Imbestigasyon ng comelec sa pakikialam ng Ampatuan sa smarmatic, ilabas kagad
|
| |
HINAMON ng isang senatoriable ni dating Pangulong Joseph Estrada ang Commission on Election (Comelec)na agarang magpalabas ng ulat, hinggil sa gagawin nilang imbestigasyon sa umano’y pangingialam ng pamilya ng Ampatuan sa pagtatalaga ng Smartmatic, sa kanilang Autonimous Region for Muslim Mindanao(ARMM) regional supervisor.
Matatandaan na binulgar ni Senate Minority Leader Sen. Aquilino Nene Pimentel na isang Arnulfo “popoy” Cayugan umano ang minungkahi ng Ampatuan, na maging regional supervisor ng Smartmatic sa ARMM na mangangalaga sa mga makina ng kumpanya sa paparating na halalan sa Mayo 10, ngayong taon.
Nababahala si Rep. Rodolfo “Ompong” Plaza (Agusan del Sur. Lone district) na magkaroon ng dayaan sa ARMM kapag ang mga kaalyado umano ng mga Ampatuan ang mangalaga sa automated eleksyon sa ARMM.
Dahil dito, upang maibsan ang pangamba ng mga mamayan ng ARMM na madaya ang kanilang boto, mainan umano na agad na magpalabas ng ulat ng resulta ng imbestigasyon ng Comelec sa binulgar ni Pimentel.
“ASAP (as soon as possible)magpalabas ng report ang comelec sa imbestigasyon nila,” ani Plaza sa pamamagitan ng telepono.
Nilinaw naman ni Plaza na hindi na umano kailangan pa na imbestigahan pa ng Kongreso ang nasabing usapin, mainan na bigyan ng pagkakataon ang Comelec na malinawan ang nasabing usapin, upang maalis na ang pangamba ng dayaan sa ARMM.
Nauna dito nag-utos si Comelec Chairman Jose Melo ng agarang imbestigasyon sa pagpasok ng isang tauhan ng mga Ampataun sa Smartmatic. Tiniyak naman ni Melo na hindi maiimpluwesiyahan ng mga lokal na kandidato ang smartmatic, dahil international firm ang kumpanya.(jongmanlapaz@gmail.com)
|
| |
Sen. Villar ipapatay - solon
|
| |
IPAPATAY umano ang Standard bearer ng Nacionalista Party (NP) na si Sen. Manuel ‘Manny’ Villar Jr., upang mapigilan ang kanyang ambisyong maging pangulo ng Pilipinas.
Ito ang tahasang binulgar ni Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng Ilocos Norte, makaraang mapatay ang apat na katao na kandindato ng NP, nang magsimula na ang election period kamakalawa.
Dahil dito, minungkahi ni Marcos, na higpitan ang seguridad kay Villar, lalo na umano ngayong painit na ng painit ang bangayan sa eleksiyon sa bansa. Malaking dahilan din umano ang mabilis na pag-angat sa survey nito na pumapangalawa naman kay Sen. Noynoy Aquino III.
“Tanging asasinasyon lang ang makapipigil kay Manny. Sa mga susunod na buwan, tiyak na mangunguna na si Manny sa survey sa mga presidential candidates. Talagang kailangang higpitan na ang seguridad ni Manny,” pangamba ni Marcos.
Nagbabala din siya kay Villar na huwag masyado maging kampante, bagkus doblehin pa ang pag-iingat partikular na kapag tuluyan na itong mangampanya at magtungo sa mga probinsiya.
Nauna ng ng napaslang ang apat na kandidato ng NP, sina Julio Equivas ng Casiguran, Sorsogon; Cipriano Albores ng Malita, Davao del Sur; Wilbert Origines ng Surigao del Norte at Joen Canete-Diego ng Ilocos Norte.
Sa ngayon tinatayang nasa 558 ang na umano ang election hotpots sa buong bansa, na tinukoy ni Commission on Elections (Comelec) at ng Philippine National Police (PNP).(jongmanlapaz@gmai.com)
|
| |
Gun ban exemption sa media pinaburan ng isang kongresista
|
| |
SUPORTADO ng isang Kongresista na mabigyan ng exemption ng gun ban ang mga kagawad ng Media, na madalas na pinupurtirya ng mga tiwaling politiko.
Malaki ang tiwala ni Buhay Partylist Rep. Irwin Tieng na mapagkakatiwalaan ang mga mamahayag na mailagay sa tama ang pagdadala ng baril, habang umiiral ang gun ban sanhi na rin ng nalalapit na eleksyon.
“oo dahil ang alam naman nating lahat ay ang gumgawa ng labag sa batas ay ang mga tao na walang permit ang baril,” ani Tieng sa pamamagitan ng telepono.
Nilinaw naman ni Tieng ang nasabing pagbibigay ng exemption sa mga mamahayag na magdala ng baril, depende pa rin umano sa bigat ng banta sa kanilang buhay at maging sa seguridad ng kanilang pamilya, dala na rin sa kanilang pagtupad sa tungukulin.
“depende siguro sa bigat ng banta sa kanya at sa kanilang pamilya,” dagdag pa niya.
Matatandaan na kilala ang Pilipinas sa buong mundo na pinakadelikadong lugar para sa mga mamahayag. Isa sa bagong insidente ng pagpatay sa Media ang pinakabrutal at pinakamaraming pagpatay ng mga mamahayag sa loob lamang ng isang araw ay ang Ampatuan Massacre na nangyari ng nakaraang taon na kinasawi ng may 30 kagawad ng media.
Nilinaw naman ng Commission on Election (Comelec) na hanggang sa ngayon habang pinatutupad ang gun ban, hindi pa rin kabilang ang media sa sakop ng exception ng gun ban.
Bagkus minungkahi ni Comelec legal deparment Head Ferdinand Rafanan na imbes na magdala ng baril, mainan na humingi na lamang ng tulong pangseguridad sa Philippine National Police kung sa pakiramdam ng Media nasa panganib ang kanyang buhay.
“ang media ay hindi kasali sa listahan ng excepted, maliban lang kung maglabas ng ibang resolution ang commission en banc, pero palagay ko hindi na,” ani Rafanan sa isang panayam sa radyo.
Sa ngayon nasa ikatlong araw na ang pagsasailalim ng bansa sa gun ban, bilang paghahanda na rin sa nalalapit na eleksyon.
|
| |
| |
|