Supporters ni Sn. Aquino sobra tiwala na mananalo sa pangpanguluhang halalan.
|
| |
MALAKI pa rin ang paniniwala ng isang miyembro ng Liberal Party (LP) na si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino pa rin ang tiyak na tatanghaling panalo sa pangpanguluhang halalan ngayon taon, kahit pa tila posible na siyang maungasan ni Sen. Manny Villar Nacionalista Party (NP) sa bagong labas na survey ng Social Weather Stations(SWS).
Ang reaksyon ay mula kay Oriental Mindoro Rep. Alfonso “Boy” Umali ng LP, sa bagong year-end special national SWS survey na ginawa noong December 27-28 nakaraang taon, na nagpapakita ng 44 na porsiyento na naglagay sa unang puwesto para kay Aquino, habang nalalapit naman sa kanya si Villar na may 33 na porsiyento.
Malakas ang sampalataya ni Umali na mananatili si Aquino na mangunguna sa mga survey, kahit pa dalawang puntos din ang binaba sa rating ng kanilang standard-bearer.
“We are not complacent but we are very optimistic that other presidential candidates cannot overtake our standard-bearer. The drop is with the error of margin set,” paniniyak ni Umali.
Pero para kay House Deputy Speaker for Mindanao at Maguindanao Rep. Simeon Datumanong, ang resulta ng pinakabagong SWS survey ay nagpapatunay lamang umano na marami pa ang mangyayari bago sumapit ang May 10 presidential election.
Taliwas aniya sa pinapakita ng survey sa pinaniniwalaan ng mga taga-suporta ni Aquino na mananatiling na sa tuktok pa rin ng rating ang kanilang pambato, na pala tandaan na umano ng pagkapanalo ni Aquino sa halalan. Pero ang survey na rin umano ang nagpakita na marami pa rin sa mga Pilipino ang hindi pa rin nakakapamili ng nais nilang maging pangulo ng bansa.
“This would only mean that the people are capable of changing their choice every now and then,” dagdag pa ni Datumanong. “There may be more changes as the campaign goes along when issues will be discussed.”
Ganun pa man tiwala din si Datumanong, senior vice-president para sa internal affairs ng Lakas-Kampi- CMD, na tataas pa ang popularity rate ng kanilang pambato na si dating Defense Sec. Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. kapag nagsimula na ang opisyal na kampanya.
Tinuturo naman ni Quezon Rep. Danilo Suarez, ang kabiguan ni Aquino na manindigan sa Hacienda Luisita na kinasasangkutan ng mga mahihirap na magsasaka sa Tarlac at ng pamilya Cojuangco, ang naging dahilan umano kung bakit ito nagsisimula ng bumaba sa mga survey.
“Maybe it’s because of the concentrated efforts of cause-oriented groups regarding the agrarian issue of Hacienda Luisita. That issue may be taking its toll on Noynoy’s candidacy,” ani Suarez.
Dagdag pa niya, “It can be noted that the reduction of his popularity is in the masa.”
Tinawag naman ni Suarez, “inaccurate rating” ang kalagayan ni Teodoro sa mga survey, katwiran niya “Mukhang hindi accurate ang kay Gibo; imposible namang ganun pa rin ang kanyang rating. It should have been higher than his previous rating.”
Nabawasan ng dalawang puntos si Aquino sa rating kumpara sa 46 na porsiyento noong December 5-10 survey na ginawa ng SWS.
Si Former President Joseph Estrada ay nanatiling nasa pangatlong puwesto na may 15 porsiyento, habang si Teodoro na bawi naman ang ikaapat na puwesto sa pamamagitan ng limang porsiyento sa rating.
|
| |
Marina Administrator pinagbibitiw sa puwesto
|
| |
PINABUBULGAR ng isang senatoriable ni former President Joseph Estrada kay Maritime Industry Authority (Marina) Administrator Len Bautista, ang mga pangalan ng mga politiko na namumuwersa sa kanya na payagang bumiyahe sa open sea ang mga inland-designed roll-on roll-off ferries.
Binatikos ni Agusan Del Sur Rep. Rodolfo “ Ompong ” Plaza si Bautista sa pananatiling tikom ang bibig na pangalanan ang mga politikong namumuwersa sa kanya, ganun marami ng pamilya ang nagdudusa matapos na mamatay ang kanilang kamag-anak sa dalawang magkasunod na aksidente sa karagatan.
Ayon pa kay Plaza, ang hindi makayanang pag-lobby ng mga politiko kay Buatista ay nagpapakita lamang umano na hindi qualified si Bautista na pangunahan ang Marina, lalo na ang pangunahin niyang tungkulin ang tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero sa karagatan.
“Sabi niya may pressure sa politicians, aba dapat naman pangalanan niya ang mga iyan dahil maraming buhay ang nawala at maraming mga kaanak ang naghihinagpis. Kung hindi niya magagawa, mag-resign na lang siya,” ani Plaza.
Dagdag pa ni Plaza, “Ilang buhay pa ang mamamatay, magpa-Pasko pa naman noong nangyari ang nasabing paglubog. Ang mga biktima ay may dalang pera at regalo pag-uwi nila sa kanilang mga pamilya, pero ito dumating silang mga patay, iyung iba hindi na nakita.”
Tiniyak naman ni Plaza na haharangin nito ang taunang pondo ng Marina kapag hindi pinangalanan ni Bautista, kung sino ang namumuwersa sa kanyang politiko.
“Nakakahiya ang ganyang katwiran, nakakabuwisit. Nangamatay na ang mga tao dahil sa pressure ng mga politiko tapos sasabihin niya mahirap banggain ang mga iyun,” ani Plaza matapos na isisi ni Bautista sa ilang politiko ang nangyaring trahedya dala ng pressure sa kanyang opisina na basta na lamang magkarga ng pasahero, at kakulangan umano ng tauhan upang gumagawa ng pag-audit sa lahat ng maglalayag na mga barko sa bansa.
Sa nakaraang pagdinig ng Senado sa nangyaring trahedya ng nakalipas na Disyembre 29, inamin ni Philippine Coast Guard (PCG) chief Admiral Wilfredo Tamayo na ang MV Baleno 9, na ginawa sa Japan noong 1992 at ang pangalawang RORO vessel na lumubog sa San Agapito Verde Island sa probinsiya ng Batangas ay hindi para sa open sea travel.
Sinabi din ni Bautista na karamihan sa RORO vessels sa bansa ay nakadesenyo lamang sa inland water at pinapayagan lamang silang buwiyahe sa karagatan, kung makakapasa sila sa standard ng isang barkong lalayag sa malawak na karagatan.
Hinamon ni Plaza si Bautista at iba pangpinuno ng maritime enforcement agencies na magbitiw, dahil sa kabiguan nilang tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero bago lumayag ang barko.
Hiniling naman ni Plaza sa mga kamag-anak ng mga na namatayan sa trahedya sa karagatan na maghain ng class suit hindi lamang para sa may ari ng barko, maging sa opisyales ng Department of Transportation and Communications (DoTC), Marina at PCG na may kinalamang sa katiyakan ng kaligtasan ng isang barko bago ito lumayag.(jongmanlapaz@gmail.com)
|
| |
Brgy. at SK eleksyon ngayon Oktubre pinagpapaliban
|
| |
PINAKAKANSELA ang Barangay at Sangguinan Kabataan(SK) eleksyon ngayon taon ng isang senior member ng Kamara de Representantes na si Albay Rep. Edcel Lagman at gawin na lamang limang taon ang termino ng mga opisyales ng Barangay at SK.
Sa panukala ni Lagman, nais nitong iurong sa 2012 ang nakatakda ng 2010 barangay at SK eleksyon sa parating na Oktubre.
Kasi nga naman aniya, simula noong 1989 hanggang 2007, iisang beses pa lamang natupad ang nakataktadang tatlong taong termino ng mga barangay at SK officials ito ang taong May 1994 hanggang May 1997.
“This preference for a five year term caused the filing of an avalanche of bills in the 13th Congress which sought the extension to five years or an additional two years to the three-year term,” paliwanag ng kongresista sa kanyang inihaing House bill 7003.
Sinabi pa ng Kongresista na tinatayang nasa P3 bilyon ang gagastusin ng gobyerno sa barangay elections sa Oktobre.
“This amount could be saved and realigned to basic socio-economic services, fund the recently amended agrarian reform program which has a budgetary shortfall of billions of pesos in 2010 alone and augment the funding for the various rehabilitation projects,” sabi pa ni Lagman.
|
| |
| |
|