Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
FVR pinatatakbong Kongresista matapos manawagan Gloria resign
     
 
“TUMAKBO KA DIN,”  ito ang hamon ng ilang maka-administrasyon na Kongresista kay dating Pangulong
Fidel Valdez Ramos, matapos na manawagan na magbitiw sa puwesto ang Pangulo Gloria Arroyo na
naghain ng Certificate of Candidacy(COC) upang makilahok sa lokal na halalan sa Pampangga.

Sinabi ni Zambales Rep.  Milagros Magsaysay  sa pamamagitan ng telepono na “even FVR can run,
karapatan niya iyon,  iba naman si Madam(Arroyo) kay Ramos.”

Nanawagan pa si Magsaysay,  hindi lamang kay Ramos, maging sa kritiko ng Pangulong Arroyo na
resputihin ang desiyon ng Pangulo na magpatuloy sa paglilingkod sa pamahalaan.

“respetuhan lang, I also respect PGMA decision,  respetuhin niya ang desisyon ng Pangulo,” ani Magsaysay.

Pinagtanggol naman nina  Quezon Rep. Danilo Suarez at Camiguin Rep. Pedro Romualdo ng  Lakas-Kampi-
CMD sa ang Pangulong Arroyo sa panawagan ni Ramos.

Giniit ni Romualdo na hindi kailangan na magbitiw sa puwesto ng Pangulo,  habang pinuporsige nito ang
pagkakongresista ng Pampanga.

Paliwanag pa Romualdo na walang batas ang sumusuporta sa panawagan ni Ramos na bitawan na ng
Pangulo ang kanyang puwesto.  Hindi rin umano kasalan ng Pangulo kung magkaroon ng mabigat na
pawagan ang mga cabalen na kadistrito ng Pangulo na ipagpatuloy nito ang paglilingkod sa mismong bayan
niya.

“It’s unfair to say she might take advantage of government resources or her present position for her election,”
pagtatanggol pa ni Romualdo.

Pinayuhan pa ni Romualdo si Ramos  na hayaan ang mga taga-distrito ng Pampanga ang magpasya kung
nais nilang maglingkod ang papaalis ng Pangulo.

“Let’s not forget too that it was her cabalen who prodded her to run and it was this show of overwhelming
support that made her decide in the end to join the congressional race,” sabi pa ni Romualdo.

Ganito rin ang pananaw ni Magsaysay na hindi umano si FVR ang magpapasya sa magiging kapalaran ng
Pangulo sa pagtakbo nito sa Pampanga, bagkus ang “mga kababayan din naman niya ang magpapasya
kung nais nilang maging kinatawan si PGMA.”

Pinagdiinan naman ni Suarez, chairman ng  House Committee on Oversight,  ang Article 7 Section 4 ng
Salinggang batas na nagsasaad na ang Pangulo na inihalal ng taumbayan na may anim na taong termino ay
magsisimula ang kanyang trabaho tanghali ng ika-30 ng Hunyo at matatapos ng anim na taon sa
kaparehong panahon at petsa o sa ika-Hunyo ng  30, 2010. dahil ditto aniya,  “Hence, these resign calls are
baseless and unnecessary.”

Ayon pa kay Suarez na hindi sinisira ng Pangulo ang kredibilidad ng isang Pangulo, sa hangarin nito na
makapaglingkod pa sa taumbayan sa pagiging Kongresista kahit pa naglingkod na siyang Pangulo na
pinakamataas o pinakamakapangyarihang puwesto sa Pilipinas.
 
VP Noli de Castro, mahihirapan kapag bumitiw sa puwesto si Pangulong Arroyo
 
MAHIHIRAPAN  si Bise Presidente Noli de Castro sa Pamamalakad ng Pamahalaan, kung sakaling magbitiw
sa puwesto ang Pangulong Gloria Arroyo. Lalo na umano ngayon nahaharap sa pangdaigdigang
pangpinansyal na problema ang bansa.

Sa Usaping Balita News Forum sa Serye Restaurant, biniyan diin ni  Quezon Rep.  Danilo Suarez, chairman
ng  House committee on oversight na mahihirapan umano na harapin ni de Castro ang kasalukayang
hinaharap ng bansa sa problema sa pananalapi.

Ganun paman, nilinaw naman nito na hindi niya minamaliit ang kakayanan ng ikalawang Pangulo,  kung
sakalimang humalili ito kay Pangulong Arroyo na may sapat umano na kaalaman sa paghawak sa
problemang pang-ekonomiya.

“Assuming she (President Arroyo) would resign, I am not belittling the capability of Vice President de Castro,
but given the financial problems, I think Noli will have the problem in confronting these issues,”  dagdag pa ni
Suarez, “It is good for us, even if the president vies seat for Congress to remain in Malacanang since the
economic woes are not yet over.”

Sinabi pa ni Suarez na magkakaroon ng epekto sa ekonomiya ng bansa ang panawagan ni dating pangulong
Fidel Ramos.

“As I have said, wag namang masaktan ang pangalawang pangulo.  Ang problema ng bansa ay problema ng
buong mundo. Kung siya’y (President Arroyo) magbibitiw at president si Noli, baka mahirapan siyang (Noli)
harapin ang problema pagdating sa economic matters,” sabi pa ni Suarez.
 
Pangulong Gloria Arroyo isang nuisance candidate - Maza
 
“NUISANCE CANDIDATE,” ganito inilarawa ni  ni Rep. Liza Maza ng Gabriela si Pangulong Gloria Arroyo na
makikilahok sa lokal na halalan ng Pampanga sa darating 2010 eleksyon.

“President Arroyo is the real nuisance candidate for the 2010 national elections. Hindi lamang siya panggulo,
ginugulo niya mismo ang bayan,” ani Maza sa kanyang kalatas.

Nanggagalaiti si Maza sa pagtakbo ni Arroyo sa pagkakongresista sa ikalawang distrito ng Pampanga at sa
naging pahayag ni Executive Secretary Eduardo Ermita
na magpapatuloy ang pag-amiyenda sa  1987 Constitution.

Deperado na umano na ang Pangulong Arroyo na mapursige ang charter change, nasa ngayon “she’ll do the
dirty work herself in her last chance to save her face.”

At kung sakali umano na maamiyendahan na ang salinggang batas, ang pagka-prime ministership na
umano ang susunod na target nito upang maging “immune” sa lahat ng kaso na posibleng isampa laban sa
kanya.

“She will do everything just to perpetuate herself to power,” sabi pa ni Maza.

Kabilang sa mga posibleng kaharaping kaso  ng Pangulong Arroyo ang  human rights violations, graft and
corruption, plunder, electoral fraud, na nakatakdang ihain pagkatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30, 2010.

“It is not the halls of Congress where President Arroyo belongs but in the courts where she will face the
people’s wrath,” dagdag pa ni Maza.
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine