Bagong kulay ng Metro Manila, pag-aaksaya lang ng pera
|
| |
PAG-AAKSAYA lamang ng pera ang planong gawing ng bagong chairman ng Metro Manila Development Authority(MMDA), na palitan ng kulay green ang dating kulay na pink ng Metro Manila.
Mariing tinutulan ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino ang planong gawin ng bagong talagang MMDA chairman Oscars Inocentes, na palitan ng kulay berde ang paboritong kulay ni dating MMDA chairman Bayani Fernando.
Pag-aaksaya aniya lamang umano ng pera ng taumbayan ang balakin na ito ni Inocentes, “malaking kalokohan yan, at pag aaksaya ng pera.”
Bagkus minungkahi ni Casino na kung gagastus lang din naman ng pera sa bagong kulay ng metro manila, mas mainam na umano na gamitin ang international standard para sa kulay sa mga lansangan.
“Okey lang palitan yung pink but ang ipalit ay international standards na mga kulat for road signs and infra, tapos para hindi masyadong magastos yung bago lang ang ibahin ang kulay. Yung dating pink hayaan na hanggang makupas bago pintahan ng bagong kulay,” ani Casino.
Nababahala pa si Casino na kung sakaling mag-iba na naman ng hepe ang MMDA, maging bahaghari na ang Metro Manila.
“dapat hindi personal na kagustuhan ang MMDA chairman ang kulay ng mga lansangan,” dagdag pa niya, “pagganun, tapos si (Paranaque Rep. Roilo)Golez ang pumalit na chairman ng MMDA magiging purple naman ang ipapalit na kulay.”
Kung hindi nagustuhan ni Casino ang kulay berde ng MMDA, pabor naman dito si Golez, sa luntiang kulay na kumakatawan din sa pinta ng kalikasan.
“better, more environment conscious, blends with surrounding,” ani Golez sa pamamagitan ng telepono.
Buhay naman ang nakikita ni Buhay Partylist Rep Irwin Tieng sa kulay berdeng ipipinta ng bagong chairman ng MMDA sa Metro Manila.
“madanda yan para mag-iba naman ang kulay ng MM, at ang green din ang kulay ng buhay,” sabi pa ng Kongresista.(jongmanlapaz@mail.com)
|
| |
Video ng Ampatuan Massacre kalat na sa internet
|
| |
SUPORTADO ni Buhay partylist Rep. Irwing Tieng ang naging hakbanging ng National Press Club(NPC) na pinamumunuan ni Confederation Asean Journalist (CAJ) Vice President at NPC President Benny Diaz Antiporda, na pangunahan ang pagkumpiska sa mga ilegal na kopya ng Ampatuan Massacre kasama ang Optical Media Board(OMB).
Nais din paratingin ni Tieng sa NPC at OMB, na maliban sa mga nakakalat na kopya sa mga bangketa ng Metro Manila, umabot na rin ang mga ito sa maging sa mga Kongresista sa pamamagitan ng Electronic Mail (Email).
Dahil dito lubos na nababahala ang Kongresista na maliban sa mga bangketa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, tuluyan na rin kumulat ang mga video ng Ampatuan Massacre sa Internet na libre at masmadaling ma-upload.
“pati sa congress pinadala na ang mga yan, nakarating na rin sa mga Kongresista yan galing sa isang concern citizen, masakit yan kung mapapanood ng mga pamilya ng biktima,” ani Tieng sa isang panayam sa telepono
Nanawagan ang Kongresista sa OMB maging sa NPC na ipagbawal ang pag-upload ng video ng Ampatuan Massacre sa Internet. apila naman niya sa taumbayan, “dapat maging responsable tayo, isipin din natin ang mararamdaman ng mga pamilya ng biktima, kawawa ang pamilya, na biktima na ng trahedya tapos pagkakakitaan pa."
Dinagdag pa ng Kongresista na ang pamimirata ng mga video ay may katapat na kulong, pero ang pag- upload ng ilegal na video sa internet, mahihirapan umano na mahabol ng batas ang may kagagawan.
“dapat makompiska ang paninda at matanggal ang business permit ng mahuhuling nagbebenta. At dun sa nagpakalat kung empleyado siya ng gobyerno dapat matanggal siya serbisyo,” ani Tieng. (jongmanlapaz@gmail.com)
|
| |
Pagpasa ng Concon, malabo na - solon
|
| |
SA PANAGINIP na lamang ng palasyo na maipapasa ngayong bagon taon ang Constitutional Convention (concon) upang magconvene ang dalawang kapulungan ng Kongreso, para balangkasin ang pagbabago ng salinggang batas.
Naniniwala ang dalawang taga-oposisyon ng Kongreso na kahit anong paraan pa na gawin ng Kongreso, babangungutin lamang ang palasyo sa pagtulog ng usapin sa Senado.
Dahil ayon kina Bayan Muna Partylist Rep. Satur Ocampo at Bukidnon Rep. Teofisto “TG” Guingona III, hindi na rin mabibigyan atensyon ang Concon sa Senado, dahil halos karamihan sa mga Senador ay nakatutok na sa pagsisimula ng kampya sa Pebrero 5.
Pinaliwanag ni Guingona wala ng oras ang Senado para talakayin pa ang Concon kung sakaling pumasa ito sa Kamara. Bagkus pagkatapos na ng eleksyon matalakay ang concon sa Matataas na Kapulungan ng Kongreso.
“kahit makalusot wala nang oras para idaan sa Senado. Everyone is now focused on campaigning. Any constitutional change will have to wait till after the elections,” ani Guingona sa pamamagitan ng telepono.
Sa pananaw naman ni Ocampo, mahihirapan na makuha ng Palasyo ang pag-sang ayon ng Senado kahit pa mailusot ito sa ika-14 na Kongreso. Kaya ganun na lamang umano ang pagnanais ni Speaker Prospero Nograles na makuha ang pag-apruba ng Senado na maaprubahan ang mga priority bill bago magbakasyon ang sesyon o idaan sa ipapatawag na special session.
Ang problema, giit ni Ocampo nasa mood na ng kampanya ang mga Kongresista at mga Senador para magpatawag pa ng special session.
“speaker Nograles speaks of seeking Senate ok for passage of priority bills before adjournment, or thru special session that can be called by the President.,” dagdag pa niya, “the campaign mood of congressmen and Senators may not allow for special session.”
Naniniwala naman si Guingona na gagawin lahat ng Kongreso ang pagpasa sa Concon upang mapagbigyan lamang ang Palasyo ng Malakanyang na magconvene na ang Kamara at Senado bago mag- eleksyon, aniya “everyone knows congress is an annex of malacanang.”
Pinagtanggol naman ni Zambales Rep. Mitos Magsasay kung sakali mang makalusot sa Kongreso ang concon. Paliwanag niya kahit ang mga kongresista ang nagpasa ng concon, hindi naman mismo ang mga kinatawan ng distrito ang uupo bilang delegado na siya namang magbabalangkas magiging bagong konstitusyon.
Ganun paman, inamin niya na ang buhay ng concon depende pa rin sa magiging pananaw ng mga kongresista kung sakali mapag-usapan ito sa plenaryo sa pagbabalik ng sesyon sa ika-18 ng Enero.
“depende yun sa opinsyon ng mga kongresista pagdating sa usapin ng concon. Kahit na makalusot wala namang masama dahil di naman mga kongresista ang uupo sa concon para magbalangkas ng bagong konstitusyon,” sabi ni Magsaysay sa pamamagitan ng text.
Sa kasalukuyan na sa ikalawang pagbasa na ang usapin ang Concon, na humihiling na magkaroon na maghalal ng 303 na delegado na isasabay sa Baranggay election sa Oktubre 10.
|
| |
| |
|