Pagkamatay ng 2 US soldiers hindi dapat gamitin ng mga kritiko ng VFA
|
| |
NANAWAGAN kahapon ang mga KOngresista mula sa Mindanao sa mga kritiko ng RP-US Visiting Forces Agreement (VFA), na huwag ng gamitin pa ang pagsabog sa Sulu na kinamatay ng dalawang Amerikanong sundalo at isang Pilipinong Marine na papunta sana sa humanitarian mission na bahagi sa kapakinabangan ng bansa sa kasunduan sa U.S.
Sinabi ni Zamboanga del Sur Rep. Antonio Cerilles, senior member ng House committee on Mindanao affairs, dapat umanong tandaan ng mga kritiko na biktima ng madugong insidete ng pagsabog gawa ng landmine ang 2 kano at 1 Pinoy habang binabaybay ang Barangay Kagay, Indanan, Sulu.
“Please remember the Americans are the victims, they are on their way to do humanitarian works in the process. They were the victims of landmines. We should respect the bilateral agreement as the US government is respecting. The same, the senators have nobody to blame except themselves because it was they who was tasked to study, review and passed the treaty, the least they can do, is to respect it until the same expires,” ani Cerilles.
Ganito rin ang pananaw ni Speaker Prospero “Boy” Nograles Jr. na humanitarian mission at hindi ang sa pakikidigma namatay ang mga sundalo.
“The American marines died not because of fighting but because they were helping build roads and school houses in depressed areas. We want to win the minds and hearts of people and not fight them with guns bullets and the like. It’s a risk for humanity,” ani Nograles.
Pero para kay Cebu Rep. Antonio Cuenco, chairman ng House committee on foreign affairs, malaking tulong sa bansa ang suporta ng Amerika sa gera ng Pilipinas laban sa terorismo.
Sinabi naman ni Union Rep. Thomas Dumpit Jr., dating military intelligence officer at vice chairman ng House committee on public order and safety, na “renegotiate the VFA and not terminate it.”
Dahil sa pangyayaring ito, naniniwala si Nograles na lalo lamang pinahihirap ang usapan pangkapayapaan sa pagitan ng mga rebeldeng muslim at pamahalaan.
“They have become incorrigible recidivist. They make peace process so difficult to implement,” dagdag pa ni Nograles.
|
| |
P10 bilyon calamity funds ipapasa ng Kongreso at Senado
|
| |
MINAMADALI ngayon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpasa sa P10 bilyon na supplemental budget bilang calamity assistance sa maga naapektuhan ng bagyong Ondoy, na nagresulta ng malawakang baha sa Metro Manila at kalapit probinsya ng nakaraang Sabado.
batay sa proposal na napagkasunduan sa dalawang oras na dinner meeting sa Sofitel Hotel sa Pasay City Martes ng gabi, na kinabibilangan nina Senate President Juan Ponce Enrile, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Sens. Edgardo Angara, Loren Legarda and Rodolfo Biazon, Deputy Speaker Raul del Mar, House Deputy Majority Leader Neptali Gonzales II, Quirino Rep. Junie Cua at An Waray Rep. Florencio “Bem” Noel.
Ayon kay Cua, chairman ng House committee on appropriations, ang layunin ng P10 bilyon ay upang ipang tulong sa mga biktima ng baha sa pamamagitan ng muling pagpapatayo ng kanilang nasirang tahanan, at pagpapalawig ng livelihood programs sa pamamagitan ng “special quick-disbursing fund" para sa mga biktima ng bagyo.
“Intended for augmenting the calamity fund of the President, which has been depleted,” ani Cua. “We thought of an approach to just proceed with a supplemental budget to increase the calamity fund to be used for the damages caused by typhoon.”
Sinabi naman ni Noel na inaasahan nila na ngayon araw ng Miyerkuls masusumite sa kongreso ang bill ng mga lider ng Kongreso.
“This is very urgent measure that must be approved with dispatch,” ani Noel.
Maliban sa mga mambabatas, tiniyak naman ng palasyo na agad raratipikahan ang panukala para sa agarang pagpasa nito.
Ang katiyakang ito ay pinaabot nina Budget Sec. Rolando Andaya, Public Works and Highways Sec. Hermogenes Ebdane Jr., at Defense Sec. and National Disaster Coordinating Council (NDCC) chairman Gilbert Teodoro Jr. na dumalo din sa meeting.
Ayon naman sa source, tiniyak umano kay Andaya ni Finance Sec. Gary Teves na may paghuhugutan ang Gobyerno ng P10 billion pondo.
Matatandaan na sinabi ng NDCC na umabot sa P4.6 bilyon ang napinsala ng bagyo.
Sa nasabing halagan ay mula sa infrastructure na may halagang P1.5 billion, P1.5 billion, habang sa agrikultura ay P3.175 bilyon.
Kabilang pa ditto ang 1,939,729 katao o 334,959 pamilya ang naapektuhan ng bagyo.
|
| |
pagkamatay ng 2 US soldiers hindi dapat gamitin ng mga kritiko ng VFA
|
| |
INAPRUBAHAN ni Pangulong Arroyo ang kahilingan ni Vice President Noli de Castro na ilaan ng mga Gabinite ang kanilang dalawang buwang suweldo, upang gamitin sa rehabilitasyon at relief operations sa mga nasalanta ng bagyo.
Ang kahilingan ni De Castro ay sinabi sa gitna ng NDCC meeting na agad namang inaprubahan ng Pangulong Arroyo.
Nanawagan naman si De Castro sa mga private sector na agahan ang pagbibigay ng mga year-end bonus ng kanilang manggagawa lalo na sa mga apektadong residente.
Pero sa kawani ng pamahalaan, maagang makukuha ng mga empleyado ang kanilang 13th month pay matapos maaprubahan ng Pangulo.
Inutusan din ng Pangulo ang SSS at DOLE na bumuo ng mga remedial measures at loan restructuring o refinancing kaugnay sa pangungutang ng mga miyembro at manggagawa.
Bubuhayin naman ni SSS administrator Romulo Neri ang housing repair loan kung saan magpapalabas sila ng P3 billion hanggang P5 billion para sa proyekto.
|
| |
Pagtapos ni Ondoy, bagyong Pepeng nagbabanta na pumasok
|
| |
HINDI paman nakakabangon ang bansa sa epekto ng bagyong Ondoy, nagbabanta naman bagyong pepeng na patuloy ang paglakas na may international name na Parma habang lumalapit sa Philippine area of responsibility.
Batay sa ulat na pinalabas ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ng Estados Unidos, umabot na sa 75 kilometers kada oras ang taglay na hangin ni Pepeng at may pagbugsong 95 kilometers bawat oras.
Huling namataan ang tropical storm sa layong 1,510 kilometers east south east of Surigao City o 1,850 kilometers southeast of Naga City at kumikilos ito ng west south west sa bilis na 28 kph.
Inaasahang na lalong lalakas si pepeng habang bumabaybay sa karagatan patungo sa Pilipinas dahil sa walang gaanong nakakasagabal sa kaniyang pagkilos.
Nilinaw naman Pagasa na posibleng lumihis si pepeng patungo sa direksyon ng Taiwan, kung sakaling hindi nito tamaan ang Pilipinas.
Sinabi ni Pagasa Director Prisco Nilo, na kung hindi lumihis ang bagyo papasok ito sa Philippine area of responsibility gabi ng Martes o araw ng Miyerkules at posibleng maramdaman sa susunod na linggo.
At kapag hindi lumihis ang direksyon ng bagyo, maapektuhan nito ang bahagi ng northern Luzon o ang eastern Luzon.
|
| |
Tinatayang mahigit 200 patay pagkatapos ng bagyong ondoy
|
| |
KUNG susumahin ng mga ulat ng Lokal na pamahalaan aabot na sa mahigit dalawang daan ang patay dala ng pananalasa ng bagyon Ondoy sa buong Gitnang Luzon at Calabarzon.
Pero sa pinakabagong ulat ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) sa ganap na alas-4 ng hapon ng Lunes, umabot na sa 140 ang naitalang patay base na rin sa pending reports mula local government units.
96 naman ang namatay sa Region IV-A o Calabarzon area; 36 Region III o Central Luzon; 7 sa National Capital Region at 1 sa Cordillera Administrative Region.
habang nanatili naman sa 32 ang nawawala. 5 katao ang nasugatan sa kasagsagan ng bagyo. Umaabot naman sa 90,223 pamilya ang apektado o 453,033 katao sa 398 barangay.
Pero kung pagbabatayan ang ulat ng local government units (LGUs) at volunteer group pinapakita na higit pa sa 200 ang pinatay ng bagyong Ondoy.
Sa probinsya pa lamang ng Rizal, 82 ang patay ang naitala, batay sa ulat sa radyo na sinabi ni Gov. Casimiro Ynares, linggo ng umaga. Sa magkahiwalay na bilang sa sinabi naman ng Parish Pastoral Council na may 36 katao ang natagpuang patay sa Brgy. Silangan sa Quezon City, pero ayon sa Quezon City police 45 na katawan ng tao ang natagpuan.
Habang sa Marikina City tinatayang nasa 58 ang namatay, batay sa ulay na nakarating kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
Ayon naman kay Antipolo City Mayor Danilo Leybe , 22 ang patay, habang 4 ang nawawala, walo sa 22 ay mula sa Barangay (village) San Jose, habang ang iba ay sa barangay Dela Paz, Sta. Cruz, at Cupang.
Sa probinsya naman ng Bulacan, nasa 23 katao ang namatay at 2 ang nawawala, ito ay batay kay Liz Mungcal, executive officer ng Bulacan Provincial Disaster Management Council.
Ayon pa kay Mungcal, 19 na munisipalidad at tatlong siyudad na sumasakop sa 209 na barangay at matindi ang naging epekto ng bagyong Ondoy, na apektuhan nito ang 63,962 pamilya o 252,979 katao.
Sa pinakahuling ulat, ganap na ala una ng hapon, Lunes sinabi ni Ernesto Montencillo, provincial social welfare officer ng probinsya ng Laguna walo ang natagpuang patay. 72,170 pamilya o 310,593 katao ang naapektuhan ng bagyo na sumasaklaw sa 19 na munisipalidad na may 150 barangay.
|
|