Pasugalan ng bansa pinabubuwag
|
| |
PINABUBUWAG ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na pinamumunuan ni Chairman Efraim Genuino, dahil sa maling pag-asa umano ang ibinibigay nito sa taumbayan.
Naniniwala ang Kongresista na isang kamalian umano na hikayatin mismo ng gobyerno ang kanyang mamamayan na idaan ang kapalaran sa sugal. Hindi rin aniya makakatulong ito, upang maibsan ang tila kanser na lumalala na kahirapan sa bansa.
“mali ang patakaran ng gobyerno na i-encourage nila ang sugal kasama casino hindi makakatulong sa tumitinding kahirapan ng ating mamayan,” ani Maglunsod.
Nakadagdag pa ng dahilan kung bakit nararapat na buwagin ang PAGCOR, ang pagpabor ni Genuino sa dayuhang mamumuhunan sa pagtatayo ng casino na nagdulot tuloy ng pagkalugi ng mga pasugalan na pinatatakbo ng pamahalaan.
Matatandaan na binigyan ng permiso ni PAGCOR chairman Genuino ang Resort world hotel na pagmamay ari ng Taiwanese firm na Genting Company, na itinayo naman malapit sa NAIA terminal 3, hindi kalayuan sa Airport Casino na pinatatakbo ng pamahalaan.
Dahil dito, una ng kinuwestiyon ang layunin ni Genuino ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino sa pagpayag ng PAGCOR na kumpitensiyahin ang sariling kasino na sila mismo ang nagpapatakbo.
Ang pinagtataka naman ni Maglunsod bakit pumayag si Genuino na ipasok sa Philippine Export Zone Authority ang lisensya ng Resort world casino, ganun 25 porsiyento lamang ang kikitain dito ng gobyerno.
“mas lalong nakakaduda yong agreement nay an, bakit 25% lang ibibigay sa gobyerno posible may kumita duon,” ani Maglungsod.
Naniniwala naman si Casino na posibleng maharap sa kasong pangdarambong si Genuino, kung mapapatunayan sa ipapatawag na imbestigasyon ng kongreso, na kumita ito sa maling paraan kung bakit ganun na lamang ang pagpayag ng PAGCOR na kumpitensiyahin ang casino ng pamahalaan ng isang dayuhan.
|
| |
Rep. Ledesma pinakasuwerteng kongresista
|
| |
SI Negros Occidental Rep. Jules Ledesma na ang maituturing suwerte sa lahat ng Kongresista sa ika-14 na kongreso.
Kasi nga naman, kahit marami pa ang daliri sa mga kamay ang pinasok ni Ledesma na asawa ni Asunta De Rossi, makakatanggap parin ito ng mga bunos, maliban pa sa mga suweldo.
Pero bago makuha ni Ledesma ang kanyang mga suweldo at bunos, nakiusap muna si Speaker Prospero Nograles Jr., sa tamad na si Ledesma na mag-effort naman na pumasok sa sesyon kahit dalawang beses sa siyam na huling session days ng ika-14 na Kongreso.
Napag-alaman na pumunta si Ledesma sa Kongreso noong Christmas break, hindi para dumalo ng sesyon, bagkus kolektahin ang ng kongresista kolektahin ang kanyang suweldo at mga bunos, pero bigo itong makuha ang pinagpagurang pera dahil walang empleyadong umatupag nito.
Sa nakaraang Statement of Assets Liabilities and Net worth ng mga Kongresista, si Ledesma ang ikatlong pinakamayamang sa mga mambabatas, na may networth na P427.529 milyon batay na rin sa ipinasa niyang SALN.
“Congress was on a Christmas break and no employees of consequence were available,” ani Nograles. “I just told him to please attend at least the last two sessions of the year so you can get all the papers, documents and salaries due you.”
Bawat kongresista ay may payola sa Kongreso ng P35,000 na sahod kada buwan, hindi naman malinaw kung magkano ang makukubra ni Ledesma sa kabila na hindi naman ito nagpapakita sa sesyon ng Kongreso. Simula pa noong hulyo para sa pagbubukas ng sesyon at maging sa pinakahuling State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo.
|
| |
Humanitarian team ng Pinas, minungkahing ipadala sa haiti
|
| |
NANAWAGAN kahapon ang isang Kongresista mula sa Visaya sa mga mayayamang bansa na agad na magpadala ng humanitarian team na binubuo ng mga doctor, nurse at relief worker upang tulungan ang mga nabiktima ng magnitude 7 killer quake sa Haiti ng nakaraang Martes.
Nanawagin din si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa gobyerno na magpadala ng kahantulad na grupo upang tumulong sa mga biktima ng lindol, habang tinaya naman na aabot sa 100,000 ang patay.
"We pray that the many people trapped in the rubble will be rescued soon. We appeal to rich nations to take the lead role in the rescue and rehabilitation effort. The government can also share its resources to help the victims,” ani Romualdez.
Naghain naman si Nueva Ecija Rep. Edno Joson ng House Resolution (HR) No. 581 na umuobliga sa Kongreso na magsagawa ng isang imbestigasyon upang siguraduhin na matatag ang mga gusali ng pamahalaan at matiyak na ito ay napapangalagaan mabuti.
“It is the duty of the state to provide the public with adequate social services ad the means to achieve an improved quality of life for its citizens,” said Joson.
Minungkahi naman ni Susan “Toots” Ople sa lingguhan Usaping Balita media Forum, na tumatakbong Senador sa ilalim ng Nacionalista Party ni Sen. Manny Villar, na magtayo ng command post sa Department of Foreign Affairs (DFA) maging sa Haiti na siyang magiging kinatawan naman ng mga pamilya ng tinatayang 447 Pilipinong nagtragtrabaho sa garments, telecommunication at power sector sa bansang tinamaan ng lindol.
|
| |
| |
|