Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
SENADO HINDI MAKAKABUO NG QUORUM DAHIL SA MGA KANDIDATONG SENADOR
 
PROBLEMA sa quorum ang kahaharapin ng Senado ngayong taon.  Ito ang prediksyon ng isang lider ng
Kamara  kung sa manawagan ng special session ang Kongreso para sa pagpasa ng mga priority
measures, bago mag adjourn sa Pebrero 5 upang bigyan daan ang 90 araw na national campaign na
magsisimula sa ika-9 ng kaparehong buwan.

Ayon kina House Deputy Majority Leader at Mandaluyong City Rep.  Neptali Gonzales II, mahihirapan na
makabao ang pamunuan ng Senado ng quorum,  dahil marami sa mga senador ang tumatakbo para ngayon
eleksyon.

“Sa Senate baka walang quorum because nagka-campaign na talaga.  Marami tayong presidential
candidates sa Senado na talagang pupukpok ng husto sa kampanya,” ani Gonzales.

Kabilang sa mga Senador na tumatakbo sa pagkapangulo sina sen. Benigno “Noynoy” Aquino III ng Liberal
Party (LP), Manny Villar ng  Nacionalista Party (NP), Richard Gordon at Jamby Madrigal.

Nilinaw naman ni Gonzales handa silang magpatawag ng special session at natitiyak umano na hindi
magiging problema ang qourom.

“Kami sa House walang problema.  We are open to the holding of special session,” sabi ni  Gonzales.  Ang
45 na araw na  kampanya naman ng mga lokal na kandindato ay magsisimula pa sa kalagitnaan ng Marso.

Nilinaw naman ni House Speaker Prospero Nograles na una, kailangan munang parehong sang-ayunan ng
Senado at Kongreso ang pagkakaroon ng special session, pangalawa dapat munang pag-usapan kung
anong priority measures ang kailangang talakayin at maipasa.

“third we should be able to assess from our peers whether we can get enough warm bodies to attend,”  
dagdag pa ni Nograles.

Batay sa kalendaryo ng Kongreso, muling magbubukas ang sesyon ng Senado at Kongreso sa Enero 18
matapos ang  Christmas break.

Kabilang naman sa hiniling ng palasyo na ang pagdaragdag ng buwis sa mga sigarilyo at mga alak na
prudukto na makakakulekta umano ng P19 bilyo hanggang P21 bilyon kada-taon. Kabilang din ang  P5-billion
Simplified Net Income Taxation System, at ang  Anti-Smuggling Act.
 
VIP TREATMENT SA MGA AMPATUAN, KINUNDINA
 
MARIIING kinundina ng mga Kongresista ang VIP treatment umano sa mga Ampatuan  na nakakulong sa
Camp Fermin Lira sa General Santos City.

Para kay Nueva Ecija Rep. Edno Joson  wala na umanong bago sa tila pagbubuhay hari umano ng mga
Ampatuan sa kulungan, dahil “pag-VIP o very important prisoner dahil sa pera o status VIP treatment din.”

Dinagdag pa ng Kongresista,  “dahil naka-blind fold  ang lady justice natin hindi Makita o tinatakpan na lang
ang mata dahil talagang walang equal protection or the the laws o dapat walang mayaman o mahirap sa
harap ng batas, dapat pantay pantay ang trato.”

Pero para sa mga militanteng Kongresista ang malayang paggamit ng cellphone ng mga Ampatuan sa
kulungan, patunay lamang na walang  rebelyon nangyari sa Maguindanao.

Nagbabala pa sina  Bayan Muna Rep.  Neri Colmenares at Anakpawis Rep.  Joel Maglunsod sa mga
mamayan na manatiling maging mapagmatiyag sa mangyayari sa kaso ng Ampatuan Massacre na kinasawi
ng 57 katao na kinabibilangan ng 30 mamahayag.

“That is proof that PGMA government itself does not believe that they (Ampatuans) committed rebellion!  
Otherwise mahigpit dapat sa cellphone and communication access,” ani Colmenares, isang abogado.

Sinabi pa ni Colmenares na ang pagpapairal ng VIP sa mga Ampatuan ay nakakabahalang senyales sa
posibleng kahahantungan ng Ampatuan Massacre, na magreresulta sa pagkadismaya ng mga pamilya ng
mga biktima walang awang pinatay.

Nanawagan naman si Maglunsod sa taumbayan na “Bantayan natin ang lahat ng special treatment at
isumbong sa media.”  Dapat din “mahiya naman dapat ang authorities.  Masyado silang nagpapahalata na
talagang hindi maiwanan ng gobyerno ang mga Ampatuan sa laki ng utang na loob noong 2004 elections.”

Batay sa ulat, habang nasa kulungan ang mga Ampatuan sa may Criminal Investigation and Detection Group
(CIDG) sa compound  ng Philippine National Police headquarters sa Camp Fermin G. Lira Jr. General Santos
City,  malaya itong nakakagamit ng telepono at mula sa catering ang kanilang kinakain araw-araw sa
kanilang selda.

“Unlike ordinary humans, the Ampatuans are reported to have special meals and privileges.  Kahit kaming
mga abogado kinukuha ang cellular phone kapag nasa loob ng jail to visit our clients, while the Ampatuans
have cellphone and the means to communicate with their followers,” giit ni  Colmenares.

Kabilang sa mga Ampatuan na nakakulong sa Camp fermin ang tatlong magkapatid na sina Zaldy
Ampatuan, suspendidong governor ng  Autonomous Region in Muslim Mindanao(ARMM); Sajid Ampatuan,
dating acting governor ng  Maguindanao; at Anwar Ampatuan, mayor ng Shariff Aguak.

Kasama din nilang nakakulong ang kanilang tuyuhin  nasi Akmad Ampatuan, vice governor ng Maguindanao.
 
NPC KINUNDINA ANG BLACK PROPAGANDA LABANG KAY SEN. LEGARDA
 
KINUNDINA ng Nationalist People’s Coalition(NPC) ang “black propaganda na gumugulong ngayon laban
kay NPC Vice Presidential candidate Sen. Loren Legarda at runningmate ni Nationalist party (NP) standard
bearer Sen. Manny Villar na isa umanong kasinungalingan at walang batayan paratang.

Ang tinutukoy ni Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian, tagapagsalita ng NPC, ang umiikot ngayong text
messages galing sa isang anonymous sources, na nagsasabi na si Senator Legarda umano ay naghain ng
isang bill na humihiling na tapyasan ng suweldo ang mga pampublikong guro at ang mga kasundaluhan.

Giit niya “Nothing could be farther from the truth,”  sa katunayan umano may isang Senate bill ang Senadora
na nagnanais na  taasan ang suweldo ng mga guro. Co-author din umano si Legarda sa isang bill na
humihiling naman na taasan din ng suweldo ang mga sundalo at maging ang mga sibilyang empleyado ng
Department of National Defense(DND).

“Loren had filed Senate Bill No. 1611, entitled An Act Upgrading the Minimum Salary Grade Level of Teachers
from Salary Grade 10 to 19,” ani Gatchalian.

Dagdag pa niya, na isa rin umano si Legarda  sa author at co-signor sa Senate Resolution No. 26, na may
pamagat na  “Joint Resolution Authorizing the President of the Philippines to modify the position classification
system of civilian personnel and the base pay schedule of the military and uniformed personnel in the
government, and to implement the same initially effective July 1, 2009, and for other purposes.”

Naniniwala ang Kongresista na desperado na umano ang mga nagpapaikot ng maling impormasyon laban
sa Senadora, lalo na umano “Senator Legarda is bound to win the vice presidential race.”

Pinatutuhanan naman ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo ang bill ni Legarda na sa katunayan kasama ng
kanilang grupo na ACT teacher Partylist ang Senadora sa layunin na taasan ang suweldo ng mga guro.

“bahagi yan(black propaganda) ng electorate, pero ang alam ko kasama na aming grupo ang ACT teacher  si
Legarda sa pagsusulong ng pagtaas ng suweldo ng mga guro,”  ani Ocampo sa pamamagitan ng telepono.
 
Krimen sa pilipinas, tumaas ng 63 porsiyento ng nakaraang taon, kumpara noong 2008
 
DISMAYADO ang Mambabatas mula sa Metro Manila  sa Philippine National Police (PNP) matapos tumaas
ng 63 porsiyento ang krimen sa buong bansa, kumpara noong taong 2008.



Sinabi ni Valenzuela Rep.  Magtanggol “Magi” Gunigundo I, miyembro ng  House committee on national
defense, na dapat umanong triplehin ng  PNP ang kanilang trabaho upang matiyak ang peace and order sa
bansa.



Dapat din aniya na bumalik sa isang pagsasanay at seminar ang mga miyembro ng PNP upang matulungan
silang tumaas ang kanilang kasanayan sa pag-iimbestiga,  nang sa ganun makamit naman ng  mga biktima
ang hustisya gamit ang masinop na pangangalap ng ebidensya.



“What is more important is the number of criminals arrested.  The PNP should strive to improve the conviction
rates of cases they file in court by enhancing their investigative capability,” ani Gunigundo, na miyembro din ng
House committee on justice.



Pinaliwanag pa ng Kongresista  na ang maagang paglantad ng mga criminal activities umano ang
makakatulong upang maiwasan ang krimen sa bansa.



“Increasing incidents of criminality can only be abated by early detection, apprehension of offenders and a
good certainty of conviction,”  sabi pa ni Gunigundo.



Pero para kay Anak Mindanao(AMIN) Rep.  Mujiv Hataman, livelihood umano para sa mga Filipino ang
magbibigay katiyakan upang bumaba ang listahan ng krimen sa bansa.



Dagdag pa ni Hataman, “The government should also give Filipinos better jobs if it wants to achieve lesser
crimes in the coming months and years.”



Batay sa ulat ng PNP sa taong 2009 umabot sa  101,798 insidente ng krimen sa bansa, na kabilang dito ang
61.26 na porsiyento ay gaya ng robbery, murder at paglabag na may kilaman sa isang tao, habang 38.74 na
posiyento ditto ang non-index offenses, o krimen laban sa mga ari-arian.



Sabi pa na tumaas ng 63.79 na porsiyento ang krimen ng taon 2009, kumapara sa taong 2008 na
nakapagtala lamang ng  62,148 na kaso.



Pero ayon kay PNP spokesman Chief Superintendent Leonardo Espina “the figure does not necessarily
reflect a worsening crime situation, but is actually the product of more efficient and accurate crime reporting.”
 
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine