Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Sapakan sa PBA masamang halimbawa sa kabataan
 
MASAMANG halimbawa para sa kabataan na umiidolo sa mga baketbolista ng Philippine Basketball
Association(PBA) ang pananapak ng player ng kupunan ng Burger King na si Wynne Arboleda sa isang fan.

Ayon kay House Committee on Rules Chairman at Aurora Rep. Juan Edgardo “Sonny”  Agara, “obvious na
masamang halimbawa yon,”  kaya para sa Kongresista “tama din lang ang ginawang pagsuspindi ng PBA,”  
kay Arboleda.

Alinsunod dito mungkahi ng Angara na “dapat din may patakaran ang PBA para sa fans at di din dapat
pinapayagan na manatili ang fans na sumisigaw ng mga bastos na salita.”

Naiintindihan naman ng Kongresista ang hindi napigilang init ng ulo ng basketbolista, pero masmainam
umano sa susunod, magtimpi ang mga player ng PBA lalo na’t alam nilang silang ay makakasakit.

“Dapat din pagsabihan ang fans na nagmumura lalo na yung nakaupo sa tabing court dahil di din tama yung
nagmumura ng personal,”  dagdag pa ni Angara.

“Kasama yan sa violence in sports,” ganito naman ang naging pananaw ni Nueva Ecija Rep. Edno Joson “na
dapat nauunahan ng mga officials.”

Naniniwala ang Kongresista na maliban sa pakikipagsuntukan, “meron din kasing kasama na gambling
diyan,” kaya mainam umano na magkaroon ng “re-assess” ang PBA sa lahat ng aspeto upang mapigilan ang
bayolenteng hakbangin sa kinahihiligang laro ng mga Pinoy.
 
VINTAGE NA EROPLANO, IPAGBABAWAL NA PALIPARIN
 
NAGBANTA ang mga Kongresista na kakasuhan ang sino mang pribadong hospital, maging ang
pampublikong Hospital kapag tinanggihan ang mga pasiyenteng may sakit na  leptospirosis particular na
ang mga nabiktima ng baha.

Ayon kay Bayan Muna Rep.  Teddy Casino, hindi dapat umano hinayaan na lamang ang mga hospital na
basta na lamang tanggihan ang mga pasiyente na may liptospirosis sa pangamba na hindi ito
makakabayad, matapos na mabiktima ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Bagkus minungkahi nito na kasuhan ang mga hospital na gagawa sa hindi makataong pagtrato sa mga
nasalanta ng baha na may sakit na nagmumula sa ihi ng daga. Habang tanggalan naman lisensya ang mga
Doktor na magiging pasimuno sa nasabing gawain.

“hindi dapat i-tolerate yan. These hospitals should be held criminally liable for refusing to admit patients.
Docs agreeing to the practice should be stripped of their licenses,”  ani Casino.

Sang-ayon dito si Nueva Ecija Rep. Edno Joson na  “puwede kasuhan yun private o public hospital na
gagawin yun” kung sakaling tangihan nila ang mga pasiyente na may sakit leptospirosis man o hindi.

Naniniwala naman si Aurora Rep. Sonny Angara na labag sa sinumpang tungkulin ng mga medical
practitioner na tanggihan ang mga pasiyente sa pagamba na hindi ito makabayad sa hospital bill.

Dagdag naman ni Buhay partylist Rep. Irwin Tieng “hindi tama yung,  Dapat kahit sinong pasyente
pagkailangan gamutin hindi nila puwedeng talikuran.”
 
All out war ni Erap, pang Move lang - solons
 
HINDI pa man nahahalan muli bilang Pangulo ng Pilipinas ang napatalsik na si dating Pangulong Joseph
Estrada, batikos na ang inaabot sa mga Kongresista sa plano nitong  mulingbuhayin ang all out war laban sa
mga bandidong Muslim at mga rebelde kung sakali palarin siyan muling mahalal sa 2010 presidential
election.

Ayon kina Cavite Rep.  Joseph Emilio Aguinaldo Abaya, secretary general ng Liberal Party (LP), at La Union
Rep.  Thomas Dumpit Jr., dating military intelligence officer, na ang lider na katulad ni Estrada na nakilala sa
pagiging siga sa Movie film ay hindi dapat umano nagsasalita tungkol sa gera, lalo na kung ang hangarin ay
makamtan ang kapayapaan.


“An all out war versus Muslim and communist insurgents shouldn’t be the policy.  Going through a sincere
and honest peace process is the way to go.  A purely military option is not an option,” ani Abaya, na nagtapos
sa  United States Naval Academy sa Maryland , USA .

Paliwanag pa ni Abaya na kahit ang kasundaluhan ng bansa ay hindi nagnanais na makabaril ng kapwa
Pilipino, wala rin umanong ibang dasal ang lahat  kung di makamtan na ang kapayapaan.

“But a credible state security force is needed to have viable peace,” dagdag pa ni Abaya.

Binatikos naman ni  Dumpit ang pahayag ni Estrada sa kung paano nito bibigyan ng sulosyon ang problema
sa Muslim at communist insurgencies.

“If you want peace, don’t talk to your friends but to our enemies so we must talk to our Muslim brothers not
bomb them,” sabi ni Dumpit.
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine