bagyong pepeng
na patuloy ang paglakas na  may international name na Parma habang lumalapit  sa Philippine area of
responsibility.



Batay sa ulat na pinalabas ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ng Estados Unidos, umabot na sa 75
kilometers kada oras ang taglay na hangin ni Pepeng at may pagbugsong 95 kilometers bawat oras.



Huling namataan ang tropical storm  sa layong 1,510 kilometers east south east of Surigao City o 1,850
kilometers southeast of Naga City at kumikilos ito ng west south west sa bilis na 28 kph.



Inaasahang na lalong lalakas si pepeng habang bumabaybay sa karagatan patungo sa Pilipinas dahil sa
walang gaanong nakakasagabal sa kaniyang pagkilos.



Nilinaw naman  Pagasa  na posibleng lumihis si pepeng patungo sa direksyon ng Taiwan,  kung sakaling
hindi nito tamaan ang Pilipinas.



Sinabi ni Pagasa Director Prisco Nilo, na kung hindi lumihis ang bagyo papasok ito sa Philippine area of
responsibility  gabi ng Martes o araw ng Miyerkules at posibleng maramdaman sa susunod na linggo.



At kapag hindi lumihis ang direksyon ng bagyo, maapektuhan nito ang bahagi ng northern Luzon o ang
eastern Luzon.
 
Tinatayang mahigit 200 patay pagkatapos ng bagyong ondoy
 
KUNG susumahin ng mga ulat ng Lokal na pamahalaan aabot na sa mahigit dalawang daan ang patay dala
ng pananalasa ng bagyon Ondoy sa buong Gitnang Luzon at  Calabarzon.

Pero sa pinakabagong ulat ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) sa ganap na alas-4 ng hapon
ng Lunes, umabot na sa 140 ang naitalang patay base na rin sa   pending reports mula local government
units.


96 naman ang namatay sa  Region IV-A o Calabarzon area; 36 Region III o Central Luzon; 7 sa National
Capital Region at 1 sa Cordillera Administrative Region.


habang nanatili naman sa 32 ang nawawala. 5 katao ang nasugatan sa kasagsagan ng bagyo. Umaabot
naman sa 90,223 pamilya ang apektado o 453,033 katao sa 398 barangay.

Pero kung pagbabatayan ang ulat ng  local government units (LGUs) at volunteer group pinapakita na higit pa
sa 200 ang pinatay ng bagyong Ondoy.


Sa probinsya pa lamang ng  Rizal, 82 ang patay ang naitala, batay sa ulat sa radyo na sinabi ni Gov. Casimiro
Ynares, linggo ng umaga. Sa magkahiwalay na bilang sa sinabi naman ng  Parish Pastoral Council na may
36 katao ang natagpuang patay sa  Brgy. Silangan sa Quezon City, pero  ayon sa  Quezon City police  45 na
katawan ng tao ang natagpuan.


Habang sa Marikina City tinatayang nasa  58 ang namatay, batay sa ulay na nakarating kay Defense Secretary
Gilberto Teodoro Jr.


Ayon naman kay  Antipolo City Mayor Danilo Leybe , 22 ang patay, habang 4 ang nawawala, walo sa 22 ay
mula sa  Barangay (village) San Jose, habang ang iba ay sa barangay Dela Paz, Sta. Cruz, at Cupang.


Sa probinsya naman ng Bulacan, nasa  23 katao ang namatay at 2 ang nawawala, ito ay batay kay Liz
Mungcal, executive officer ng Bulacan Provincial Disaster Management Council.


Ayon pa kay Mungcal, 19 na munisipalidad at tatlong siyudad na sumasakop sa 209 na barangay  at matindi
ang naging epekto ng bagyong Ondoy, na apektuhan nito ang  63,962 pamilya o  252,979 katao.


Sa pinakahuling ulat, ganap na ala una ng hapon, Lunes sinabi  ni Ernesto Montencillo, provincial social
welfare officer ng probinsya ng Laguna  walo ang natagpuang patay. 72,170 pamilya o 310,593 katao ang
naapektuhan ng bagyo na sumasaklaw sa 19 na munisipalidad na may  150 barangay.
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine