Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Commission na susugpo sa private armies sa bansa, masusubukan na
 
Happy New Year and 3 kings

MASUSUBUKAN na ngayong bagong taon ang kakayanan ng six-man commission na tinatag ni Pangulong
Gloria Arroyo,  upang sugpuin sa loob lamang ng apat na buwan ang lahat ng private armies sa bansa bago
sumapit ang eleksyon.


Ayon kay Rep. Pedro Romualdo (Lakas-Kampi-CMD, Camiguin) na ang tagumpay ng  mga miyembro ng
panel ay isang hakbang  sa pagtupad sa pangako ng pamahalaang Arroyo, na burahin ang private armies sa
bansa bago sumapit ang takdang araw ng halalan,  at papanagutin sa batas ang mga pasimuno at
miyembro ng armadong grupo.


Pinagtanggol naman ni Romualdo, chairman ng  House committee on good government and public
accountability ang six-man commission na hindi dapat  husgahan kaagad ang panel, ganun hindi pa sila
nagsisimulang magtrabaho. “For them to question the commission’s capability to complete its task in four
months is absurd and unfair.”


Tiniyak pa ni Romualdo  na nagmula sa ibat-ibang sektor ng lipunan ang mga miyembro ng commission na
kanilang kinakatawan.


Kumpiyansa rin si Rep. Jose “Joboy” Aquino II (Lakas-Kampi-CMD, Agusan del Norte) sa tinatag na  
independent commission na binubuo nina Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos, Mahmod Mala Adilao ng  
Bishops-Ulama Conference, retired Brig. Gen. Jaime Echeverria, retired Police Deputy Director General Virtus
Gil, broadcaster Herman Basbano, at Dante Jimenez ng  Volunteers Against Crime and Corruption na
matatagumpayan nila ang kanilang misyon bago sumapit ang takdang araw.


Ang petsa na itinakda ng Pangulo sa commission para sa kanilang trabaho ay makatarungan at
napapanahon lalo na’t ilang linggo na lamang ay magsisimula na ang araw ng kampanyahan bago sumapit
ang may 10, 2010 eleksyon, sabi naman ni Romualdo. Dagdag pa niya na mismong kay Philippine National
Police Chief Jesus Verzosa na rin umano nanggaling na tumataas ang bilang ng mga private armies sa
bansa habang kasagsagan ng halalan.

“It’s also crucial to address the private armies issue now especially in light of the Nov. 23 Maguindanao
massacre,” sabi pa ni Romoaldo.

Nanawagan naman si Aquino sa mga kritiko ng commission na tigilan muna nila ang paghuhusga at hayaan
mo nang makapagplano at makakilos ang panel, bagkus payo niya, “Let’s support the President and the
independent commission in fulfilling the panel’s big task to address the existence of private armies with a
view of dismantling them permanently.”

Pinaliwanag pa ni Aquino, vice chairman ng  House committee on Natural Resources,  na isa sa
pinakamahalagang misyon ng commission ay pag-aralan ang  Executive Order 546, na nagbibigay pahintulot
sa pagbuo ng pribadong armadong grupo gaya na umano ng   Civilian Volunteer Organizations (CVOs) at
Special Civilian Armed Forces Geographical Unit Active Auxiliary (SCAAs).

Matatandaan na nagbaba ng Administrative Order 275 ang Pangulo nakaraang buwan, na nagbibigay
kapangyarihan  sa  commission na   pangunahan ang  Armed Forces, Philippine National Police, justice
department at ibang  law enforcement agency  upang umasiste sa kanilang trabaho.
 
Maagang eleksyon sa ARMM suportado ng Anak Mindanao
 
SUPORTADO ng isang Kongresista mula sa Mindanao ang mungkahing agahan ng isang linggo ang
eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM ) na nakatakda sa May 10 presidential election.



Ayon kay Anak Mindanao(AMIN) Rep.  Mujiv Hataman ang pagkakaroon ng maagang eleksyon sa ARMM ay
paghadlang   umano sa posibleng dayaan  na mangyayaring sa automated polls sa probinsya. sa ganitong
paraan din umano ay  magkakaroon ng sapat na atensyon ang media at otoridad upang matiyak ang
kapayapaan sa ARMM habang nagsasagawa ng masmaagang halalan.



“If media and authorities would give their attention to ARMM elections, this can help in ensuring peaceful,
honest and clean elections,” ani Hataman.



Ayon naman kay Makati City Rep.  Teodoro “Teddyboy” Locsin Jr., chairman ng House committee on suffrage
and electoral reforms, na may kapangyarihan ang Commission on Elections (Comelec) na magpatupad ng
maagang eleksyon sa kinokunsiderang hotspots.



“If the Comelec can declare a failure of elections, it has also the power and authority to set an early date for
the holding of polls in some areas considered as hotspots.  That is their inherent right and I believe they are
authorized to do so,” ani Locsin.



Pagdating naman sa usapin ng legalidad ng hakabanging ito, naniniwala si Locsin na hindi makikialam ang
Korte Suprema  sakaling ipatupad ito ni  chairman Jose Melo.



“The Supreme Court will allow the Comelec, I believe on that,” ani Locsin.



Pinangako naman ni  Locsin na didinggin pa rin nila ang naunang panukala sa kanyang komite na sa buwan
ng Enero gawin ang eleksyon sa ARMM.



Malaki naman ang paniniwala ni Locsin na may hahadlang mula sa makapangyarihang pamilya sa
Maguindano na  gawin ng masmaaga ang eleksyon  sa probinsya,  ito ay upang hindi umano maantala ang
gagawin nilang malawakang pandaraya sa eleksyon.



“I am in favor of passing a law, I will try but a powerful clan and the House will stop it because all remaining
forms of cheating could be eliminated.  Imagine all media persons would cover in ARMM areas?  Media are
concentrated and focussed in ARMM areas, do you think politicians can still cheat?” sabi pa ni Locsin.



Na una ng nanawagan si Commissioner Rene Sarmiento  sa mga kongresista na ipasa na ang panukalang
gawin ng masmaaga ng isang linggo ang eleksyon sa ARMM, alinsunod na rin sa nangyaring Ampatuan
Massacre ng nakaraang taon.



Ang ARMM ay binuo noong ika-1 ng Agusto 1, taong 1989 sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Republic Act
(RA) No.  6734 na nasasakop naman nito ang probinsya ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu at
Tawi-Tawi.



Sa kasalukuyan na kabitin parin sa Senado  ang Senate Bill (SB) No.  2072 ni Sen.  Richard Gordon na
humihiling ng masmaagang eleksyon sa ARMM,  maging sa kongreso nakalutang parin ang House Bill (HB)
No. 3437 na inihain ni Camiguin Rep. Pedro Romualdo at HB No.  5578 ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus
Rodriguez na may katulad na panukala.
 
Ampatuan town nais ipangalan sa napatay na 30 mamahayag
 
NAIS baguhin ng isang militanteng Kongresista ang pangalan ng lugar sa Maguindanao kung saan
pinaslang ang 30 mamahayag na masmikilala na Amputuan town.



Giniit ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod na nararapat lamang umano na palitan na ang pangalan ng lugar
kung saan brutal na pinatay 57 katao kabilang na ang 31 isang mamahayag.



Ito ay upang mabago na rin umano ang emahe ng lugar na maka-demonyong gawain na tumatak sa isipan,  
hindi lamang ng mamamayan ng Pilipinas, maging sa buong mundo.



“dapat lang na palitan na yan, kasi mala-demonyo yang ampatuan na-yan(ampatuan town), dahil sa karumal-
dumal na krimen,” ani maglunsod sa pamamagitan ng telepono.



Sinabi pa ng Kongresista na sa kasalukuyan pag-aaralan pa ng kanilang samahan kung anong posibleng
pangalan ang ipalit sa lugar, na kumikilala  sa pagiging martir ng napaslang na 30 mamahayag.



Kasabay nito umano ang pagpapatayo ng bantayog sa lugar kung saan sila mismo brutal na pinaslang,  
upang hindi umano makalimutan ang madugong krimen na pinaghihinalaang may kagagawan ang
naghaharing uri sa Maguindanao, ang Ampatuan.



“isasangguni pa natin sa ating mga kasamang militante kung ano ang puwedeng ipalit na pangalan sa lugar
na kilala ngayon na ampatuan massacre, at posibleng paglalagay ng bantayog bilang pagkilala sa mga
napaslang lalo na ang mga pinatay na mamahayag,  upang hindi malimutan  ang krimen hanggat makamit
ang hustisya,”  sabi pa ni Maglunsod.



Bilang paunang hakbangin ng militanteng kinatawan sa Kongreso, naghain ng House Resolution (HR) no.
1514 sina Maglunsod at Cong. Rafael Mariano(Anakpawis party-list)ng nakaraang Disyembe 14, 2009 upang
bigyan pagkilala ang kadakilaan at pagiging bayani ng napatay na 30 mamahayag.



"Never in the history of journalism have the news media suffered such a heavy loss of life in one day,"  ani
Maglunsod.



Kinundina naman ni Mariano ang walang kalabang-labang pamamaslang sa mga mamahayag, abogado, at
iba ang biktima.



"This massacre of innocent civilians who are out to exercise freedom to participate in electoral activities
deserves utmost condemnation. Such acts of impunity can lead further to more vicious cycle of violence,
blatant and gross abuse of power, arrogant trampling of the rule of law and insensitive and callous murder of
innocent people," ani Mariano.



Matatandaan na noong Nobiyembre 23 ng nakalipas na taon, walang awang  tinatad ng bala mula sa
malalakas na kalibre ng baril ang may 57 katao, habang ang iba ay tinangka pang ilibing habang ang iba
nasa loob pa ng sasakyang ng binaon sa lupa ng buhay sa Sitio Masalay, Barangay Salman, Ampatuan,
Maguindanao
 
Krimen sa pilipinas, tumaas ng 63 porsiyento ng nakaraang taon, kumpara noong 2008
 
DISMAYADO ang Mambabatas mula sa Metro Manila  sa Philippine National Police (PNP) matapos tumaas
ng 63 porsiyento ang krimen sa buong bansa, kumpara noong taong 2008.



Sinabi ni Valenzuela Rep.  Magtanggol “Magi” Gunigundo I, miyembro ng  House committee on national
defense, na dapat umanong triplehin ng  PNP ang kanilang trabaho upang matiyak ang peace and order sa
bansa.



Dapat din aniya na bumalik sa isang pagsasanay at seminar ang mga miyembro ng PNP upang matulungan
silang tumaas ang kanilang kasanayan sa pag-iimbestiga,  nang sa ganun makamit naman ng  mga biktima
ang hustisya gamit ang masinop na pangangalap ng ebidensya.



“What is more important is the number of criminals arrested.  The PNP should strive to improve the conviction
rates of cases they file in court by enhancing their investigative capability,” ani Gunigundo, na miyembro din ng
House committee on justice.



Pinaliwanag pa ng Kongresista  na ang maagang paglantad ng mga criminal activities umano ang
makakatulong upang maiwasan ang krimen sa bansa.



“Increasing incidents of criminality can only be abated by early detection, apprehension of offenders and a
good certainty of conviction,”  sabi pa ni Gunigundo.



Pero para kay Anak Mindanao(AMIN) Rep.  Mujiv Hataman, livelihood umano para sa mga Filipino ang
magbibigay katiyakan upang bumaba ang listahan ng krimen sa bansa.



Dagdag pa ni Hataman, “The government should also give Filipinos better jobs if it wants to achieve lesser
crimes in the coming months and years.”



Batay sa ulat ng PNP sa taong 2009 umabot sa  101,798 insidente ng krimen sa bansa, na kabilang dito ang
61.26 na porsiyento ay gaya ng robbery, murder at paglabag na may kilaman sa isang tao, habang 38.74 na
posiyento ditto ang non-index offenses, o krimen laban sa mga ari-arian.



Sabi pa na tumaas ng 63.79 na porsiyento ang krimen ng taon 2009, kumapara sa taong 2008 na
nakapagtala lamang ng  62,148 na kaso.



Pero ayon kay PNP spokesman Chief Superintendent Leonardo Espina “the figure does not necessarily
reflect a worsening crime situation, but is actually the product of more efficient and accurate crime reporting.”
 
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine