Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
REP. HONTIVEROS, GINAGAMIT LANG ANG PANGULONG ARROYO PARA MAPATAAS NA
NANGUNGULELAT NA SURVEY
 
PINAGTANGGOL ng mga maka-administrasyong Kongresista ang  Pangulong Gloria Arroyo na walang
masama, kung gumastos man ang punong ehekutibo ng milyon piso sa kanyang distrito sa Pampanga na
nararapat lamang umanong pakinabangan ng mamayan.



Ayon kay Rep. Rodolfo T. Albano III (1st District, Isabela, Lakas-KAMPI-CMD) na walang masama sa ginawa
ng pangulo na paglaanan ng proyekto ang kanyang distrito. At hindi lamang umano sa Pampanga nagbibigay
ng proyekto ang Pangulong Arroyo na pakikinabangan naman ng mamayan.



“These are all part of her agenda to improve people’s lives,” dagdag pa ni  Albano, miyembro ng House
Committee on Appointments.  


Naniniwala naman ang Kongresista na tanging “publicity stunt,”  lamang umano ng mga kritiko ng Pangulo
ang pagbabatikos nila sa proyekto sa Pampanga, upang magamit na  mapataas ang kanilang rating sa mga
survey.



Umapila naman si Rep. Mauricio G. Domogan (Lone District, Baguio, Lakas-KAMPI-CMD) sa mga kandidato
ng oposisyon na tigilan na ang paggamit sa Pangulong Arroyo para sa kanilang their electoral campaign.


Bagkus pinayuhan ni Domogan ang mga oposisyon na masmainan na kunbinsihin na lamang ang
taumbayan sa pamamagitan ng kanilang mga plataporma, hindi ang pagbabatikos sa administrasyon.




“Using President Arroyo to gain higher rating, votes and political mileage is unfair because she has nothing to
do with their bids,” ani Domogan, vice chairman ng House Committee on Justice.




Hinala naman ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino na galing sa pork barrel na nakalaan dapat umano sa
walong party-list representatives, na hindi na-i- release noong 2005-2007 ay siyang pinaggastos sa mga  
proyekto ng Pangulo sa ikalawang distrito ng Pampanga, kung saan siya tatakbong Kongresista.



“Department of Budget and Management (DBM) should provide all the details kung saan napunta ang pondo
ng mga eight party-list representatives. Kailangang malaman natin ang breakdown nito,” ani Casino.





Tinatayang nasa P1.68 bilyong  ang perang hindi naibigay sa walong partylist para sa kailang Priority
Development Aloocation Fund (PDAF) o pork barrel, na bawat isang Kongresista ay makakatanggap ng P70
milyon kada taon.



“Hindi malayo iyon na ma-divert ang pondo, kaya nga dapat talagang magpaliwang ang DBM dito,” giit pa ni
Casiño.



Kinundina naman ni  Zambales Rep. Mitos Magsaysay ang mga paratang ni  Akbayan party-list Rep.. Risa
Hontiveros, dahil  hinggil sa paggugol umano ng  P459 milyong proyekto ng Pangulong Arroyo sa kanyang
distrito.



Aniya,  ginagamit lamang ni Hontiveros ang isyu upang makaangat sa nangungulelat niyang katayuan sa
mga survey.



“Ginagamit lang niya (Hontiveros) ‘yung isyu kay PGMA para may isyu siya na pwedeng pag-usapan. Walang
pinagkaiba ‘yan sa mga senador na ginagamit ang position at resources para tumakbo sa pagkapangulo at
bise,” sabi ni  Magsaysay
 
DISKRIMINASYON SA EROPLANO NG CEBU PACIFIC AIR, KINUNDINA
 
NAIS papanagutin ng mga Kongresista ang Cebu Pacific sa umano’y pag-discriminate nito sa Inang may
kasamang anak na  Special child.



Malaki ang paniniwala ni An Waray Rep. Bem Noel na posibleng sumailalim sa isang imbestigasyon ang
Cebu Pacific, sa hindi makataong pagtrato sa batang may sakit sa pag-iisip.



Matatandaan na lumabas sa mga telebisyon na narereklamo ng isang Ina na nakilala sa pangalang si
Marites Alcantara ang Cebu Pacific Air dahil sa pagpupumilit na bumaba sila ng eroplano, kasama ang
kanyang anak na autistic dahil sa katwiran umano na mga crew na hindi pinapagayan na sumakay ng
eroplano ang isang special child.



Si Alcantara, kasama ang kanyang anak pauwi na ng Pilipinas mula sa Hongkong, noong nakalipas na 23 ng
Disyembre kung kailan nangyari ang insidente. Sa dakilaunan naghain na rin siya ng kaso laban sa Cebu
Pacific dahil sa pag-discriminate sa kanila kasama ang kanyang abogado na si lawyer Salvador Panelo,  
habang humingi naman ng paumanhin ang nasabing Airline Company.



Pero para Kay Noel,  hindi sapat lamang umano na paghingi ng “sorry” ng Airline, bagkus minungkahi niyang
patawan ng kaparusahan ang Cebu Pacific upang hindi na maulit pa ang pangyayari.



“can be subject to investigation, dapat i-penalty ang airline,para maging  warning to the other airline,” tanong
pa ni Noel, “bakit nanggulo ba yung bata? Holder naman ng tiket ang bata.”



Malinaw aniya na pag-discriminate ang ginawa ng mga crew ng airline ang sa mag-ina, dagdag pa niya
“talagang diskriminasyon yan, kaya nga may kasamag magulang para magbantay.”



Sinugundahan naman ito ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod na dapat papanagutin ang Cebu Pacific sa
inasal ng kanilang mga tauhan. Giniit pa ng Kongresista na posibleng na troma ang inabot ng mag-ina sa
pagsakat nila sa pinagkatiwalaang eroplano.



“dapat panagutin ang Cebu Pacific,  damage yun sa pasahero, dapat maging sensitibo sila dun  bahagi ng
serbisyo nila ang pangalagaan ang kanilang mga pasahero at hindi ang pahiyain,”  ani Maglunsod.
 
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine