Opisyales ng CAAP pinasisibak
|
| |
PINASISIBAK ni Agusan Del Sur, Lone District Rep. Rodolfo 'Ompong' G. Plaza ang mga opisyales ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), sa umano’y kabiguan ng departamento na matiyak na ligtas ang mga eroplanong lumilipad sa himpapawid.
Tahasang sinabi ni Plaza sa pamamagitan ng telepono, hindi rin nagagarantiya ng CAAP na ang mga piloto na kanilang pinapasa ay tunay na may kakayanan magpalipad ng eroplano.
“nagbibigay ng rating ng pilot kahit wala namang eroplano,” ani Plaza.
Sinisisi rin ng Kongresista ang umano’y kapalpalakan CAAP na hayaan makalipad ang bumagsak na Dc-3 sa Las Pinas na kinasawi ng apat na katao, kahit hindi dumaan sa pagsusuri ng opisina.
“Ang may problema diyan CAAP bakit pinayagan lumipad na walang check up eroplano at hindi rin rated ang pilot lumipad ng DC-3,” ani Plaza.
Dahil dito, hinamon ni Plaza ang mga opisyales ng CAAP na magbitiw na lamang sa puwesto, upang hindi na magdagdagan pa ang buhay na mawawala dahil sa kapabayaan.
“tanggalin yung mga head ng CAAP,” sabi ni Plaza.
Naunang nasangkot sa kontrebersyal ang CAAP ng kumuha ng 109 na consultants ang tanggapan.
Kasunod nito ang pagkakaroon ng system failure sa Ninoy Aquino International Aiport(NIA) na nagresulta ng pagkabalang ng mga byahe
|
| |
Pagtakbo ni Erap, pabor sa kandidato ng administrasyon
|
| |
PABOR sa Lakas-Kampi-CMD ang partido ng administrasyon ang pagsabak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa pangpanguluhang halalan.
Malaki ang paniniwala ni Speaker Prospero “Boy” Nograles Jr., vice chairman ng Lakas-Kampi-CMD, na makakatulong sa kandidato ng administrasyon na si Defense Sec. Gilbert Teodoro ang pagsabak ni Estrada, dahil lalo lamang nagkaroon ng pagkahatihati ang oposisyon.
“As far as the administration is concerned, that division in the opposition is good for Lakas-Kampi-CMD party,” ani Nograles.
Binigyan halimbawa pa ni Nograles ang pagkapanalo ni Pangulong Gloria Arroyo noong 2004, matapos na lumaban sa pagkapangulo ang yumaong aktor na Fernando Poe Jr. at Sen. Panfilo Lacson.
Maliban kay Estrada tatakbo sa pagkapangulo ang tatlo pang Senador mula sa oposisyon na kinabibilangan nina Senador Manuel Villar ng Nacionalista Party (NP), Benigno “Noynoy” Aquino III ng Liberal Party (LP) at ang inaasahang magiging pambato Nationalist People’s Coalition (NPC)na si Francis Escudero.
Kaugnay nito, mainit namam tinanggap nina former Cavite Rep. Gilbert Remulla, Valenzuela Rep. Rex Gatchalian at Quezon Rep. Wigberto Tañada ang garatiyang makakalahok na rin si Estrada sa pangpanguluhang halalan.
“May the best man win and we believe that the more candidates, the better to the people as this will give more choices. This is the essence of democracy, his entry is welcome,” ani Remulla, spokesman ng NP.
Sabi naman ni Gatchalian, spokesman ng NPC, “we welcome their announcements as more candidates running means more platforms of governance to choose from and ultimately the people will decide which one is best for them.”
“we welcome Erap’s entry and we consider everyone a formidable opponent.” Ani naman ni Tanada, tagapagsalita ng LP.
Aminado din si Estrada na sa kanyang pagdedeklara na “Maghahati-hati nga sigurado sa apat na oposisyon ang boto pero doon pipili ang taumbayan, kita ko ang pagmamahal ng taumbayan sa oposisyon.”
|
| |
|